Isang Pag-iimbestiga sa Wika
ni: Joyce Anne Ramos
Mula pa pagkabata ay hilig ko na ang manood ng iba’t ibang programa sa telebisyon tulad ng balita, dokumentaryo, at marami pang programa na hitik sa makabuluhang impormasyon. Dati nga ay nailalarawan ako bilang isang bata na masyadong “seryoso sa buhay”. Ibig sabihin lamang nila na ang mga programang pinapanood ko ay masyado ng advance kung susubukang iakma ito sa mura kong pag-iisip. Dapat nga daw ay nahihilig ako sa cartoons o kahit anong pambatang palabas pero bahagyang kabaliktaran ang nangyari. Paminsan-minsan ay nanonood ako ng mga pambatang palabas ngunit madalas ay mas nawiwili ako sa panonood ng balita at dokumentaryo. Bagamat hindi ko pa gaano naiintindihan noon lahat ng mga sinasabi sa balita at dokumentaryo, masasabi ko naman na sa paglipas ng panahon ay unti-unti ko din namang natututunan ang malawak na pag-unawa sa bawat linya at impormasyong ibinabahagi dito. Lumaki ako na mulat sa samu’t saring isyu na bumabalot sa ating lipunan. At masasabi kong dahil iyon sa aking pagiging “into” sa mga ganitong klaseng programa. Halos araw-araw na nga yata ko nanonood ng TV Patrol, Saksi, 24 Oras, Emergency, Kalye, The Probe, The Correspondents, Pinoy Meets World, Sine Totoo, I-Witness, at marami pang katulad na lokal na programa. Para sa akin, ang bawat eksena ay kaabang-abang. Natuwa nga ako nang sabihan kami na kailangan naming gumawa ng isang kritikal na pag-aanalisa sa paggamit ng mga local na programa sa ating wika. Masasabi kong pabor para sa akin ang ganitong klase ng gawain dahil unang-una ay medaling pumili ng isang lokal na programa. Ikalawa, dokumentaryo agad ang pumasok sa aking isip. Ikatlo, sariling wika natin ang ginagamit dito. At siyempre ang ikaapat ay dahil mahilig ako pumuna.
“Hindi namin kayo tatantanan!” Sino nga ba naman ang hindi makakakilala sa napaka pamilyar na linya na ito ng kapwa ko Lasalyano na si Mike Enriquez. Isa siya sa mga batikang media personality dito sa ating bansa. Siguro dito pa lamang ay halata ng Imbestigador ang napili kong lokal na programang susuriin. Napili ko ang nasabing programa dahil nagagawa nilang maging matatas at makapangyarihan ang wika sa bawat detalyeng kanilang idinodokumentaryo. Nais kong maging pokus ang naging paglalahad ng programa sa isang laganap na kaso ng cybersex sa Kamaynilaan. Bagamat hindi syento porsyentong malaya ang mga lokal na programang pantelebisyon na gumamit ng lahat ng mga salitang nais nila gamitin dahil sa ilang mga pagkakataon ay may media code and ethics silang dapat sundin, masasabi ko pa rin na nagagawan nilang makaisip ng mga termino o konseptong maaaring ihalili sa mga salitang hindi akmang i-ere sa telebisyon. Sa episode na aking napanood, madalas gamitin ang terminong Magdalena upang tukuyin ang mga kababaihang sangkot sa prostitusyon. Sa halip na pokpok, mga babaeng mababa ang lipad, o mga babaeng bayaran,ito ang piniling gamitin ng programa. Sa ganitong pagkakataon ay nangingibabaw ang pagiging politically correct at gender sensitive ng nasabing programa lalong lalo na sa mga kababaihan. Dahil mayroong target odyens na pinupuntirya ang kahit anong lokal na programa, natural na sa mga manunulat nito ang paggugol ng oras kung paano “papalamutian” o “pababanguhin” ang ilang mga salitang hindi maganda sa pandinig kung ang orihinal na tawag dito ang pakikinggan. Halimbawa na lamang ng mga pinapalitang salita ay kabaret, agogo bar, lungga ng mga pokpok. Sa halip ay “bahay aliwan” at “sa bentahan ng laman” ang ginagamit. Hindi din naman maiiwasan na sa pagbibigay ng detalye ay hindi gagamit ng ilang mga hiram o banyagang termino tulad ng Internet, cyberlove, cybersex, eyeball, at marami pang iba. Ito ay sa kadahilanang wala naman eksaktong katumbas ang mga salitang ito sa ating wika kaya mas mainam na gamitin ang mga banyagang termino upang maiwasan na rin ang pagiging “pilit” ng isang pahayag. Sa isang programang katulad ng Imbestigador, nagagamit ang kapangyarihan ng isang wika upang makapag-kubli ng isang katauhan o identidad na obligasyon ng programa na pag-ingatan. Dito papasok ang paggamit ng “alyas”, general term na “impormante” , at pag-iba sa natural voice upang tukuyin ang mga taong sangkot o may kinalaman sa kaso ngunit ayaw magpakilala. Sinasadya man o hindi, mahahalatang sa paggamit ng wika ay talaga namang naimpluwensyahan na ang pang-araw-araw na gamit sa wika ng mga banyagang wika na mula sa mga nagkolonisa sa ating bayan. Sa pagbibigay ng edad o halaga, madalas ay maririnig natin ang kinse anyos, menor de edad, trenta pesos, at marami pang iba. Ang mga salitang ito ay ilan lamang sa libo-libong salita na nag-uugat mula sa wikang Kastila na pati sa dokumentaryo ay tila normal nang gamitin.

Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Mini-Clock
Thermo Converter
Blog Archive
-
▼
2008
(30)
-
▼
November
(12)
- I CHOOSE… Maria Carmina Baron’s BRIEFCASE BLOG # 4!
- Pagsusuri sa Blog ni Helen E.
- The Buzz
- Just chew it!
- TV Patrol: Pagsusuri sa Isang Naunang Pagsusuri
- Ang Blog at ang Blog ni Mare: ang pagsusuri sa blo...
- Pagsusuri sa ibang blog
- ang pagsusuri ng wika sa WOWOWEE
- Goin' Bulilit
- blog ng iba
- wika sa telebisyon
- Isang Pag-iimbestiga sa Wika
-
▼
November
(12)
0 comments:
Post a Comment