Mga Miyembro

Just chew it!

ni Charles Ryan Neil T. Perez
Blog Entri # 4
Filculm A51

Natural na sa ating mga Pilipino ang pagiging masiyahin kahit tayo’y may mga problemang kinakaharap araw-araw. Napapangiti tayo kahit sa mga payak na biruan lamang. Konting hirit ng kapatid, kaibigan at kung sinu-sino pa mabilis tayong mapatawa. Nariyan ang mga stand-up comedy bars, ang radyo at simyepre ang telebisyon na kung saan maraming nagpapatawa upang kahit sa panandalian lamang ay makalimutan natin ang ating mga problema.

Napakaraming mga palabas sa telebisyon ang nagpapatawa sa mga tao o tinitawag nating mga comedy shows. Naririyan ang mga noon-time variety shows na Eat Bulaga at Wowowee, Goin bulilits, Bubble Gang Jr., Banana Split, Nuts Entertaiment at siyempre ang isa sa pinakamatagal na comedy show sa GMA7 ang Bubble Gang.

Ang Bubble Gang ay kinabibilangan ng mga artistang nagpapatawa gaya nalang ng pinaka-sikat at napakagaling sa pagpapatawa na si Michael V. Iba’t iba ang kanilang tema, humor at paggamit ng mga salita depende sa bahaging kanilang pinapalabas. Ang paggamit ng wika ay napakahalaga upang maintidihan ng mga tao ang nais iparating ng mga nagpapatawa o komedyante. Halimbawa nalang ang paggamit ng mga salitang mabilis maintindihan ng mga tao. Ginagamit ang mga salitang mabilis maintindihan dahil ang mga tagpanood ng palabas ay hindi lamang mga low class and middle class na mga tao kung hindi pati na rin ang mga mayayaman. Mas mabilis maintindihan kung payak ang mga salita at kung ganoon nga ay mas matatawa ang mga manonood dahil naintidihan nila ito agad.

Gumamit din ang palabas ng salitang Tagalog na pormal kung kinakailangan sa isang bahagi ng palabas gaya nalang kung gagayahin nila si Gloria o si Estrada sa pagtatalumpati halimbawa. Gumagamit din sila ng mga pangbading na salita kung gaganap sila bilang mga bading dahil kasama rin ito sa pagpapatawa nila. Churva at iba pang salitang pambading. Kung karaniwang bahagi lang naman ay ginagamit nila ang mga salitang pang-araw-araw nating ginagamit dahil nakadepende talaga ang lahat sa tema ng segment na iyon at sa kanilang mga manunuod. Hindi rin nila maiwasang gumamit ng Tagalog at Ingles o Taglish sa pagppatawa dahil nakasanayan na nating mga Pilipino ang paggamit ng pinaghalo o pinagsamang wika. Ang ilan sa kanilang mga jokes ay literal at hindi kinakailangan ng malalimang pag-iisip nganit ang iba naman ay may double meaning. Green ang message ngunit limitado ito dahil nationwide at kahit pala sa ibang bansa ay mapapanood ang Bubble Gang.

Masasabi kong tama nga naman ang kanilang naisip gawin na simple at payak ang mga salitang ginamit na madaling maintindihan ng mga tao. Ang paggamit ng ganitong mga salita gaya ng sa pang-araw-araw natin ginagamit ay nakakatulong sa paghikayat sa mga tao na manuod ng kanilang palabas. Masayang isipin na ang isang palabas gaya na lamang ng Bubble Gang ang wala masyadong pinipiling klase ng mga manunuod. Mapamahirap man iyan o mapamayaman ay nahihikayat nilang manuod dahil natural na nga sa ating kultura ang pagiging masiyahin at pagtawa kahit pa napakababaw ng pagpapatawa at maraming problemang kinakaharap sa buhay. Mabilis maintindihan ang Bubble Gang hindi ba? Kaya't maya-maya ay tatawa kana! Kung hindi ka man matawa ang masasabi ko lang ay..
"WHATEVER YAYA, YOU'RE SUCH A LOSER!"

0 comments:

Mini-Clock

Thermo Converter

Disturbia CBox!

Maukie - the virtual cat

New Movies On DVD This Week

The Simpsomaker