I CHOOSE… Maria Carmina Baron’s BRIEFCASE BLOG # 4!
Masasabi kong minsan sa aking buhay ay na-“hook” ako sa mga game shows tulad ng Plipinas Game Ka Na Ba at Deal or No Deal. Maganda at Masayang panuoorin ang mga ganitong palabas sapagkat nadadala tayo nitong mga ito sa ibang mundo na minsan ay mapapaisip tayo paano kung tayo ang mismong kontestant at may tsansang manalo ng limpak-limpak na salapi o umuwing luhaan at bokya. May magandang naidudulot ang mga gaitong palabas dahil isa itong anyo ng enterntainment na kung saan maaari tayong umupo at magrelaks habang nanunuod. Ang iba namang palabas ay maganda dahil may anyong itong infotainment (information and entertainment) na nakakatulong upang mas dumami pa ang kaalaman natin sa iba’t ibang bagay gaya na lamang ng Game Ka Na Ba, Who Want To Be A Millionaire at The Weakest Link.
Kung susuriin ang artikulong ginawa ni Maria Carmina o mas kilala sa pangalang Kookie Baron ay masasabi ko naakit ako ng kanyang entri. Unang-una ay mahilig din ako sa mga game shows at ikalawa ay ang paggamit niya ng mga litrati upang mas maging kahali-halina at kaaya-aya ang kanyang artikulo. Ang paggamit ng mga salitang madaling maintindihan ay tama lamang upang kapag may nakabasa ng kanyang aritikulo ay maiintidihan ng mambabasa ang nais niyang iparating. Isang magandang kanyang ginawa ay ang pag-lalagay ng panipi sa mga salitang Ingles gaya nalang ng franchised. Isa pang kapansin-pansin ay ang talagang panunuod niya sa palabas na Deal or No Deal dahil nagbigay pa siya ng ilang halimbawa sa paggamit ng wika sa palabas.
Una ay ang host na si Kris Aquino na galing sa isang mayaman na pamilya na hindi maiwasang magpag-halo ang Ingles at Pilipino sa pagsasalita at pakikipag-usap sa kontestant na masasalamin sa kanyang TV game show na nasabi nga ni Kookie Baron. Sumunod naman ay ang paggamit ni Jon Avila at Will Devaugh ng Filipino kahit pa sila ay hindi sanay sa ating salita. Ikatlo ay ang paggamit ng “I choose Briefcase number…” ng mga kontestant na siyang nagpapakita lamang na halong Ingles at Filipino ang ginagamit sa naturang Palabas. Isang magandang punto rin ang pagtukoy ni binibining Kookie Baron sa pagiging reality tv show nito na kung saan ay malayang mapahayag ng isang tao ang knaiyang nais sa wikang nais niyang gamitin.
Ang aritukulo ay maganda dahil maayos ang pagkakalahad at paggamit ng mga salita. May mga bagay din akong napagtanto tulad na lang na mahirap na sa kasalukyang panahon na gumamit ang isang palabas ng purong Tagalog lamang at walang halo ni isang Ingles. Sabi nga ng aking propesor sa wika at kultura na si G. Vincent Tan ay sa kasalukyang panahon, kung nanaisin nating gawin at palitang ang nakasanayan ng pagsasalita gamit ang Taglish at gagawing Filipino ang lahat ay aabutin tayo ng napakatagal na panahon dahil hindi lahat ng salita ay may katumbas sa ating wika. Naging masayo tayong bukas sa pagbabago na kung saan hindi rin naging mabuti para sa ating mga Pilipino. Naiisip ko ngayon ay para palang tayong chopseuy na pinag-halo-halo ang pagkatao na galing sa mga banyaga ang konsepto n gating ginagamit sa kasalukyang panahon.
11:14 PM | | 0 Comments
Pagsusuri sa Blog ni Helen E.
Pagsusuri sa Blog ni Helen E. na : "Bubble Gang"
Erika Rivera
Napili ko itong blog na ito dahil isa ito sa pinaka paborito kong palabas tuwing biyernes alas dies ng gabi. Ito ay isang komedi show na ang mga artista ay sina ogie alcasid, micheal v. , maureen larazabal, wendell ramos, at marami pang iba. Dito ay marami silang mga naiisip na mga jokes o kaya ay mga komersyal na ginagawa at hinahaluan ng kakaibang interpretasyon upang maging nakakatawa at makakaaliw sa manood. Isa na dito ang tinukoy ni Helen na ang "You're such a loser yaya" na ngaun ay patok na patok na linya sa mga manunood.
Itinalakay din niya ang sikat na artista ngunit di gaano kilala dati bilang isang komidyante pero nang nagsimula siya sa bubble Gang ay naging mahusay na komidyante na at sumikat pa lalo dahil sa mga ginagawa niya na nanggagaya ng mga ibang sikat na tao. Isinaad din niya ang artistang si Diego na sinuwerte at nagkaroon ng role sa bubble gang. Siya ay isang simpleng tao lang dti at nang siya madiskubre naging patok din at nagustuhan din siya ng manunood dahil sa nakakatuwang itsura niya at sa role nya sa bubble gang na laging kawawa at panget. Ito lamang ay isang halimbawa na ang bubble gang ay isang programa na nakakainpluwensya sa mga nanunood. Ngaun ang bubble gang ay isa naring palabas na may mga kaalaman kang pwedeng mapulot kahit na ito ay isang komedy show. Ika nga ni Helen ang mga salita na sumisikat dito sa palabas na ito ay panandalian lamang di tulad ng mga salitang maririnig mo sa mga comedy bar at mga salitang kalye na kahit lumipas ang panahon ay nakatatak parin sa mga isipan ng tao. Ang mga lenguahe ksi na ginagamit sa bubble gang ay mga patok ngayon katulad ng mga komersyal na sikat tpos babaguhin nila ito at gagawan ng bagong salita na pagnalaos na ung produkto ay pti ang kanilang ginawang joke ay malalaos narin.
Ngunit sa mga ganitong palabas minsan ay may mga magulang na hindi sang ayon rito. dahil narin siguro sa mga ginagawa nila na pwedeng gayahin ng mga bata na hindi naman makakabuti sakanila. Pero may iba din naman na binabalewa lang ang mga ito at iniisip nila ito ay biro lamang at pawang pagpapatawa lamang upang magbigay ng kasiyahan sa mga manunood. At siguro depende narin sa magulang kung paano nila pinalaki ang kanilang anak.
10:47 PM | | 0 Comments
The Buzz
Erika Rivera
The Buzz
Ang the Buzz ay usang telebisyong magasin na ipinapalabas sa channel 2 tuwng lingo alas kwatro ng hapon. Ang halos lahat ng tao ay inaabang-abangan ang palabas na ito sapagkat dito ipinnapalabas at ibinubulgar at binubunyag ang mga latest tsismis tungkol sa mga artista.
Ang mga host dito ay sina Boy Abunda, Cristy Fermin, Rufa Gitierrez at Kris Aquino sila ang nagbibigay daan para sa mga sikreto ng mga artista para mabunyag sa buong Pilipinas. Dito ay isinasaad ang mga sikreto ng bawat artistang mahuli nila. Katulad ng mga artistang nakikita ng publiko na may kakaibang ginawa o kakaibang kasama. Minsan sa mga ganitong palabas ay para naring nakakulong ang mga artista dahil iniiwasan nila ang mga ganitong reporter na mahilig gumawa ng isyu na minsan ay hindi naman totoo at imbe-imbento lamang. Dito minsan rin ay nagiging daan upang mapagbati ang dalawang artistang magkaaway dahil minsan ay ito ang nagiging daan upang mailabas ng isang artista ang punto niya at ilabas ng isa pang artista ang punto rin niya sa pamamagitan nito ay nagiging klaro ang problema at nagkakabati sila. Meron din silang porsyon na mamimili sila ng artista na tatanong nila ng sampung tanong na hindi pwedeng hindi sagutin ng artista. Meron din minsan tanong na may nakakanbit na lie detector test na hindi nagsasabi na ng totoo ung artista ay minsan lumalabas na nagsisinungaling sila na ang dating sa manonood ay nakakasira ng imahe ng artista. Dito rin minsan ay may mga isyu na tungkol naman sa alitan o tampuhan ng mga artista, meron din problema tungkol sa pamilya. Ang mga ganitong palabas ay parang isan karera na upang maging patok ka sa manonood ay dapat laging mauuna ka sa maganda at mainit na istorya. Minsan nga ay naitatanong ko sa aking sarili kung bakit kaya mahilig sa tismis ang mga Pilipino at kung bakit sila interesado malaman ang mga buhay at sikreto ng mga artista. Lalo na kung pinaguusapan ay buhay buhay at mga pangyayari sa buhay nila. Halimbawa ay mga isyu tungkol sa pamilya o girlfriend or boyfriend. Ang mga Pilipino ay mahilig at sobrang interesado sa buhay ng ibang tao. Ang mga pinoy ay talagang hindi nagpapahuli sa balita at para sa mga pilino may tatlong importanteng paksa na binibigyang interes at panahon nila. Ito ang mga sumusunod PBA P para sa politika, B para sa basketbol, at A para sa mga artista. Sa aking opinion ang ganitong mga palabas ay walang naidudulot na mabuti sa tao, walang importansya at walang kaalaman na mapupulot dito kundi pang aliw lamang sa mga tao. Sa kabila nito hindi ko ikakaila na may mga oras din na gusto ko manood ng ganito kapag magandang ang pinaguusapan o kaya’t iniidolo ko ung artista.
10:43 PM | | 0 Comments
Just chew it!
Natural na sa ating mga Pilipino ang pagiging masiyahin kahit tayo’y may mga problemang kinakaharap araw-araw. Napapangiti tayo kahit sa mga payak na biruan lamang. Konting hirit ng kapatid, kaibigan at kung sinu-sino pa mabilis tayong mapatawa. Nariyan ang mga stand-up comedy bars, ang radyo at simyepre ang telebisyon na kung saan maraming nagpapatawa upang kahit sa panandalian lamang ay makalimutan natin ang ating mga problema.
Napakaraming mga palabas sa telebisyon ang nagpapatawa sa mga tao o tinitawag nating mga comedy shows. Naririyan ang mga noon-time variety shows na Eat Bulaga at Wowowee, Goin bulilits, Bubble Gang Jr., Banana Split, Nuts Entertaiment at siyempre ang isa sa pinakamatagal na comedy show sa GMA7 ang Bubble Gang.
Ang Bubble Gang ay kinabibilangan ng mga artistang nagpapatawa gaya nalang ng pinaka-sikat at napakagaling sa pagpapatawa na si Michael V. Iba’t iba ang kanilang tema, humor at paggamit ng mga salita depende sa bahaging kanilang pinapalabas. Ang paggamit ng wika ay napakahalaga upang maintidihan ng mga tao ang nais iparating ng mga nagpapatawa o komedyante. Halimbawa nalang ang paggamit ng mga salitang mabilis maintindihan ng mga tao. Ginagamit ang mga salitang mabilis maintindihan dahil ang mga tagpanood ng palabas ay hindi lamang mga low class and middle class na mga tao kung hindi pati na rin ang mga mayayaman. Mas mabilis maintindihan kung payak ang mga salita at kung ganoon nga ay mas matatawa ang mga manonood dahil naintidihan nila ito agad.
Gumamit din ang palabas ng salitang Tagalog na pormal kung kinakailangan sa isang bahagi ng palabas gaya nalang kung gagayahin nila si Gloria o si Estrada sa pagtatalumpati halimbawa. Gumagamit din sila ng mga pangbading na salita kung gaganap sila bilang mga bading dahil kasama rin ito sa pagpapatawa nila. Churva at iba pang salitang pambading. Kung karaniwang bahagi lang naman ay ginagamit nila ang mga salitang pang-araw-araw nating ginagamit dahil nakadepende talaga ang lahat sa tema ng segment na iyon at sa kanilang mga manunuod. Hindi rin nila maiwasang gumamit ng Tagalog at Ingles o Taglish sa pagppatawa dahil nakasanayan na nating mga Pilipino ang paggamit ng pinaghalo o pinagsamang wika. Ang ilan sa kanilang mga jokes ay literal at hindi kinakailangan ng malalimang pag-iisip nganit ang iba naman ay may double meaning. Green ang message ngunit limitado ito dahil nationwide at kahit pala sa ibang bansa ay mapapanood ang Bubble Gang.
Masasabi kong tama nga naman ang kanilang naisip gawin na simple at payak ang mga salitang ginamit na madaling maintindihan ng mga tao. Ang paggamit ng ganitong mga salita gaya ng sa pang-araw-araw natin ginagamit ay nakakatulong sa paghikayat sa mga tao na manuod ng kanilang palabas. Masayang isipin na ang isang palabas gaya na lamang ng Bubble Gang ang wala masyadong pinipiling klase ng mga manunuod. Mapamahirap man iyan o mapamayaman ay nahihikayat nilang manuod dahil natural na nga sa ating kultura ang pagiging masiyahin at pagtawa kahit pa napakababaw ng pagpapatawa at maraming problemang kinakaharap sa buhay. Mabilis maintindihan ang Bubble Gang hindi ba? Kaya't maya-maya ay tatawa kana! Kung hindi ka man matawa ang masasabi ko lang ay..
9:48 PM | | 0 Comments
TV Patrol: Pagsusuri sa Isang Naunang Pagsusuri
8:43 PM | | 0 Comments
Ang Blog at ang Blog ni Mare: ang pagsusuri sa blog ng iba.
Nikki Cruz
Blog # 5
Ang Blog at ang Blog ni Mare
http://group2filculm.multiply.com/journal/item/19/Bituing_Walang_Ningning-Ralph_Bragancia
Ang salitang Blog ay nagmula sa Web Log o isang website na minimitahan o inaalagan ng isang tao, ito ay karaniwang naglalaman ng mga istorya, imahe, mga bidyo at kung anu-anu pa. para sa akin ito ay isang personal na diary kung saan maari tingnan ng iba’t ibang tao mula sa iba’t ibang sulok ng mundo. Sa pagusbong ng mga modernong teknolihiya nauso ang iba’t ibang website sa internet at dito na rin nga nagsimula umusbong ang pag bo-blog. Kung matantandaan ilang taon na ang lumipas nang mauso ang Frienster ito ay isang website kung saan maaring makipagkaibigan ang isang tao sa iba’t ibang tao sa iba’t ibang sulok sa mundo nagkakaroon dito ng palitan ng mga personal na impormasyon at mga litrato. At mula nang mauso ito naging patok na din sa mga tao lalu na sa mga kabataan ang iba’t ibang site na maarig makagawa ng blog, ang blod din ay nagiging isang paraan ng pagnenegosyo sapagkat marami na rin ang nnagsulputan na mga blog na may mga nilalamang paninda, nagiging wais na rin ang ibang tao dahil sa pamamaraan nito maari kang mag negosyo at kumita na walang binabayarang upa ng pwesto sa isang mall, bazaar o palengke. Ang blog rin a isang paraan upang mailabas ang personal na opinion sa mga bagay bagay tulad ng pulitika. Sa blog maari mong gamitin ang iyong karapatan sa Freedom of Expression.
Sa pagkakataong ito ating susuriin ang isang blog mula sa ibang grupo ng klaseng kulturang popular. Ang aking napiling blog ay ang blog ni Kumareng Ralph Bragancia tungkol sa bituing si Sarah Geronimo sa blog na ito ni Ralph naitalakay niya ng maayos at mabuti ang pinagdaang buhay ni Sarah mula sa pagsali sa mga malilit na mga paliksahan sa mga barangay hangang sa mga bigating paliksahan sa telebisyon. Samakatuwid ang blog na ito ni Ralph ay nagpakita kung paano nagnining ang isang Bituing walang ningning, mula nga sa kanyang titulong ito naitalakay niya ang pagningning ni sarah sa isang bituin. Sa kanyang blog na ito hindi rin niya nakalimutan ang pagbangit o pagtalakay sa personal o kabilang side ng buhay ng napiling niyang aritsta ito na nga ang ugali at ang pagiging ehemplo ni Sarah sa maraming mga kabataan. Naitalakay niya kung bakit ang bituin na ito ay isang magandang ehemplo at inspirasyon sa maraming kabataaan. Naitalakay din sa kanyang blog ang importansiya ng imahe ng isang artista o isang “public figure”. Malaman at puno ng impormasyong ang blog na ito at maaring ding magbigay inspirasyon sa ibang mga bloggers.
8:50 AM | | 0 Comments
Pagsusuri sa ibang blog
ni Joanna Marie P. Becong
Ang artikulong aking napiling suriin ay ang blog entri tungkol sa imaheng ipinapakita o nirerepresenta ni Claudine Baretto sa ating bansa. (group4filculm.blogspot.com) Para sa akin ang artistang si Claudine ay isang napakatapang na babae at nagkaroon ng isang maayos na trabaho o estado sa larangan ng showbiz. Ang kanyang katapangan ay nakita ko sa kanyang relasyon sa kanyang pamilya. Katulad na lamang ng kanyang pagharap sa kanyang kapatid na si Gretchen Baretto. Isa rin dito ay noong panahon ng pagkamatay ni Rico Yan at ang pagdagsa ng pamamato ng mga katanungan sa kanya. Ang kanyang kasikatan naman ay nakita kung papaano siya alagaan ng ABS-CBN. Bata pa lamang ay makikita na natin siya sa mga palabas sa TV at kung ating mapapansin isa na siya sa may mararaming pelikulang nagawa sa indsutriya at patuloy ang pag-angat niya sa pagiging isang sikat na artista.
Ang blog entri na aking nabasa tungkol kay Claudine ay malinaw na binigay kung naging ano ang pinatunguhan ni Claudine sa ating industriya sa ngayon. Naging malinaw din ang pagbibigay niya ng impormasyon tungkol sa mga naging imahe o imahe hanggang ngayon ni Claudine sa mga tao ng ating bansa. Maganda na sa unang talata ay itinatanong niya kung kilala ba ng mga tao si Claudine Baretto. Sa talatang ito makakapag-umpisa siya kung paano niya ipapakilala si Claudine at tama rin ang pagpapahayag naang artistang ito ay mayroon ng malayong narating at isa rin sa mga pinakasikat na artista sa bansa. Angkop ang paglalagay niya ng positibong impormasyon sa una para naman maipakita positibong pagkagusto ng manunulat sa kanyang tinutukoy o ginagawan ng istorya.
Sa ikalawang talata naman, ang paglalagay niya ng mga palabas kung saan gumanap si Claudine ay naging maayos rin ang pagpapahayag. Maganda ang pagkakategorya niya sa iba’t ibang pelikula na ginawa ni Claudine. Sa paraang ito malalaman kung anu-ano na nga ba ang iba’t ibang uri na nagawa at kaya palang gawin ni Claudine bilang isang artista. Sana nga lang ay nagdagdag siya kung ano ang pumatok o hindi nagustuhan ng mga tao sa mga pelikulang nagawa niya. Sa paraang ito makikita kung nagustuhan ba ng mga tao ang pagganap niya sa iba’t ibang kategorya ng pelikula na ginanapan niya. Matutukoy din dito kung ano ang naging imahe ni Claudine sa kanila sa mga pelikulang hindi naman nila nagustuhan o hindi naman bagay sa karakter o imahen ni Claudine na tumatak sa kanila. Ngunit sa kabuuan ng ikalawang talata, maayos din naman sapagkat dito rin naipakita ang kasikatan ni Claudine sa industriya dahil simula bata pa lamang ay naipakita na niya ang kanyang kakayahan sa pag-arte.
Sa ikatlong talata naman, dito niya naipakita ang imahen o karakter ni Claudine sa industriya ng showbiz at sa paningin na rin ng kalahatan. Maayos at maganda ang kanyang paglalarawan sa katauhan mayroon si Claudine at malinaw rin ang ibang bahagi ng kanyang pagpapaliwanag. Napansin ko lang na sa bawat deskripsyon na kanyang binibitawan sa aktres ay hindi niya nasusuportahan kung bakit o papaano niya nasabi ang mga ganitong klaseng impormasyon. Magiging mas malinaw sana kung bawat deskripsyon ay ilalahad niya kung saan niya nakita ang ganitong klaseng imahen mayroon si Claudine o kaya magdadagdag pa siya ng ibang kaalaman katulad ng ilang katibayan na nagpapatunay na ganoon din ang tingin ng ibang tao katulad ng kanyang pananaw sa karakter ni Claudine. Katulad ng ilang mga deskripsyon niya na nagpapakita ang karakter ni Claudine ng diskriminasyon sa mga babae sa ating bansa sa trabaho man o sa pamilya at lipunan. Sana dito ay ipinaliwanag niya kung bakit o sa papaanong paraan naaipakita ito ni Claudine. Ilang deskripsyon din na sa tingin ko ay kulang ng pagpapaliwanag ay ang mga: ordinaryong Pilipina, nakakaranas ng kahirapan, diskriminasyon at pang-aapi ngunit lumalaban parin at nagsusumikap at isa pa ay ang pagiging inferior niya sa mga lalaki. Oo, sa tingin ko ay tama naman ang mga paglalarawan sa imaheng mayroon siya ngunit hindi sapat ang pgalalagay lamang na nakita natin ito sa kung papaano siya inahain ng midya sa ating mga mata. Kailangan din ay magbigay siya ng mga pansuporta sa mga salitang kanyang binibitawan.
Ang sumunod na talata dito ay sana isinaman na lamang niya sa ikatlong talata sapagkat may kaugnayan din naman ito sa pagpapakita ng karakter ni Claudine, ngunit naibibilang nga lang sa ibang kategorya. Naging maganda ang panghuli niyang salita dahil sinabi niya ang kabuuang imahen na nabuo sa ating isipan tungkol lay Claudine. Sa kabuuan din, maayos ang naman ang pagkasulat, may mga ilang maling baybay ng salita at may ilang pangungusap na kulang.
7:39 AM | | 0 Comments
Mini-Clock
Thermo Converter
Blog Archive
-
▼
2008
(30)
-
▼
November
(12)
- I CHOOSE… Maria Carmina Baron’s BRIEFCASE BLOG # 4!
- Pagsusuri sa Blog ni Helen E.
- The Buzz
- Just chew it!
- TV Patrol: Pagsusuri sa Isang Naunang Pagsusuri
- Ang Blog at ang Blog ni Mare: ang pagsusuri sa blo...
- Pagsusuri sa ibang blog
- ang pagsusuri ng wika sa WOWOWEE
- Goin' Bulilit
- blog ng iba
- wika sa telebisyon
- Isang Pag-iimbestiga sa Wika
-
▼
November
(12)