Pagmamasid hanggang dumilim
ni Charles Ryan Neil T. Perez
Filculm Entri # 1
Ang malakas na busina ng mga sasakyan, ang lamig na mararamdaman galing sa loob ng mall at ang napakaraming tao sa paligid ay ilan lamang sa karaniwang bagay na aking naramdaman at napagmasdan noong gabing iyon. Naisip ko ng pumasok sa loob ng mall dahil matagal-tagal na rin akong hindi nakapasyal sa mall na ito. Masasabi kong ako’y isang napaka-masunuring bata dahil kapag tsinetsek ng mga guwardiya ang aking bag, binbuksan ko naman ito ngunit minsan ay na-didismaya lang ako. Paano ba naman, may nag-tsetsek ba na ipapasok lang ang kanilang istik sa bag mo at yun na ang tinatawag nilang tsek? Nakakainis din na ang ibang mamimili ay hindi binubuksan ang kanilang bag na alam naman nilang kailangan gawin ito para narin sa kanilang kaligtasan. Kaya siguro may mga nakakalusot na mga bomba sa iba’t – ibang establishmiyento dahil sa mga guwardiyang hindi naman ginagawa ng maayos ang kanilang tungkulin at sa mga pasaway na mamimili na nagagalit pa kapag pinapabuksan ang kanilang mga bag. Tumuloy ako sa loob. Naamoy ko ang popcorn pagpasok ko sa pintuan. Mga palabas na nakalagay at nakapaskel sa pader, ang bagong pelikula ni Jolina Magdangal at Dennis Trillo na “Italy” at marami pang ibang palabas ngunit puro hindi na Pinoy ang gumawa, ang sumalubong at naka-akit sa aking mata. Hindi na rin ako nakakapanuod ng sine, ang huli ko yatang napanuod ay ang pelikulang “Indiana Jones” kaya siguro yun ang aking unang napansin pagpasok.
Umakyat ako sa ikalawang palapag ng mall. Dinaan ko ang sinehan na may mga taong naglalabasan na. Ang iba’y mukhang inaantok at ang iba naman ay walang reaksyon. Dumaan ako sa bahaging mayroong mga restoran. Kapansin-pansin ang dami at ang ingay ng mga tao roon na kumakain at naghihintay ng kakainin. Napadaan ako sa Mann Yann, isang restoran, at nanunumbalik sa aking isipan ang mga oras na kumakain kami roon ng aking mga pinsan bago manuod ng pelikula o pagkatapos manuod ng pelikula. Palagi kaming kumakain doon dahil masarap ang spicy spareribs at yang chao rice nila. Tinuloy ko ang aking paglalakad, kumanan at hinanap ang aking palatandaan na Jollibee dahil nagsisilbi itong palatandaan ko papunta sa gadgets center. Gumamit ako ng elevator at naghintay ng sandali dahil maraming tao ang nais umakyat at gamitin ang elevator na iyon. Patuloy ang aking paglalakad at napadaan ako sa kompyuter shop mangilan-ngilan lang ang tao roon at may mga foreigner rin ang nasa loob maliban sa mga Pilipino. Pumasok na ako sa loob ng tindahan ng Motorola sapagkat bibili ako ng stylus para sa aking cell phone. Tinanong ko ang sales lady kung mayroon ba silang available na stylus. Pinaghintay niya ako at naghintay naman ako. Ang tagal at ako;y nabagot. Nang bumalik siya ay dala na niya ang stylus. Nakaramdam ako ng lubos na kasiyahan dahil pagtapos ng apat na buwan ay may stylus na ulit ako. Mahirap kasing makahanap at matagal magkaroon ng ganoong stylus ang Morotola. Nagbayad na ako at buti naman ay pinahintay sa akin ang resibo dahil ang ibang mga tindahan ay hindi nagbibigay ng resibo kapag hindi mo ito sinasabi sa kanila.
Naglakad akong muli at nagtungo sa Zagu dahil wala naman akong gagawin sa gabing iyon kung hindi ang magmasid ng magmasid lamang para sa aking takdang aralain sa Filculm. Sa malayo ay kapansin-pansing marami ang taong bumibili roon. Lagi-lagi nalang kapag gabi ay maraming bumibili sa Zagu at hindi ko matanto kung bakit. Ang alam ko lang ay masarap ang pearl nila at napakaraming pagpipilian. Nang makarating na ako sa Zagu at ako’y pumila at hinintay ang aking paboritong Choco Caramel na may extra pearl. Naghintay ako sa tabi. Kapansin-pansin ang dalawang lalaki na malapit sa akin na magkahawak kamay. Hindi sila mukhang magkapatid. Hindi rin naman sila mukhang mag-ama. Ah! Alam ko na! Sila ay mag-nobyo. Tama! Mag-nobyo. Hindi naman sila mukhang baklang bakla tulad ng mga iniisip ng karamihan na bakla. Nakakatuwang isipin na hindi sila nahihiya sa kung ano sila dahil naghahawak-kamay sila sa publiko at walang pakialam sa sasabhin ng ibang tao. Tinawag na ang aking paboritong Choco Caramel at ako’y umalis.
Hindi ko na alam kung saan naman ako pupunta dahil wala naman ako magawa sa mall kahit na kung iisipin mo na marami ang magagawa rito. Nariyan na ang maglaro sa arcade centers tulad ng timezone, manuod ng sine ngunit mag-isa lang ako, mag-shopping pero ayaw ko naman gumastos dahil nag-iipon ako para sa nalalapit kong kaarawan dahil may nais akong bilhin na kagamitan. Naisip kong umupo nalang sa food court na nasa ikatlong palapag dahil nakaramdam ako ng kaunting pagkangalay dahil wala naman akong ginawa kung hindi maglakad ng maglakad. Umakyat na ako at doon nalang tumamabay ng panandalian dahil malapit na magsara ang mall.
Pinagmasdan ko ang mga tao. Tila walang tigil sa kakadaldal, walang tigil ang pagnguya at parang ang iba ay walang problema sa lakas nilang tumawa. Ganoon nga siguro ang mga Pinoy, laging masaya at hindi nauubusan ng kwento kahit nasaan pa man sila, kahit sa mall pa. Bakit kaya laging maraming tao sa mall kahit sinasabi nila na naghihirap na ang Pilipinas? Hindi ko rin alam ang sagot. Iniisip ko kung ano ba ang mayroon sa mall at nais kaming magsulat ng aming karanasan dito. Ang alam ko lang ay halos lahat ay makikita mo na sa mall. Halos lahat ng klase rin ng tao ay makikita mo sa mall lalo na ang mga nabibilang sa grupong intelektwal.
Naglakad nalang ako muli sa ibang bahagi ng mall at nagmasid pa rin. Tila puro mga naka-tsinelas na ang mga taong nakaksalubong ko. Karamihan pa sa mga ito ay may suot na Havaianas na uso sa panahon ngayon. Dati rati, kailangan sobrang bihis ka kapag pupunta sa mall, ngayon tsinelas o yung tinatawag nilang flip flops nalang ay pwede mo na suotin sa loob ng mall at kahit saan. Kahit saang bahagi yata ako magpunta ng mall ay may naka-tsinelas.
Naisipan ko na lumabas ng mall dahil magsasara na ito. Habang ako’y papalabas ay kapansin-pansin ang pagkonti ng mga tao at ang pagsara ng ibang mga restoran sa foodcourt at sa iba pang lugar ay nagsasara na at nagliligpit, gayundin naman sa mga tindahan ng damit at ng kung anu-ano pang mga bagay-bagay. Unti-unti na rin namang nagsisipatayan ang mga makukulay at maraming mga ilaw sa mall. Bukas pa naman ang ilan pang restoran sa labas ng mall at may mga kumakain pa sa loob nito. Ang ibang mga empleyado ay naghihintay na lamang sa pag-alis ng kanilang customer.
Habang ako’y naglalakad sa labas ng mall na iyon ay natakot ako bigla dahil madilim sa ilang parte nito sa labas dahil maling bahagi ang aking nalabasan. Sa mabuting palad ay bukas pa ang pinto sa mall na iyon at sinubukan kong pumasok sa loob upang makapunta sa bahagi na mas malapit ang sakayan. Sinita ako ng gwardiya at sinabi sa akin na bawal na raw pumasok sa loob dahil sarado na sila. Sabi ko naman sa kanya na dadaan lang ako papunta sa kabilang labasan. Noong una ay ayaw pa niyang pumayag ngunit nung kinalaunan ay pumayag na rin siya. Nang pumasok ako sa loob ay mas madilim na ito, hindi naman sa sobrang dilim ngunit mas maraming ilaw na ang nakapatay at mas marami na ang mga tindahan na talagang sarado na. May mga iilang tao pa rin naman sa loob ngunit naiiba ito sa mall na kapag maraming tao at bukas ang lahat ng ilaw. Isa na itong mukhang malaking lugar na blanko at mukhang inabandona. Ang napaka-ingay, napakasaya at napakaraming tao ay biglang naglaho. Nakakalungkot tignan at ikutin ang lugar na iyon. Biglang pumasok sa aking isipan ang trahedya na nangyari lamang noong nakaraang taon sa mall na iyon. Marami ang namatay, marami rin sigurong nagmumulto. Nakaka-kilabot at nakakatakot kung kaya’t dali-dali akong naglakad papunta sa pintuang aking lalabasan. Nang malapit na ako sa labasan na aking pupuntahan, bukas pa rin ang sinehan dito dahil may last full show pa yata. Buti nalang at hindi ako nakaramdam ng kung ano mang katakot-takot ng gabing iyon.
Sa aking palagay ay hindi sapat ang aking naging oras sa pagmamasid sa isang mall. Wala rin naman akong kakaibang mga karanasan sa loob ng Glorietta mall na siyang aking napiling mall dahil malapit lang ako roon. Pareho lang ang lahat. Maraming mga tao na may kanya-kanyang layunin kung bakit sila naroroon sa mall na iyon. Ang ilan siguro sa kanila ay para mag-aliw, ang ilan ay para manuod ng sine, maaari ring maglaro ng bowling, maki-hang out sa kani-kanilang barkada o di kaya naman ang pinaka-sikat sa lahat ay ang pag-wiwindow shopping ng karamihan at pagpapalamig sa mall lalo na kapag mainit ang panahon.
Ang mall na nga yata ang sentro ng lahat dahil makikita mo ang kahit ano man ang iyong naisin sa loob nito. Nariyan ang iba’t ibang fasilidad at mapaglilibangan upang makalimot sa mabibigat na problema. Iba-iba rin ang mga klase ng tao na nagpupunta rito. Tunay ngang bahagi na rin ito ng ating buhay at ng ating kultura. Mahirap na itong alisin sa ating sistema dahil nakadepende na tayo sa ganitong pamamaraan. Kung nangangailangan ka ng damit, pagkain at mga gamit sa eskwelahan, nasa iisang lugar na ang mga ito. Kung nais mo rin namang mag-simba, mayroon na rin sa tabi ng mall o minsan ay sa loob na rin ng mall.
Lahat ng aking nabanggit ay ang aking mga naranasan noong isang araw lamang sa mall. Kung totoosin ay kahit saang mall ako magpunta ay tila mararanasan ko ang halos lahat ng aking nabanggit sa itaas. Katulad nga ng aking nasabi, bahagi na talaga ng ating buhay ang pagkakaroon ng mall at ang pagpunta rito paminsan-minsan o kahit araw-araw man.

Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment