Goin' Bulilit
ni Joanna Marie P. Becong
Ang isang paraan ng pananalita ay may iba’t ibang klaseng dating sa mga taong nakikinig. Maaaring sabihin mo na maraming tao ang sadyang naghihirap ngayon, at kapag ito’y narinig na ng iba ay may iba’t ibang klase na silang pagpapakahulugan o pagkakaintindi sa maikling pahayag na ito. Sa ating pananalita rin nakikita o nabibigyang repleksyon ang ating pagkatao. Kung baga, kung paano tayo magsalita ay ito rin ang paraan kung paano tayo mag-isip, kumilos o makisama. Sa ibang tao, maaring positibo ang mga ito kung may alam sila o naiinitindihan ka nila ngunit sa iba naman ay baka maging negatibo ang kalabasan nito.
Sa programang Going Bulilit, kung ating papanoorin ito ay makikita natin na puro mga bata ang mga nagsisipagganap dito at isang nakakatandang artista na si Dagul. Puro katatawanan at simpleng kwento ang mga naririnig o naibabahagi nila sa atin. Ang programa rin na ito ay ginawa para mismo sa mga batang manonood. Ito ay isang uri ng palabas na libangan, komedya at para lamang magkaroon ng nakakatawang gawain. Kung ating mapapansin ang wikang ginagamit dito ito ay ang simpleng mga salita lamang na mabilis maiintindihan ng mga tao. May iba namang nagpapakita ng pormalidad o ang pormal na paraan ng pagsasalita. Gumagamit din ang mga tao dito ng mga pabalbal at kolokyal na salita. Hindi rin maiwasan dito ang paggamit ng mga salitang tag-lish. Ang ilan sa mga aplikasyon ng mga nasabing uri o klase ng wika ay sa mga “jokes”, paggaya sa mga ibang programa sa telebisyon, mga maiikling eksenang nakikita o nangyayari sa buhay, mga balitang kumakalat sa kasalukuyan at ang iba naman ay kapag nagkakaroon lamang ng normal na pag-uusap sa pagitan ng dalawang kasapi sa programa.
Sa mga “jokes”, madalas na ginagamit na mga salita dito ay ang normal na pag-uusap ng mga tao. Minsan ay nasasamahan ito ng mga pabalbal na salita katulad ng mga ekspresyon na chorva, charing, chaka, etc. Minsan din ay nagkakaroon ng taglish sa mga linyang ginagamit dito. Sa mga nasabing jokes sa palabas na ito ay naiisama na rin ito sa mga pag-imita sa mga pang-araw-araw na pangyayari o eksenang nagaganap sa buhay ng mga tao. Ang ilan sa mga pangyayari na ito ay mga sumusunod: mga pagbili sa tindahan, ang walang sawang si inday o ang katulong sa bahay, ang kwento ng dalawang mag-asawa o magkasintahan, eksenang pambarkada o pangeskwelahan, pang-albolaryo at marami pang iba. Makikita o maririnig rin ang paggamit ng taglish sa mga ginayang mga palabas katulad ng mga eksena sa mga teleserye at sa iba pang mga palabas o sine na pumapatok sa masa. Ang pagiging pormal naman na paggamit ng mga salita ay katulad na lamang sa panggagaya nila sa mga palabas katulad ng mga pambalita, paggaya sa mga sinasabi ni Pangulong Arroyo o kaya naman sa mga eksena na kailangan ng seryosong pagpapalabas.
Ilan pang mga obserbasyong aking gustong ihayag ay ang paggamit ng mga bata ng mga salita na hindi angkop para sa kanilang edad o kalagayan. Halos palagi kasi silang gumagami ng mga usapin o salitang ginagamit ng mga matatanda. Kung baga ang palabas na ito ay nagiging repleksyon din nating mga tao ngayon. Ito ay isang paraan ng pagpapakita kung paano kumikilos o paano tayo nakikita sa ibang perspektiba. Isa pang obserbasyon ay ilan sa mga linya o usaping ginamit dito ay para bang hindi na pinag-iisipan kung ano ang dapat sabihin. Lumalabas ang pagiging natural at mababaw na salitang ginagamit sa palabas. Kung tutuusin nga naman, tama lang din na gumamit lamang sila ng mga mababaw na salita sapagkat ang palabas na ito ay nakalaan para sa mga bata at dahil na nga rin ang palabas na ito ay isang katatawanan.
Ang wikang ginamit sa palabas na ito ay wala masyadong kalalimang mensahe; mayroon man ang ilan sa mga ginamit ngunit hindi pa rin ito ganoon kalakas sapagkat katulad nga ng nabangit kanina hindi ito pwedeng laliman ng kahulugan o palawakin ng husto ang mga biro o “joke” na ipinapakita dahil nga ang “target audience” nito ay mga bata. Naging maganda man o positibo sa klase ng wikang ginamit may mga negatibo rin akong napansin. Ang ilan sa mga ito ay ang paggamit sa mga bata bilang instrumento ng ilan sa mga may masamang mensahe na mga biro; katulad ng mga patama o pagpaparinig sa ibang tao. Hindi rin maiwasan ang pagpapakita ng di kanais-nais na mga gawain ng mga matatanda at isinasagawa ng bata. Para sa akin ay baka magresulta iyon ng ilang realisasyon o pagkatuto ng mga bata sa paggawa ng isang bagay na kanilang inaarte o ginagaya.
Mini-Clock
Thermo Converter
Blog Archive
-
▼
2008
(30)
-
▼
November
(12)
- I CHOOSE… Maria Carmina Baron’s BRIEFCASE BLOG # 4!
- Pagsusuri sa Blog ni Helen E.
- The Buzz
- Just chew it!
- TV Patrol: Pagsusuri sa Isang Naunang Pagsusuri
- Ang Blog at ang Blog ni Mare: ang pagsusuri sa blo...
- Pagsusuri sa ibang blog
- ang pagsusuri ng wika sa WOWOWEE
- Goin' Bulilit
- blog ng iba
- wika sa telebisyon
- Isang Pag-iimbestiga sa Wika
-
▼
November
(12)
0 comments:
Post a Comment