I CHOOSE… Maria Carmina Baron’s BRIEFCASE BLOG # 4!
Masasabi kong minsan sa aking buhay ay na-“hook” ako sa mga game shows tulad ng Plipinas Game Ka Na Ba at Deal or No Deal. Maganda at Masayang panuoorin ang mga ganitong palabas sapagkat nadadala tayo nitong mga ito sa ibang mundo na minsan ay mapapaisip tayo paano kung tayo ang mismong kontestant at may tsansang manalo ng limpak-limpak na salapi o umuwing luhaan at bokya. May magandang naidudulot ang mga gaitong palabas dahil isa itong anyo ng enterntainment na kung saan maaari tayong umupo at magrelaks habang nanunuod. Ang iba namang palabas ay maganda dahil may anyong itong infotainment (information and entertainment) na nakakatulong upang mas dumami pa ang kaalaman natin sa iba’t ibang bagay gaya na lamang ng Game Ka Na Ba, Who Want To Be A Millionaire at The Weakest Link.
Kung susuriin ang artikulong ginawa ni Maria Carmina o mas kilala sa pangalang Kookie Baron ay masasabi ko naakit ako ng kanyang entri. Unang-una ay mahilig din ako sa mga game shows at ikalawa ay ang paggamit niya ng mga litrati upang mas maging kahali-halina at kaaya-aya ang kanyang artikulo. Ang paggamit ng mga salitang madaling maintindihan ay tama lamang upang kapag may nakabasa ng kanyang aritikulo ay maiintidihan ng mambabasa ang nais niyang iparating. Isang magandang kanyang ginawa ay ang pag-lalagay ng panipi sa mga salitang Ingles gaya nalang ng franchised. Isa pang kapansin-pansin ay ang talagang panunuod niya sa palabas na Deal or No Deal dahil nagbigay pa siya ng ilang halimbawa sa paggamit ng wika sa palabas.
Una ay ang host na si Kris Aquino na galing sa isang mayaman na pamilya na hindi maiwasang magpag-halo ang Ingles at Pilipino sa pagsasalita at pakikipag-usap sa kontestant na masasalamin sa kanyang TV game show na nasabi nga ni Kookie Baron. Sumunod naman ay ang paggamit ni Jon Avila at Will Devaugh ng Filipino kahit pa sila ay hindi sanay sa ating salita. Ikatlo ay ang paggamit ng “I choose Briefcase number…” ng mga kontestant na siyang nagpapakita lamang na halong Ingles at Filipino ang ginagamit sa naturang Palabas. Isang magandang punto rin ang pagtukoy ni binibining Kookie Baron sa pagiging reality tv show nito na kung saan ay malayang mapahayag ng isang tao ang knaiyang nais sa wikang nais niyang gamitin.
Ang aritukulo ay maganda dahil maayos ang pagkakalahad at paggamit ng mga salita. May mga bagay din akong napagtanto tulad na lang na mahirap na sa kasalukyang panahon na gumamit ang isang palabas ng purong Tagalog lamang at walang halo ni isang Ingles. Sabi nga ng aking propesor sa wika at kultura na si G. Vincent Tan ay sa kasalukyang panahon, kung nanaisin nating gawin at palitang ang nakasanayan ng pagsasalita gamit ang Taglish at gagawing Filipino ang lahat ay aabutin tayo ng napakatagal na panahon dahil hindi lahat ng salita ay may katumbas sa ating wika. Naging masayo tayong bukas sa pagbabago na kung saan hindi rin naging mabuti para sa ating mga Pilipino. Naiisip ko ngayon ay para palang tayong chopseuy na pinag-halo-halo ang pagkatao na galing sa mga banyaga ang konsepto n gating ginagamit sa kasalukyang panahon.
11:14 PM | | 0 Comments
Pagsusuri sa Blog ni Helen E.
Pagsusuri sa Blog ni Helen E. na : "Bubble Gang"
Erika Rivera
Napili ko itong blog na ito dahil isa ito sa pinaka paborito kong palabas tuwing biyernes alas dies ng gabi. Ito ay isang komedi show na ang mga artista ay sina ogie alcasid, micheal v. , maureen larazabal, wendell ramos, at marami pang iba. Dito ay marami silang mga naiisip na mga jokes o kaya ay mga komersyal na ginagawa at hinahaluan ng kakaibang interpretasyon upang maging nakakatawa at makakaaliw sa manood. Isa na dito ang tinukoy ni Helen na ang "You're such a loser yaya" na ngaun ay patok na patok na linya sa mga manunood.
Itinalakay din niya ang sikat na artista ngunit di gaano kilala dati bilang isang komidyante pero nang nagsimula siya sa bubble Gang ay naging mahusay na komidyante na at sumikat pa lalo dahil sa mga ginagawa niya na nanggagaya ng mga ibang sikat na tao. Isinaad din niya ang artistang si Diego na sinuwerte at nagkaroon ng role sa bubble gang. Siya ay isang simpleng tao lang dti at nang siya madiskubre naging patok din at nagustuhan din siya ng manunood dahil sa nakakatuwang itsura niya at sa role nya sa bubble gang na laging kawawa at panget. Ito lamang ay isang halimbawa na ang bubble gang ay isang programa na nakakainpluwensya sa mga nanunood. Ngaun ang bubble gang ay isa naring palabas na may mga kaalaman kang pwedeng mapulot kahit na ito ay isang komedy show. Ika nga ni Helen ang mga salita na sumisikat dito sa palabas na ito ay panandalian lamang di tulad ng mga salitang maririnig mo sa mga comedy bar at mga salitang kalye na kahit lumipas ang panahon ay nakatatak parin sa mga isipan ng tao. Ang mga lenguahe ksi na ginagamit sa bubble gang ay mga patok ngayon katulad ng mga komersyal na sikat tpos babaguhin nila ito at gagawan ng bagong salita na pagnalaos na ung produkto ay pti ang kanilang ginawang joke ay malalaos narin.
Ngunit sa mga ganitong palabas minsan ay may mga magulang na hindi sang ayon rito. dahil narin siguro sa mga ginagawa nila na pwedeng gayahin ng mga bata na hindi naman makakabuti sakanila. Pero may iba din naman na binabalewa lang ang mga ito at iniisip nila ito ay biro lamang at pawang pagpapatawa lamang upang magbigay ng kasiyahan sa mga manunood. At siguro depende narin sa magulang kung paano nila pinalaki ang kanilang anak.
10:47 PM | | 0 Comments
The Buzz
Erika Rivera
The Buzz
Ang the Buzz ay usang telebisyong magasin na ipinapalabas sa channel 2 tuwng lingo alas kwatro ng hapon. Ang halos lahat ng tao ay inaabang-abangan ang palabas na ito sapagkat dito ipinnapalabas at ibinubulgar at binubunyag ang mga latest tsismis tungkol sa mga artista.
Ang mga host dito ay sina Boy Abunda, Cristy Fermin, Rufa Gitierrez at Kris Aquino sila ang nagbibigay daan para sa mga sikreto ng mga artista para mabunyag sa buong Pilipinas. Dito ay isinasaad ang mga sikreto ng bawat artistang mahuli nila. Katulad ng mga artistang nakikita ng publiko na may kakaibang ginawa o kakaibang kasama. Minsan sa mga ganitong palabas ay para naring nakakulong ang mga artista dahil iniiwasan nila ang mga ganitong reporter na mahilig gumawa ng isyu na minsan ay hindi naman totoo at imbe-imbento lamang. Dito minsan rin ay nagiging daan upang mapagbati ang dalawang artistang magkaaway dahil minsan ay ito ang nagiging daan upang mailabas ng isang artista ang punto niya at ilabas ng isa pang artista ang punto rin niya sa pamamagitan nito ay nagiging klaro ang problema at nagkakabati sila. Meron din silang porsyon na mamimili sila ng artista na tatanong nila ng sampung tanong na hindi pwedeng hindi sagutin ng artista. Meron din minsan tanong na may nakakanbit na lie detector test na hindi nagsasabi na ng totoo ung artista ay minsan lumalabas na nagsisinungaling sila na ang dating sa manonood ay nakakasira ng imahe ng artista. Dito rin minsan ay may mga isyu na tungkol naman sa alitan o tampuhan ng mga artista, meron din problema tungkol sa pamilya. Ang mga ganitong palabas ay parang isan karera na upang maging patok ka sa manonood ay dapat laging mauuna ka sa maganda at mainit na istorya. Minsan nga ay naitatanong ko sa aking sarili kung bakit kaya mahilig sa tismis ang mga Pilipino at kung bakit sila interesado malaman ang mga buhay at sikreto ng mga artista. Lalo na kung pinaguusapan ay buhay buhay at mga pangyayari sa buhay nila. Halimbawa ay mga isyu tungkol sa pamilya o girlfriend or boyfriend. Ang mga Pilipino ay mahilig at sobrang interesado sa buhay ng ibang tao. Ang mga pinoy ay talagang hindi nagpapahuli sa balita at para sa mga pilino may tatlong importanteng paksa na binibigyang interes at panahon nila. Ito ang mga sumusunod PBA P para sa politika, B para sa basketbol, at A para sa mga artista. Sa aking opinion ang ganitong mga palabas ay walang naidudulot na mabuti sa tao, walang importansya at walang kaalaman na mapupulot dito kundi pang aliw lamang sa mga tao. Sa kabila nito hindi ko ikakaila na may mga oras din na gusto ko manood ng ganito kapag magandang ang pinaguusapan o kaya’t iniidolo ko ung artista.
10:43 PM | | 0 Comments
Just chew it!
Natural na sa ating mga Pilipino ang pagiging masiyahin kahit tayo’y may mga problemang kinakaharap araw-araw. Napapangiti tayo kahit sa mga payak na biruan lamang. Konting hirit ng kapatid, kaibigan at kung sinu-sino pa mabilis tayong mapatawa. Nariyan ang mga stand-up comedy bars, ang radyo at simyepre ang telebisyon na kung saan maraming nagpapatawa upang kahit sa panandalian lamang ay makalimutan natin ang ating mga problema.
Napakaraming mga palabas sa telebisyon ang nagpapatawa sa mga tao o tinitawag nating mga comedy shows. Naririyan ang mga noon-time variety shows na Eat Bulaga at Wowowee, Goin bulilits, Bubble Gang Jr., Banana Split, Nuts Entertaiment at siyempre ang isa sa pinakamatagal na comedy show sa GMA7 ang Bubble Gang.
Ang Bubble Gang ay kinabibilangan ng mga artistang nagpapatawa gaya nalang ng pinaka-sikat at napakagaling sa pagpapatawa na si Michael V. Iba’t iba ang kanilang tema, humor at paggamit ng mga salita depende sa bahaging kanilang pinapalabas. Ang paggamit ng wika ay napakahalaga upang maintidihan ng mga tao ang nais iparating ng mga nagpapatawa o komedyante. Halimbawa nalang ang paggamit ng mga salitang mabilis maintindihan ng mga tao. Ginagamit ang mga salitang mabilis maintindihan dahil ang mga tagpanood ng palabas ay hindi lamang mga low class and middle class na mga tao kung hindi pati na rin ang mga mayayaman. Mas mabilis maintindihan kung payak ang mga salita at kung ganoon nga ay mas matatawa ang mga manonood dahil naintidihan nila ito agad.
Gumamit din ang palabas ng salitang Tagalog na pormal kung kinakailangan sa isang bahagi ng palabas gaya nalang kung gagayahin nila si Gloria o si Estrada sa pagtatalumpati halimbawa. Gumagamit din sila ng mga pangbading na salita kung gaganap sila bilang mga bading dahil kasama rin ito sa pagpapatawa nila. Churva at iba pang salitang pambading. Kung karaniwang bahagi lang naman ay ginagamit nila ang mga salitang pang-araw-araw nating ginagamit dahil nakadepende talaga ang lahat sa tema ng segment na iyon at sa kanilang mga manunuod. Hindi rin nila maiwasang gumamit ng Tagalog at Ingles o Taglish sa pagppatawa dahil nakasanayan na nating mga Pilipino ang paggamit ng pinaghalo o pinagsamang wika. Ang ilan sa kanilang mga jokes ay literal at hindi kinakailangan ng malalimang pag-iisip nganit ang iba naman ay may double meaning. Green ang message ngunit limitado ito dahil nationwide at kahit pala sa ibang bansa ay mapapanood ang Bubble Gang.
Masasabi kong tama nga naman ang kanilang naisip gawin na simple at payak ang mga salitang ginamit na madaling maintindihan ng mga tao. Ang paggamit ng ganitong mga salita gaya ng sa pang-araw-araw natin ginagamit ay nakakatulong sa paghikayat sa mga tao na manuod ng kanilang palabas. Masayang isipin na ang isang palabas gaya na lamang ng Bubble Gang ang wala masyadong pinipiling klase ng mga manunuod. Mapamahirap man iyan o mapamayaman ay nahihikayat nilang manuod dahil natural na nga sa ating kultura ang pagiging masiyahin at pagtawa kahit pa napakababaw ng pagpapatawa at maraming problemang kinakaharap sa buhay. Mabilis maintindihan ang Bubble Gang hindi ba? Kaya't maya-maya ay tatawa kana! Kung hindi ka man matawa ang masasabi ko lang ay..
9:48 PM | | 0 Comments
TV Patrol: Pagsusuri sa Isang Naunang Pagsusuri
8:43 PM | | 0 Comments
Ang Blog at ang Blog ni Mare: ang pagsusuri sa blog ng iba.
Nikki Cruz
Blog # 5
Ang Blog at ang Blog ni Mare
http://group2filculm.multiply.com/journal/item/19/Bituing_Walang_Ningning-Ralph_Bragancia
Ang salitang Blog ay nagmula sa Web Log o isang website na minimitahan o inaalagan ng isang tao, ito ay karaniwang naglalaman ng mga istorya, imahe, mga bidyo at kung anu-anu pa. para sa akin ito ay isang personal na diary kung saan maari tingnan ng iba’t ibang tao mula sa iba’t ibang sulok ng mundo. Sa pagusbong ng mga modernong teknolihiya nauso ang iba’t ibang website sa internet at dito na rin nga nagsimula umusbong ang pag bo-blog. Kung matantandaan ilang taon na ang lumipas nang mauso ang Frienster ito ay isang website kung saan maaring makipagkaibigan ang isang tao sa iba’t ibang tao sa iba’t ibang sulok sa mundo nagkakaroon dito ng palitan ng mga personal na impormasyon at mga litrato. At mula nang mauso ito naging patok na din sa mga tao lalu na sa mga kabataan ang iba’t ibang site na maarig makagawa ng blog, ang blod din ay nagiging isang paraan ng pagnenegosyo sapagkat marami na rin ang nnagsulputan na mga blog na may mga nilalamang paninda, nagiging wais na rin ang ibang tao dahil sa pamamaraan nito maari kang mag negosyo at kumita na walang binabayarang upa ng pwesto sa isang mall, bazaar o palengke. Ang blog rin a isang paraan upang mailabas ang personal na opinion sa mga bagay bagay tulad ng pulitika. Sa blog maari mong gamitin ang iyong karapatan sa Freedom of Expression.
Sa pagkakataong ito ating susuriin ang isang blog mula sa ibang grupo ng klaseng kulturang popular. Ang aking napiling blog ay ang blog ni Kumareng Ralph Bragancia tungkol sa bituing si Sarah Geronimo sa blog na ito ni Ralph naitalakay niya ng maayos at mabuti ang pinagdaang buhay ni Sarah mula sa pagsali sa mga malilit na mga paliksahan sa mga barangay hangang sa mga bigating paliksahan sa telebisyon. Samakatuwid ang blog na ito ni Ralph ay nagpakita kung paano nagnining ang isang Bituing walang ningning, mula nga sa kanyang titulong ito naitalakay niya ang pagningning ni sarah sa isang bituin. Sa kanyang blog na ito hindi rin niya nakalimutan ang pagbangit o pagtalakay sa personal o kabilang side ng buhay ng napiling niyang aritsta ito na nga ang ugali at ang pagiging ehemplo ni Sarah sa maraming mga kabataan. Naitalakay niya kung bakit ang bituin na ito ay isang magandang ehemplo at inspirasyon sa maraming kabataaan. Naitalakay din sa kanyang blog ang importansiya ng imahe ng isang artista o isang “public figure”. Malaman at puno ng impormasyong ang blog na ito at maaring ding magbigay inspirasyon sa ibang mga bloggers.
8:50 AM | | 0 Comments
Pagsusuri sa ibang blog
ni Joanna Marie P. Becong
Ang artikulong aking napiling suriin ay ang blog entri tungkol sa imaheng ipinapakita o nirerepresenta ni Claudine Baretto sa ating bansa. (group4filculm.blogspot.com) Para sa akin ang artistang si Claudine ay isang napakatapang na babae at nagkaroon ng isang maayos na trabaho o estado sa larangan ng showbiz. Ang kanyang katapangan ay nakita ko sa kanyang relasyon sa kanyang pamilya. Katulad na lamang ng kanyang pagharap sa kanyang kapatid na si Gretchen Baretto. Isa rin dito ay noong panahon ng pagkamatay ni Rico Yan at ang pagdagsa ng pamamato ng mga katanungan sa kanya. Ang kanyang kasikatan naman ay nakita kung papaano siya alagaan ng ABS-CBN. Bata pa lamang ay makikita na natin siya sa mga palabas sa TV at kung ating mapapansin isa na siya sa may mararaming pelikulang nagawa sa indsutriya at patuloy ang pag-angat niya sa pagiging isang sikat na artista.
Ang blog entri na aking nabasa tungkol kay Claudine ay malinaw na binigay kung naging ano ang pinatunguhan ni Claudine sa ating industriya sa ngayon. Naging malinaw din ang pagbibigay niya ng impormasyon tungkol sa mga naging imahe o imahe hanggang ngayon ni Claudine sa mga tao ng ating bansa. Maganda na sa unang talata ay itinatanong niya kung kilala ba ng mga tao si Claudine Baretto. Sa talatang ito makakapag-umpisa siya kung paano niya ipapakilala si Claudine at tama rin ang pagpapahayag naang artistang ito ay mayroon ng malayong narating at isa rin sa mga pinakasikat na artista sa bansa. Angkop ang paglalagay niya ng positibong impormasyon sa una para naman maipakita positibong pagkagusto ng manunulat sa kanyang tinutukoy o ginagawan ng istorya.
Sa ikalawang talata naman, ang paglalagay niya ng mga palabas kung saan gumanap si Claudine ay naging maayos rin ang pagpapahayag. Maganda ang pagkakategorya niya sa iba’t ibang pelikula na ginawa ni Claudine. Sa paraang ito malalaman kung anu-ano na nga ba ang iba’t ibang uri na nagawa at kaya palang gawin ni Claudine bilang isang artista. Sana nga lang ay nagdagdag siya kung ano ang pumatok o hindi nagustuhan ng mga tao sa mga pelikulang nagawa niya. Sa paraang ito makikita kung nagustuhan ba ng mga tao ang pagganap niya sa iba’t ibang kategorya ng pelikula na ginanapan niya. Matutukoy din dito kung ano ang naging imahe ni Claudine sa kanila sa mga pelikulang hindi naman nila nagustuhan o hindi naman bagay sa karakter o imahen ni Claudine na tumatak sa kanila. Ngunit sa kabuuan ng ikalawang talata, maayos din naman sapagkat dito rin naipakita ang kasikatan ni Claudine sa industriya dahil simula bata pa lamang ay naipakita na niya ang kanyang kakayahan sa pag-arte.
Sa ikatlong talata naman, dito niya naipakita ang imahen o karakter ni Claudine sa industriya ng showbiz at sa paningin na rin ng kalahatan. Maayos at maganda ang kanyang paglalarawan sa katauhan mayroon si Claudine at malinaw rin ang ibang bahagi ng kanyang pagpapaliwanag. Napansin ko lang na sa bawat deskripsyon na kanyang binibitawan sa aktres ay hindi niya nasusuportahan kung bakit o papaano niya nasabi ang mga ganitong klaseng impormasyon. Magiging mas malinaw sana kung bawat deskripsyon ay ilalahad niya kung saan niya nakita ang ganitong klaseng imahen mayroon si Claudine o kaya magdadagdag pa siya ng ibang kaalaman katulad ng ilang katibayan na nagpapatunay na ganoon din ang tingin ng ibang tao katulad ng kanyang pananaw sa karakter ni Claudine. Katulad ng ilang mga deskripsyon niya na nagpapakita ang karakter ni Claudine ng diskriminasyon sa mga babae sa ating bansa sa trabaho man o sa pamilya at lipunan. Sana dito ay ipinaliwanag niya kung bakit o sa papaanong paraan naaipakita ito ni Claudine. Ilang deskripsyon din na sa tingin ko ay kulang ng pagpapaliwanag ay ang mga: ordinaryong Pilipina, nakakaranas ng kahirapan, diskriminasyon at pang-aapi ngunit lumalaban parin at nagsusumikap at isa pa ay ang pagiging inferior niya sa mga lalaki. Oo, sa tingin ko ay tama naman ang mga paglalarawan sa imaheng mayroon siya ngunit hindi sapat ang pgalalagay lamang na nakita natin ito sa kung papaano siya inahain ng midya sa ating mga mata. Kailangan din ay magbigay siya ng mga pansuporta sa mga salitang kanyang binibitawan.
Ang sumunod na talata dito ay sana isinaman na lamang niya sa ikatlong talata sapagkat may kaugnayan din naman ito sa pagpapakita ng karakter ni Claudine, ngunit naibibilang nga lang sa ibang kategorya. Naging maganda ang panghuli niyang salita dahil sinabi niya ang kabuuang imahen na nabuo sa ating isipan tungkol lay Claudine. Sa kabuuan din, maayos ang naman ang pagkasulat, may mga ilang maling baybay ng salita at may ilang pangungusap na kulang.
7:39 AM | | 0 Comments
ang pagsusuri ng wika sa WOWOWEE
Nikki Cruz
Filculm
Blog # 4
Wowowee
Hindi mapagkakaila na ang programang ito ay pumatok sa masa at hindi lamang sa masa dahil sa aking palagay ay pati na rin sa ay mga kaya ito ay pumatok lalung lalu na sa mga kababayan nating migrante sa iba’t ibang parte ng mundo tulad ng Amerika, Europa, Middle East at kung saan saan pa. ang programang Wowowee ay hindi na bago sa atin maraming programa na ang lumabas na may kahintulad sa istilo ng programang ito. kung ano-ano nang programang pangtanghali an gating napanood andyan ang Eat bulaga, MTB at kung anu-anu pa at iisa lamang ang kanilang pormat may kakanta, ay sasayaw at siyempre may maglalaro sa kanilang mga laro na maaring magbigay ng bagong buhay sa mga contestant. Hindi natin malilimutan ang Pera o bayong na masasabi rin natin na hinango sa larong kwarta o kahon na naunang naipalabas ilang taon na ang nakakalipas at iisa lamang din ang kanilang harangin ang makatulong sa ating mga kababayan na nangangailangan sinasab nila na ang programang ito ay para sa ating mga kababayang hirap sa buhay at nangangailangan. Lagi sinasabi ng host ng programang Wowowee na si Willie Revillame na ang programang ito ay para sa ating mga kababayang hirap sa buhay.
Dahil sa naging parte na ito sa karamihan sa kanilang tanghilaan maaring ang wikang ginagamit sa programang ito ay nagiging ma-impluwensiya na rin sa mga manonood. Siyempre ang ginagamit sa programang ito ay di-pormal at may halong katatawan at komedya. Ginagamit ang ganitong uri ng wika upang mas maging Masaya at di-nakakainip panoorin ang programa. Ang pag-gamit naman ng di-pormal na salita ay upang mas makakarelate ang masa sa programang ito. sa programa din ito nauuso ang iba’t ibang kanta na ginagamit sa adverstisment ng kanilang mga isponsor tulad ng energo “energo, energo, yan ang gusting gusto ko…” siyempre ang tono at wika na ginamit sa kantang ito ay “maka-masa” dahil nga ang masa ang pinaka “market” ng programang ito. pero lumalabas na hindi lang sa masa patok ang wowowee sapagkat marami rami na rin ang nawiwili sa wowowee sapagkat napapasaya nga nito ang maraming tao dahil sapgkat madalas napapanood natin dito ay ang misming komedya mula sa mga contestant at dag-dag aliw na lamang ang mga performance mula sa mga guest na artista.
Marami rin naman sa mga kababayan natin na nagiging daan o sagot ang wowowee sa kanilang mga problema hindi lamang sa mga contestand na nagbabakasakali na manalo at sa mga simpleng mga manonood sa kanilang mga tahanan at kahit sa isang saglit malimutang ang mga iniisip at dinadalang mga problema.
Sa pagsusuri naman ng wika sa programang ito mapapansin na ang wikang ginagamit sa wowowee ay normal lamang parang nakikipagusap o nakikipagkwentuhan lamang ang mga host sa mga manonood sa studio at maging ang mga manonood sa mga tahanan sa ating bansa at maging sa mga bansang may mga Pilipino. Aking napansin naman ang wika ng mga contestant siyempre ang mga contestant sa studio ay gumagamit ng wika kung saan sila komportable at ito nga ay ang wikang Pilipino at sa saglit na pag inglesin ang mga ito nagiging komedya at katatawan na ito sa iba kahit na rin ang host na Si Willie Revillame ay mapapansin na hindi sanay sa wikang ingles nagiging katatawan sa ating mga Pilipino ang pag-iingles sapagkat ang wikang ito ay sinasabong para lamang sa mga sosyal o nakakatataas. Dahil nga dito nabuo ang pangbiro ng mga Pilipino sa mga nagiingles ang biro ng pagdudugo ng ilong sa uwing tayo ay magiingles. Nagiging biro ito sa mga taong Pilipino o tagalong o ano pa man diyalekto ang pangunahing wika ang ginagamit at sa tuwing mag iigles na ito ay nagiging katatawanan na.
Pero hindi pa rin naman pede ang pag gamit ng purong taglaog sa programang ito dahil tayong mga Pilipino ay sanay sa tinatawag natin ngayon na taglish normal na sa atin ang pag gamit ng iilang salitang ingles sa ating mga konbersasyon. At sa programang ito dahil sa partispasyon ng mga pilipinong TFC subscribers nangangailangan paminsan-minsan sa prorama ang mag-straight English. Isa nman sa aking mga reklamo o kinaiinisan noon pa ang pag iingles ng todo ng mga balikbayang Pilipino tangap ko pa pag kasama nila tlagang pure amerikano o anu man eh pero yung ibang Pilipino na matira lamang sa ibang bansa sa amerika ng hindi nman katagalan pag balik sa pilipinas ay tila nakaliutan ang pagtatagalog.
Malaki ang importansiya ng wika sa ting mga buhay ito ay ginagamit natin sa pang araw-araw kaya naman anu mang wika an gating gamitin wag parin natin kalimutan ang sariling atin. Mahalin ang ating Wika!
7:34 AM | | 0 Comments
Goin' Bulilit
ni Joanna Marie P. Becong
Ang isang paraan ng pananalita ay may iba’t ibang klaseng dating sa mga taong nakikinig. Maaaring sabihin mo na maraming tao ang sadyang naghihirap ngayon, at kapag ito’y narinig na ng iba ay may iba’t ibang klase na silang pagpapakahulugan o pagkakaintindi sa maikling pahayag na ito. Sa ating pananalita rin nakikita o nabibigyang repleksyon ang ating pagkatao. Kung baga, kung paano tayo magsalita ay ito rin ang paraan kung paano tayo mag-isip, kumilos o makisama. Sa ibang tao, maaring positibo ang mga ito kung may alam sila o naiinitindihan ka nila ngunit sa iba naman ay baka maging negatibo ang kalabasan nito.
Sa programang Going Bulilit, kung ating papanoorin ito ay makikita natin na puro mga bata ang mga nagsisipagganap dito at isang nakakatandang artista na si Dagul. Puro katatawanan at simpleng kwento ang mga naririnig o naibabahagi nila sa atin. Ang programa rin na ito ay ginawa para mismo sa mga batang manonood. Ito ay isang uri ng palabas na libangan, komedya at para lamang magkaroon ng nakakatawang gawain. Kung ating mapapansin ang wikang ginagamit dito ito ay ang simpleng mga salita lamang na mabilis maiintindihan ng mga tao. May iba namang nagpapakita ng pormalidad o ang pormal na paraan ng pagsasalita. Gumagamit din ang mga tao dito ng mga pabalbal at kolokyal na salita. Hindi rin maiwasan dito ang paggamit ng mga salitang tag-lish. Ang ilan sa mga aplikasyon ng mga nasabing uri o klase ng wika ay sa mga “jokes”, paggaya sa mga ibang programa sa telebisyon, mga maiikling eksenang nakikita o nangyayari sa buhay, mga balitang kumakalat sa kasalukuyan at ang iba naman ay kapag nagkakaroon lamang ng normal na pag-uusap sa pagitan ng dalawang kasapi sa programa.
Sa mga “jokes”, madalas na ginagamit na mga salita dito ay ang normal na pag-uusap ng mga tao. Minsan ay nasasamahan ito ng mga pabalbal na salita katulad ng mga ekspresyon na chorva, charing, chaka, etc. Minsan din ay nagkakaroon ng taglish sa mga linyang ginagamit dito. Sa mga nasabing jokes sa palabas na ito ay naiisama na rin ito sa mga pag-imita sa mga pang-araw-araw na pangyayari o eksenang nagaganap sa buhay ng mga tao. Ang ilan sa mga pangyayari na ito ay mga sumusunod: mga pagbili sa tindahan, ang walang sawang si inday o ang katulong sa bahay, ang kwento ng dalawang mag-asawa o magkasintahan, eksenang pambarkada o pangeskwelahan, pang-albolaryo at marami pang iba. Makikita o maririnig rin ang paggamit ng taglish sa mga ginayang mga palabas katulad ng mga eksena sa mga teleserye at sa iba pang mga palabas o sine na pumapatok sa masa. Ang pagiging pormal naman na paggamit ng mga salita ay katulad na lamang sa panggagaya nila sa mga palabas katulad ng mga pambalita, paggaya sa mga sinasabi ni Pangulong Arroyo o kaya naman sa mga eksena na kailangan ng seryosong pagpapalabas.
Ilan pang mga obserbasyong aking gustong ihayag ay ang paggamit ng mga bata ng mga salita na hindi angkop para sa kanilang edad o kalagayan. Halos palagi kasi silang gumagami ng mga usapin o salitang ginagamit ng mga matatanda. Kung baga ang palabas na ito ay nagiging repleksyon din nating mga tao ngayon. Ito ay isang paraan ng pagpapakita kung paano kumikilos o paano tayo nakikita sa ibang perspektiba. Isa pang obserbasyon ay ilan sa mga linya o usaping ginamit dito ay para bang hindi na pinag-iisipan kung ano ang dapat sabihin. Lumalabas ang pagiging natural at mababaw na salitang ginagamit sa palabas. Kung tutuusin nga naman, tama lang din na gumamit lamang sila ng mga mababaw na salita sapagkat ang palabas na ito ay nakalaan para sa mga bata at dahil na nga rin ang palabas na ito ay isang katatawanan.
Ang wikang ginamit sa palabas na ito ay wala masyadong kalalimang mensahe; mayroon man ang ilan sa mga ginamit ngunit hindi pa rin ito ganoon kalakas sapagkat katulad nga ng nabangit kanina hindi ito pwedeng laliman ng kahulugan o palawakin ng husto ang mga biro o “joke” na ipinapakita dahil nga ang “target audience” nito ay mga bata. Naging maganda man o positibo sa klase ng wikang ginamit may mga negatibo rin akong napansin. Ang ilan sa mga ito ay ang paggamit sa mga bata bilang instrumento ng ilan sa mga may masamang mensahe na mga biro; katulad ng mga patama o pagpaparinig sa ibang tao. Hindi rin maiwasan ang pagpapakita ng di kanais-nais na mga gawain ng mga matatanda at isinasagawa ng bata. Para sa akin ay baka magresulta iyon ng ilang realisasyon o pagkatuto ng mga bata sa paggawa ng isang bagay na kanilang inaarte o ginagaya.
7:34 AM | | 0 Comments
blog ng iba
Chino Soliman
Ang napili kong blog ay ang blog na ginawa ni Madel Sebastian tungkol sa artistang si Toni Gonzaga http://filculma51g3.wordpress.com/2008/10/21/madel-sebastian-toni-gonzaga/
Maganda ang pagsulat niya ng blog tungkol kay Toni Gonzaga dahil kumpleto ang pag lalarawan niya sa artista. Mula sa pinanggalingan hanggang sa kasikatan ni Toni ay nasabi niya sa kanyang blog.
Sumasangayon ako sa mga sinabi ni Madel sa kanyang blog. Kung pipili ako ng isang tao sa Philippine showbiz na mayroong maganda at matagumpay na karir ay si Toni Gonzaga na nga ang pipiliin ko. Complete package para sa akin si Toni Gonzaga – Maganda siya, magaling umarte, magaling mag host, magaling kumanta, at magaling magpatawa. Para sa akin, ang kanyang paghohost sa Pinoy Big Brother ay isa sa talagang humatak pataas ng show at isa sa nagpasikat pa kay Toni Gonzaga lalo. Ang kanyang tono ng boses at ang kanyang mga patawa sa gitna ng mga segments ay masaya panoorin.
Sa pagaarte ay maganda na ang kanyang nagawa. Nakipagtambalan na nga siya sa mga kilalang artista tulad nila Sam Milby at Vhong Navarro. Ang mga pelikula niya ay masaya panoorin dahil sa halong komedya nito. Ako ay hindi mahilig manood ng mga local na pelikula pero nagustuhan ko ang mga palabas ni Toni Gonzaga dahil sa ibang dating ng kanyang pagpapatawa at ang kanyang kakaibang kagandahan na nakakaakit para panoorin ang kanyang mga palabas.
Sa pagkanta ay katunaang malayo narin ang narrating ni Toni Gonzaga. Madami na siyang nagawa at napatunayan. Mula sa pag gawa ng kanta para sa iba’t ibang pelikula, nakagawa narin si Toni Gonzaga ng kanyang sariling album at nakapag concert na sa Araneta Coliseum na isang hudyat ng tagumpay sa iyong karir.
Gaya ng sinabi rin ni Madel na sa batang edad niya pa sa showbiz at sa rami na niyang narrating ay tiyak na mas malayo pa ang mararating ni Toni Gonzaga.
7:11 PM | | 0 Comments
wika sa telebisyon
ni Chino Soliman
sa Rated K
Tuwing linggo ay madalas na nakatunganga lang ako sa bahay dahil kadalasan ay nanggagaling sa isang linggo na walang tigil na trabaho sa eskwelahan dahil tuwing dumarating ang mga araw ng biyernes at sabado ay lalabas ako ng bahay para libangin ang sarili. Sa linggo ng gabi pag tapos makinig ng misa, kumain ng hapunan kasama ang pamilya, bisitahin ang mga lolo at lola at pag tapos mag aral, ay kadalasang tutunganga na lang ako sa harap ng telebisyon at maghahanap ng magandang mapapanood. Pag dating ng gabi ay paglipat mo sa abs cbn channel 2 ay maririnig mo ang boses ni Korina Sanchez sa kanyang palabas na Rated K. Handa na ba kayo?
Marami sa mga palabas ngayon sa TV ay gumagamit ng wika na may halong wikang Ingles. Ito ang kadalasan nating tinatawag na taglish o ang Tagalong at English na pinaghalo. Ang host ng palabas nito na si Korina Sanchez ay kapansin pansin ang kanyang pagsasalita kapag papanoorin mo ito at papakinggan mo ang kanyang mga sinasabi sa palabas. Merong mga malalamim na salita ang mga sinasabi pero malakas ang dating at pumapasok sa utak mo ang mga sinasabi. Dahil narin sa mga lumalabas na salita sa screen habang siya ay nagsasalita ay nakakadagdag aliw at mas nakakatulong pumasok sa utak mo ang mga salita.
Handa na ba kayo? Ito ang tagline ni Korina na nagtatanong kung handa na ba ang mga manonood sa kanyang ipapakita sa kanyang palabas. Ang pag pili ng mga salita sa palabas na ito ay talagang tatatak sa iyong isipan at matutuwa ka rin minsan na parang tamang tama ang mga salita na ginagamit nila kasma na ang tema ng kanilang topic ay pare pareho. Katulad na lamang sa episode ng Rated K bago mag Valentine’s Day na nag pakita sila ng isang taniman ng mga bulaklak na rosas. Tamang tama ang tema dahil para sa Valentine’s day ang mga rosas at ginamitan nila ng mga salita tulad ng aantig sa inyong mga puso ang mga kagandahan ng pagmamahalan ng isa nilang nakapanayam na magasawa. Pag gamit din ng kakibang salita tulad na lamang sa isang mag-irog na nagmamahalan. Ang pag gamit din ni Korina Sanchez ng maganda na tono ng boses kasama ng pag gamit ng mga ganitong klaseng mga salita ay naka pag ayos ng mood ng iyong pinapanood.
Sa isang episode naman na pinakita ang kanilang topic na si Sarah Geronimo. Ang episode na ito ay sakto pa sa pag dating ng pasko dahil pinalabas ito sa simula ng kasikatan ni Sarah Geronimo noong Disyembre noong taong 2006. Ginamit sa unang bahagi ng palabas ang star o ang bituin na salita bilang pag tukoy sa lumalapit na kapaskuhan at sa pagiging star ni Sarah Geronimo. Bago pa man mapunta si Sarah Geronimo sa ABS CBN ay nanggaling siya sa isang singing contest sa GMA at ito ang tinawag na Search for a Star o Star for a Night na noong nasa channel IBC 13 pa noong 2003. Pag katapos manalo ay kinuha siyang talent ng channel 7 o ng GMA. Nang matapos ang kontrata niya sa GMA ay kinuha siya ng ABS CBN para gawin siyang mas sikat. Mayroong palabas na Search for the Star in a Million ang ABS CBN noon at si Sarah Geronimo ang ginawa nilang host para sa palabas na iyon. Sa simula ng segment ng Rated K para ipakilala si Sarah Geronimo ay pinakilala siya bilang isa sa pinaka kumukuti kutitap na bituin o bagong talento sa showbiz at ang pagkukutitap ng bituin sa noong nalalapit na na kapaskuhan. Bukod sa pagiging singer ay dito narin unti unting nakilala si Sarah Geronimo. Ginamit din ang salitang paslit sa pag kwento sa pagkabata ni Sarah Geronimo noong pinapakilala kung saan siya nanggaling bago siya sumikat. Sinabi rin ang mga salitang paghahasa sa boses ni Sarah Geronimo na sinabi ni Korina Sanchez na ang ama at ina na lang ni Sarah ang naghasa ng boses ni Sarah G. pati narin ang pag gamit ng salita tulad ng meron si Sarah Geronimo ng anking talento para ipamalas sa buong mundo ay ginamit ni Korina Sanchez para payamanin at bigyang kulay ang pag pakilala sa buhay ni Sarah Geronimo.
7:10 PM | | 0 Comments
Isang Pag-iimbestiga sa Wika
“Hindi namin kayo tatantanan!” Sino nga ba naman ang hindi makakakilala sa napaka pamilyar na linya na ito ng kapwa ko Lasalyano na si Mike Enriquez. Isa siya sa mga batikang media personality dito sa ating bansa. Siguro dito pa lamang ay halata ng Imbestigador ang napili kong lokal na programang susuriin. Napili ko ang nasabing programa dahil nagagawa nilang maging matatas at makapangyarihan ang wika sa bawat detalyeng kanilang idinodokumentaryo. Nais kong maging pokus ang naging paglalahad ng programa sa isang laganap na kaso ng cybersex sa Kamaynilaan. Bagamat hindi syento porsyentong malaya ang mga lokal na programang pantelebisyon na gumamit ng lahat ng mga salitang nais nila gamitin dahil sa ilang mga pagkakataon ay may media code and ethics silang dapat sundin, masasabi ko pa rin na nagagawan nilang makaisip ng mga termino o konseptong maaaring ihalili sa mga salitang hindi akmang i-ere sa telebisyon. Sa episode na aking napanood, madalas gamitin ang terminong Magdalena upang tukuyin ang mga kababaihang sangkot sa prostitusyon. Sa halip na pokpok, mga babaeng mababa ang lipad, o mga babaeng bayaran,ito ang piniling gamitin ng programa. Sa ganitong pagkakataon ay nangingibabaw ang pagiging politically correct at gender sensitive ng nasabing programa lalong lalo na sa mga kababaihan. Dahil mayroong target odyens na pinupuntirya ang kahit anong lokal na programa, natural na sa mga manunulat nito ang paggugol ng oras kung paano “papalamutian” o “pababanguhin” ang ilang mga salitang hindi maganda sa pandinig kung ang orihinal na tawag dito ang pakikinggan. Halimbawa na lamang ng mga pinapalitang salita ay kabaret, agogo bar, lungga ng mga pokpok. Sa halip ay “bahay aliwan” at “sa bentahan ng laman” ang ginagamit. Hindi din naman maiiwasan na sa pagbibigay ng detalye ay hindi gagamit ng ilang mga hiram o banyagang termino tulad ng Internet, cyberlove, cybersex, eyeball, at marami pang iba. Ito ay sa kadahilanang wala naman eksaktong katumbas ang mga salitang ito sa ating wika kaya mas mainam na gamitin ang mga banyagang termino upang maiwasan na rin ang pagiging “pilit” ng isang pahayag. Sa isang programang katulad ng Imbestigador, nagagamit ang kapangyarihan ng isang wika upang makapag-kubli ng isang katauhan o identidad na obligasyon ng programa na pag-ingatan. Dito papasok ang paggamit ng “alyas”, general term na “impormante” , at pag-iba sa natural voice upang tukuyin ang mga taong sangkot o may kinalaman sa kaso ngunit ayaw magpakilala. Sinasadya man o hindi, mahahalatang sa paggamit ng wika ay talaga namang naimpluwensyahan na ang pang-araw-araw na gamit sa wika ng mga banyagang wika na mula sa mga nagkolonisa sa ating bayan. Sa pagbibigay ng edad o halaga, madalas ay maririnig natin ang kinse anyos, menor de edad, trenta pesos, at marami pang iba. Ang mga salitang ito ay ilan lamang sa libo-libong salita na nag-uugat mula sa wikang Kastila na pati sa dokumentaryo ay tila normal nang gamitin.
8:11 PM | | 0 Comments
Mini-Clock
Thermo Converter
Blog Archive
-
▼
2008
(30)
-
▼
November
(12)
- I CHOOSE… Maria Carmina Baron’s BRIEFCASE BLOG # 4!
- Pagsusuri sa Blog ni Helen E.
- The Buzz
- Just chew it!
- TV Patrol: Pagsusuri sa Isang Naunang Pagsusuri
- Ang Blog at ang Blog ni Mare: ang pagsusuri sa blo...
- Pagsusuri sa ibang blog
- ang pagsusuri ng wika sa WOWOWEE
- Goin' Bulilit
- blog ng iba
- wika sa telebisyon
- Isang Pag-iimbestiga sa Wika
-
▼
November
(12)