Pagsusuri sa ibang blog
ni Joanna Marie P. Becong
Ang artikulong aking napiling suriin ay ang blog entri tungkol sa imaheng ipinapakita o nirerepresenta ni Claudine Baretto sa ating bansa. (group4filculm.blogspot.com) Para sa akin ang artistang si Claudine ay isang napakatapang na babae at nagkaroon ng isang maayos na trabaho o estado sa larangan ng showbiz. Ang kanyang katapangan ay nakita ko sa kanyang relasyon sa kanyang pamilya. Katulad na lamang ng kanyang pagharap sa kanyang kapatid na si Gretchen Baretto. Isa rin dito ay noong panahon ng pagkamatay ni Rico Yan at ang pagdagsa ng pamamato ng mga katanungan sa kanya. Ang kanyang kasikatan naman ay nakita kung papaano siya alagaan ng ABS-CBN. Bata pa lamang ay makikita na natin siya sa mga palabas sa TV at kung ating mapapansin isa na siya sa may mararaming pelikulang nagawa sa indsutriya at patuloy ang pag-angat niya sa pagiging isang sikat na artista.
Ang blog entri na aking nabasa tungkol kay Claudine ay malinaw na binigay kung naging ano ang pinatunguhan ni Claudine sa ating industriya sa ngayon. Naging malinaw din ang pagbibigay niya ng impormasyon tungkol sa mga naging imahe o imahe hanggang ngayon ni Claudine sa mga tao ng ating bansa. Maganda na sa unang talata ay itinatanong niya kung kilala ba ng mga tao si Claudine Baretto. Sa talatang ito makakapag-umpisa siya kung paano niya ipapakilala si Claudine at tama rin ang pagpapahayag naang artistang ito ay mayroon ng malayong narating at isa rin sa mga pinakasikat na artista sa bansa. Angkop ang paglalagay niya ng positibong impormasyon sa una para naman maipakita positibong pagkagusto ng manunulat sa kanyang tinutukoy o ginagawan ng istorya.
Sa ikalawang talata naman, ang paglalagay niya ng mga palabas kung saan gumanap si Claudine ay naging maayos rin ang pagpapahayag. Maganda ang pagkakategorya niya sa iba’t ibang pelikula na ginawa ni Claudine. Sa paraang ito malalaman kung anu-ano na nga ba ang iba’t ibang uri na nagawa at kaya palang gawin ni Claudine bilang isang artista. Sana nga lang ay nagdagdag siya kung ano ang pumatok o hindi nagustuhan ng mga tao sa mga pelikulang nagawa niya. Sa paraang ito makikita kung nagustuhan ba ng mga tao ang pagganap niya sa iba’t ibang kategorya ng pelikula na ginanapan niya. Matutukoy din dito kung ano ang naging imahe ni Claudine sa kanila sa mga pelikulang hindi naman nila nagustuhan o hindi naman bagay sa karakter o imahen ni Claudine na tumatak sa kanila. Ngunit sa kabuuan ng ikalawang talata, maayos din naman sapagkat dito rin naipakita ang kasikatan ni Claudine sa industriya dahil simula bata pa lamang ay naipakita na niya ang kanyang kakayahan sa pag-arte.
Sa ikatlong talata naman, dito niya naipakita ang imahen o karakter ni Claudine sa industriya ng showbiz at sa paningin na rin ng kalahatan. Maayos at maganda ang kanyang paglalarawan sa katauhan mayroon si Claudine at malinaw rin ang ibang bahagi ng kanyang pagpapaliwanag. Napansin ko lang na sa bawat deskripsyon na kanyang binibitawan sa aktres ay hindi niya nasusuportahan kung bakit o papaano niya nasabi ang mga ganitong klaseng impormasyon. Magiging mas malinaw sana kung bawat deskripsyon ay ilalahad niya kung saan niya nakita ang ganitong klaseng imahen mayroon si Claudine o kaya magdadagdag pa siya ng ibang kaalaman katulad ng ilang katibayan na nagpapatunay na ganoon din ang tingin ng ibang tao katulad ng kanyang pananaw sa karakter ni Claudine. Katulad ng ilang mga deskripsyon niya na nagpapakita ang karakter ni Claudine ng diskriminasyon sa mga babae sa ating bansa sa trabaho man o sa pamilya at lipunan. Sana dito ay ipinaliwanag niya kung bakit o sa papaanong paraan naaipakita ito ni Claudine. Ilang deskripsyon din na sa tingin ko ay kulang ng pagpapaliwanag ay ang mga: ordinaryong Pilipina, nakakaranas ng kahirapan, diskriminasyon at pang-aapi ngunit lumalaban parin at nagsusumikap at isa pa ay ang pagiging inferior niya sa mga lalaki. Oo, sa tingin ko ay tama naman ang mga paglalarawan sa imaheng mayroon siya ngunit hindi sapat ang pgalalagay lamang na nakita natin ito sa kung papaano siya inahain ng midya sa ating mga mata. Kailangan din ay magbigay siya ng mga pansuporta sa mga salitang kanyang binibitawan.
Ang sumunod na talata dito ay sana isinaman na lamang niya sa ikatlong talata sapagkat may kaugnayan din naman ito sa pagpapakita ng karakter ni Claudine, ngunit naibibilang nga lang sa ibang kategorya. Naging maganda ang panghuli niyang salita dahil sinabi niya ang kabuuang imahen na nabuo sa ating isipan tungkol lay Claudine. Sa kabuuan din, maayos ang naman ang pagkasulat, may mga ilang maling baybay ng salita at may ilang pangungusap na kulang.
Mini-Clock
Thermo Converter
Blog Archive
-
▼
2008
(30)
-
▼
November
(12)
- I CHOOSE… Maria Carmina Baron’s BRIEFCASE BLOG # 4!
- Pagsusuri sa Blog ni Helen E.
- The Buzz
- Just chew it!
- TV Patrol: Pagsusuri sa Isang Naunang Pagsusuri
- Ang Blog at ang Blog ni Mare: ang pagsusuri sa blo...
- Pagsusuri sa ibang blog
- ang pagsusuri ng wika sa WOWOWEE
- Goin' Bulilit
- blog ng iba
- wika sa telebisyon
- Isang Pag-iimbestiga sa Wika
-
▼
November
(12)
0 comments:
Post a Comment