TV Patrol: Pagsusuri sa Isang Naunang Pagsusuri
Sa totoo lang, hindi ko alam lahat ng mga blog sites ng iba’t ibang mga grupo. Nagtanong na lamang ako sa aking ka-grupo na si Joan at buti na lang ay may alam siya kahit isa. Ang naibigay na blog site sa akin ay iyong sa grupo ni Samuel Lubi. At blog na nga niya mismo ang aking naisipang bigyang puna. Hindi dahil blog niya ang una kong nakita pagkabukas na pagkabukas ko sa kanilang blog site, kung hindi dahil napukaw ang aking interes sa napili niyang topic. Tinalakay niya ang wikang ginagamit sa pagbabalita sa programang TV Patrol na nasa ilalim ng pamumuno ng ABSCBN. Nakakatuwa na tulad ko ay mahilig siyang manood ng mga balita sa telebisyon. Ewan ko ba pero bilang isang Philippine Mass Media major, natutuwa talaga ko sa tuwing may nahihilig sa panonood ng mga makabuluhang programa tulad na lamang ng balita, dokumentaryo, at hindi lang puro drama at kiligan sa mga soap opera. Para kasi sa akin, pamamaraan ito, direkta man o hindi, ng isang tao upang makibahagi at maging maalam sa mga isyung bumabalot at humuhubog sa ating lipunan maging sa ating pagka-Pilipino. Siguro ang naging pagkakaiba lang naming dalawa e yung mas kritikal ako sa panonood ng balita. Nabanggit niya kasi na bihira lang naman siya nakakapagbigay puna sa TV Patrol lalong lalo na pagdating sa paggamit ng wika sa pagbabalita sa nasabing programa. Hindi ko alam kung mainam ba ito o hindi sa pananaw ng nakararami pero may pagka-pakialamera ako pagdating sa panonood ng mga programa sa TV. Minsan nga kahit iyong pinakamaliit na detalye sa isang programa ay napupuna ko pa. Halimbawa na lamang ay iyong pagbabalita ni Joey Villarama sa TV Patrol. Masasabing matatas na wikang Filipino nga ang ginagamit niyang wika sa pagbabalita pero ang paraan ng kanyang pagbigkas sa mga salitang mayroong letrang “R” ay nagmimistulang tunog Ingles. Iyon ay isang puna at opinyon ko lamang. Sa pagsusuri naman na ginawa ni Lubi, masasabi kong wala masyadong lalim ang ginawa niyang pagbibigay puna at analisis sa wikang ginagamit sa TV Patrol. May ilang mga bahagi na paikot-ikot lamang ngunit iisang ideya lang naman ang nais iparating sa mambabasa. Gumamit din siya ng ilang mga termino o salita na sa aking tingin ay hindi akmang gamitin sa kanyang pagpapaliwanag. Halimbawa nito ay nang minsan niyang ilarawan ang mga salitang ginagamit sa pagbabalita sa TV Patrol bilang matitigas na salita. Kailan pa naging matigas ang salita? Maaaring ang pamamaraan ng pagsasalita ang nais niyang tukuyin. May kaunti din akong napasin na maling paggamit sa punctuation marks tulad ng paggamit sa gitling, tuldok, at panipi. Kung aaraw-arawin ang panonood sa TV Patrol, mapapansin na gumagamit na din ito ng ilang mga banyagang termino sa pag-uulat partikular na sa weather forecast at showbiz updates. Mula dito pa lamang ay hindi na tamang sabihin ni Lubi na purong Filipino ang ginagamit na wika ng nasabing programa. Sa kabilang banda, kalakasan naman sa pagsusuring ginawa ni Lubi ang pagbibigay koneksyon niya sa wikang ginagamit ng TV Patrol sa konsepto ng “dating” ni Bienvenido Lumbera. Ipinaliwanag niya ang ilan sa mga epekto ng paggamit sa isang karaniwang wika. Sumasang-ayon ako nang sabihin niya na ang paggamit ng programa sa wikang Filipino ay isang mainam na pamamaraan upang mas madaling maunawaan ng mga manood at tagapakinig ang naturang balita. Maganda din naman na kahit papaano ay bahagya niyang natalakay ang koneksyon ng wika sa kredibilidad at paninindigan ng isang mamamahayag. Maging ang pagkakaiba-iba sa pamamaraan ng pananalita ng mga mamamahayag pagdating sa general news, weather forecast, at showbiz updates ay nag-iiba din. Maaari sanang mas napabuti ang pagtatalakay ni Lubi kung naikumpara niya ang matapang na pagbabalita ni Julius Babao mula sa pala-kaibigang tono ni Kuya Kim Atienza, at sa malumanay na pag-uulat ni Phoemela Barranda. At ang huli, isang magandang realisasyon ang naisip ni Lubi nang imungkahi niya na maaaring maging isang magandang topic ang pagbabalita sa TV Patrol sa pagbuo ng isang malaman at malalim na diskurso.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Mini-Clock
Thermo Converter
Blog Archive
-
▼
2008
(30)
-
▼
November
(12)
- I CHOOSE… Maria Carmina Baron’s BRIEFCASE BLOG # 4!
- Pagsusuri sa Blog ni Helen E.
- The Buzz
- Just chew it!
- TV Patrol: Pagsusuri sa Isang Naunang Pagsusuri
- Ang Blog at ang Blog ni Mare: ang pagsusuri sa blo...
- Pagsusuri sa ibang blog
- ang pagsusuri ng wika sa WOWOWEE
- Goin' Bulilit
- blog ng iba
- wika sa telebisyon
- Isang Pag-iimbestiga sa Wika
-
▼
November
(12)
0 comments:
Post a Comment