MALL
Chino Soliman
Noong high school ako sa Glorietta ako madalas tumambay kasama ang aking pinsan, minsan kasama ang aking mga kaibigan pero madalas kong kasama ang aking pamilya. Dati tuwing Linggo ay pumupunta kami sa bahay ng aking Lolo at Lola sa Project 3, Quezon City pero bago pumunta doon ay dumadaan kami ng Glorietta na dati ay tinatawag na Quad para kumain ng tanghalian kasama ang buong pamilya. Naglalaro ako madalas kasama ang kapatid at minsan mga pinsan ko sa Timezone ng basketball at ang paborito naming laro na Mario Kart sa arcade. Lagi kaming masaya nag nagsasama kapag nasa Glorietta.
Tuwing weekend ay dumederecho ako sa mall na ito para maglibang dahil kadalasan ay walang magawa sa bahay. Tuwing mainit ang weekend ay pumpunta lang kami dito para mag palamig.
Ngayong ako’y nasa kolehiyo at malapit na mag gradweyt ay nabawaasan ang pagpunta ko sa mall dahil narin sa pagiging babad at busy sa gawaing pang eskwelahan katulad ng tesis at doon ko rin nakita ang malaking pagbabago mula high school hanggang kolehiyo. Paminsan minsan na lang kung madalaw ko ang aking paboritong mall kaya pag nakakadalaw ako dito ay nagiging masaya ako.
Kapag may kailangan akong bilin dito ko ito binibili. Dito ko madalas binibili ang aking mga gamit tulad ng medyas, salawal, pantalon, damit, sapatos, pati narin ang mga ibang kagamitang pambahay at pang pasok katulad ng mga notebook, ballpen, lapis, eraser, libro, papel, at iba pang mga school supplies.
Sa Glorietta, kumpletong kumpleto ang pasilidad at mga establisamiyento at na pasok sa pangangailangan ng isang tao. Nandito ang mga bilihan tulad ng bilihan ng mga kagamitan o mga damit, mga appliances, meron ding bilihan ng mga gamot, bilihan ng mga kagamitang pambahay, pang eskwela, pang opisina at kung ano ano pang kagamitan. Madami ring kainan na matatagpuan sa loob ng mall, kumpleto sa kung ano ang gusto mong kainin, mapa fast food ka man o mga sosyal na kainan ay meron at kumpleto sa loob ng Glorietta. Eto rin ang ginagawa kong libangan kapag walang magawa sa bahay dahil maraming nagagawa sa loob. Merong timezone o arcade na masaya kapag kasama ang buong pamilya, meron ding sinehan na kung saan mo mapapanood ang mga palabas na pang international at mga lokal na palabas. Merong mga mall shows o mga konsyerto na madalas sikat ang mga kumakanta o nagkokonsert dito. Sa isang mall show sa Glorietta ko unang napanood ang magaling na artistang si Gary Valenciano na akala ko hindi ko mapapanood ng libre dahil madalas siya nag kokonsert ng mahal. Pumunta rin dito ang NBA player na si Malik Rose para sa Mall tour din ng NBA Madness, at madami pa ding ibang mall shows o konsyerto ang nagaganap sa Glorietta na nagaganap sa gitna ng Glorietta na nagiging play area din ng mga bata kung saan merong playground doon para makapaglaro ang mga bata. Meron din sa gitna na fountain nakakapagaliw sa mga taong dumadaan doon sa lugar. Nagiging tambayan din ang Glorietta pati narin ang ibang mall sa atin dahil sa dami ng magagawa at kahit naka upo at nakatambay ka lang ay malilibang ka na sa dami ng makikita, lalo na at malamig dito, maluwang at napapaligiran ka ng masasayang tao.
Nasa area at kadikit din ng Glorietta 1, 2, 3 at 4 ang mga iba pang malls ng Makati na ang Greenbelt, ang Landmark at ang Shoe Mart o mas kilala sa tawag na SM. Kahit halos pare-pareho lang ang mga binebenta dito, pamurahan naman sila ng binebenta. Kaya dito pa lang sa Makati area na ito ay malamang lahat ng kailangan mo nandito na.
Noong naganap ang Glorietta bombing noong ika labing siyam ng Oktubre noong taong 2007, ay ako ay nalungkot di lang dahil madami ay namatay at nadamay sa malubhang pagsabog nito pero nalungkot din ako dahil narin natakot na ako pumunta sa Glorietta sa takot na baka sumabog uli ito. Malungkot na nangyari ito at kumonti din ang pumunta sa Glorietta at malungkot din na nasara ang Glorietta 2 na kung saan madalas ako dati tumambay kasama ng pinsan at kaibigan ko.
Nang una ko rin Makita ang mall ng ibang bansa noong nagbakasyon ako sa Canada. Nakumpara ko ang dalawa at talagang malaki ang pagkakaiba ng mga mall dito sa ating bansa pati sa ibang bansa. Kung sa mga malls natin makikita mo lahat ng kailangan mo, tulad ng mga nabanggit ko na halos lahat ng kailangan mo ay nandoon, ang napansin ko sa mga mall nila ay puro tindahan lang talaga ng damit at mga sapatos at mga kagamitan ang nakita ko. Ang karaniwang nakikita mo kasi dito sa mga mall natin tulad ng mga hardware, sinehan, at mga bilihan ng mga kagamitang pang bahay, ay meron silang mga sarili at hiwalay na establisyemento para sa mga tindahan na ganoon.
0 comments:
Post a Comment