Mga Miyembro

MALL

Chino Soliman

Noong high school ako sa Glorietta ako madalas tumambay kasama ang aking pinsan, minsan kasama ang aking mga kaibigan pero madalas kong kasama ang aking pamilya. Dati tuwing Linggo ay pumupunta kami sa bahay ng aking Lolo at Lola sa Project 3, Quezon City pero bago pumunta doon ay dumadaan kami ng Glorietta na dati ay tinatawag na Quad para kumain ng tanghalian kasama ang buong pamilya. Naglalaro ako madalas kasama ang kapatid at minsan mga pinsan ko sa Timezone ng basketball at ang paborito naming laro na Mario Kart sa arcade. Lagi kaming masaya nag nagsasama kapag nasa Glorietta.

Tuwing weekend ay dumederecho ako sa mall na ito para maglibang dahil kadalasan ay walang magawa sa bahay. Tuwing mainit ang weekend ay pumpunta lang kami dito para mag palamig.

Ngayong ako’y nasa kolehiyo at malapit na mag gradweyt ay nabawaasan ang pagpunta ko sa mall dahil narin sa pagiging babad at busy sa gawaing pang eskwelahan katulad ng tesis at doon ko rin nakita ang malaking pagbabago mula high school hanggang kolehiyo. Paminsan minsan na lang kung madalaw ko ang aking paboritong mall kaya pag nakakadalaw ako dito ay nagiging masaya ako.

Kapag may kailangan akong bilin dito ko ito binibili. Dito ko madalas binibili ang aking mga gamit tulad ng medyas, salawal, pantalon, damit, sapatos, pati narin ang mga ibang kagamitang pambahay at pang pasok katulad ng mga notebook, ballpen, lapis, eraser, libro, papel, at iba pang mga school supplies.

Sa Glorietta, kumpletong kumpleto ang pasilidad at mga establisamiyento at na pasok sa pangangailangan ng isang tao. Nandito ang mga bilihan tulad ng bilihan ng mga kagamitan o mga damit, mga appliances, meron ding bilihan ng mga gamot, bilihan ng mga kagamitang pambahay, pang eskwela, pang opisina at kung ano ano pang kagamitan. Madami ring kainan na matatagpuan sa loob ng mall, kumpleto sa kung ano ang gusto mong kainin, mapa fast food ka man o mga sosyal na kainan ay meron at kumpleto sa loob ng Glorietta. Eto rin ang ginagawa kong libangan kapag walang magawa sa bahay dahil maraming nagagawa sa loob. Merong timezone o arcade na masaya kapag kasama ang buong pamilya, meron ding sinehan na kung saan mo mapapanood ang mga palabas na pang international at mga lokal na palabas. Merong mga mall shows o mga konsyerto na madalas sikat ang mga kumakanta o nagkokonsert dito. Sa isang mall show sa Glorietta ko unang napanood ang magaling na artistang si Gary Valenciano na akala ko hindi ko mapapanood ng libre dahil madalas siya nag kokonsert ng mahal. Pumunta rin dito ang NBA player na si Malik Rose para sa Mall tour din ng NBA Madness, at madami pa ding ibang mall shows o konsyerto ang nagaganap sa Glorietta na nagaganap sa gitna ng Glorietta na nagiging play area din ng mga bata kung saan merong playground doon para makapaglaro ang mga bata. Meron din sa gitna na fountain nakakapagaliw sa mga taong dumadaan doon sa lugar. Nagiging tambayan din ang Glorietta pati narin ang ibang mall sa atin dahil sa dami ng magagawa at kahit naka upo at nakatambay ka lang ay malilibang ka na sa dami ng makikita, lalo na at malamig dito, maluwang at napapaligiran ka ng masasayang tao.

Nasa area at kadikit din ng Glorietta 1, 2, 3 at 4 ang mga iba pang malls ng Makati na ang Greenbelt, ang Landmark at ang Shoe Mart o mas kilala sa tawag na SM. Kahit halos pare-pareho lang ang mga binebenta dito, pamurahan naman sila ng binebenta. Kaya dito pa lang sa Makati area na ito ay malamang lahat ng kailangan mo nandito na.

Noong naganap ang Glorietta bombing noong ika labing siyam ng Oktubre noong taong 2007, ay ako ay nalungkot di lang dahil madami ay namatay at nadamay sa malubhang pagsabog nito pero nalungkot din ako dahil narin natakot na ako pumunta sa Glorietta sa takot na baka sumabog uli ito. Malungkot na nangyari ito at kumonti din ang pumunta sa Glorietta at malungkot din na nasara ang Glorietta 2 na kung saan madalas ako dati tumambay kasama ng pinsan at kaibigan ko.

Nang una ko rin Makita ang mall ng ibang bansa noong nagbakasyon ako sa Canada. Nakumpara ko ang dalawa at talagang malaki ang pagkakaiba ng mga mall dito sa ating bansa pati sa ibang bansa. Kung sa mga malls natin makikita mo lahat ng kailangan mo, tulad ng mga nabanggit ko na halos lahat ng kailangan mo ay nandoon, ang napansin ko sa mga mall nila ay puro tindahan lang talaga ng damit at mga sapatos at mga kagamitan ang nakita ko. Ang karaniwang nakikita mo kasi dito sa mga mall natin tulad ng mga hardware, sinehan, at mga bilihan ng mga kagamitang pang bahay, ay meron silang mga sarili at hiwalay na establisyemento para sa mga tindahan na ganoon.

HIWAGANG MAPANLINLANG

ni Joyce Anne Ramos


ENTRI#1 (Karanasan sa Mall)

Lubhang hindi mabilang at hindi matutumbasan ng kahit na anong bagay o yaman ang bawat segundong nagugol sa paglikha ng kasaysayan nating mga Pilipino. Ang bawat makabuluhang pangyayari sa ating nakaraan, nababalutan man ito ng tamis o pait ng buhay ay paniguradong tumatak sa ating mga puso at isipan. Halimbawa na lamang ang ating kasaysayan sa kamay ng mga Kastila. Sila ang nanguna sa pagtatag ng reduccion sa ating bansa. Ito ang kanilang pamamaraan upang makontrol ang bawat mamamayan na napapailalam sa kanilang kapangyarihan. Isa itong sistema na malinaw na naipatupad sa pamamagitan ng pagtatag ng plaza sa iba’t ibang dako ng Pilipinas. Karaniwang pabilog o paikot ang istraktura ng nasabing plaza. Napalilibutan ng mga kabahayan ang simbahan, palengke, paaralan, munispyo, parke, libingan, libangan at madami pang iba na naging bahagi na rin ng pang-araw-araw na pamumuhay ng mga Pilipino. Kadalasan ay mayroon ding entablado malapit sa sentro ng plaza at dito natutunghayan ang iba’t ibang pagtatanghal at pananalita. Sa paglipas ng panahon ay tila namatay na ang pagpapahalaga ng mga Pilipino sa tunay na halaga ng mga plazang nagkaroon ng napakalaking gampanin sa ating kasaysayan. Iyon ang akala ng nakararami. Ang hindi natin napapansin ay hindi natin ito nakalimutan, bagkus ay isinasabuhay pa rin ito ngunit sa makabagong paraan. Sino nga ba ang makakapag-isip na ang makalumang konsepto ng plaza ay magpapatuloy sa makabagong panahon ngunit sa isang naiibang anyo o istraktura?

Maaaring hindi pa ako nabubuhay noong mga panahon ng Kastila upang maranasan ang tunay na pakiramdam ng nasa isang makalumang plaza. Sa kabilang banda ay masasabi kong nararanasan ko pa rin ito sa tulong ng mga mall. Sa mga oras na ako ay nalulungkot at nababagot sa bahay dahil pakiramdam ko ay wala akong magawang makabuluhan ay madalas ako nagpupunta sa mall. Sadyang kaliwa’t kanan na nga ang paglipana ng mga mall dito sa Pilipinas lalong lalo na sa Metro Manila. Sino ba naman ang hindi makakaalam ng Glorietta at Greenbelt sa Makati, ATC sa Alabang, Podium, Gateway, Shangrila Mall, Rockwell, Greenhills Shopping Center, Robinson’s at SM malls na pati mga lalawigan ay sinakop na? Halos lahat ng aking mga nabanggit ay napuntahan ko na. Sa dami ng aking mga karanasan sa pagpunta sa mga mall ay isang natatanging pagkakataon ay malinaw na malinaw pa ang mga pangyayari sa aking isipan. Nangyari ito isang araw noong buwan ng Agosto sa kasalukuyang taon. Ilang linggo pa lamang ang nakalilipas magmula nang ilibing ang aking uncle. Isa siya sa mga taong lubhang umukit ng marka sa aking buhay maging sa aking buong pamilya. Ang kanyang pagkawala ay naging dahilan upang kahit papaano ay maibsan ng kaunting kaligayahan at saya ang aming tahanan. Sanay naman ako sa isang tahimik at mapayapang lugar ngunit ang nakabibinging katahimikan dulot ng kalungkutang nadarama ng bawat miyembro ng pamilya ay naging dahilan upang hindi ako agarang umuwi ng bahay pagkatapos ng klase. Sinabayan pa ito ng isang hindi inaasahang hindi pagkakaunawaan namin ng aking boyfriend. Pagkatapos na pagkatapos ng klase ko noong araw na iyon ay desidido akong mapag-isa at hindi muna umuwi. Sumakay ako ng bus na karaniwan kong sinasakyan mula sa unibersidad nang walang kaide-ideya kung saan eksaktong pupunta. Bumaba ako ng Baclaran at sumakay ng FX biyaheng Sucat. Habang nakasakay ay naisip kong tinatahak ko ang daan patungong bahay. “Ayoko pang umuwi”, ang sabi ko sa aking sarili. Ngunit malayo na ko sa mga karaniwang mall na aking pinupuntahan. Buti na lamang at kahit papaano ay may madadaanan pa rin pala akong mall. Ang SM Sucat.

Bumaba ako ng FX na tila wala sa sarili at bumalik lamang sa tamang pag-iisip nang namalayang nakatayo na ako sa harap mismo ng nasabing mall. Naglakad ako patungo sa pasukan at gaya ng dati ay kunwaring ininspeksyon ng isang guwardiya ang dala-dala kong shoulder bag gamit ang isang manipis na stik na gawa sa kahoy. Napakaliit lamang nito kung ikukumpara sa mga naglalakihan at naggagandahang mall sa Makati, Alabang, Ortigas, at iba pa. Pagkapasok na pagkapasok ay natawag agad ang aking atensyon nang mapansin ang haba ng pila sa Jollibee. Sadyang napakamabenta ng mga pagkain dito lalo pa’t lasang Pinoy talaga ang mga inihahaing pagkain dito. Maging ang mga batang naroroon ay tuwang tuwa sa paglalaro sa maliit na palaruang matatagpuan sa looban ng nasabing kainan. Pinagpatuloy ko ang aking paglalakad at napansin din na puno ang iba pang mga kainang malapit sa entrans tulad ng KFC at McDonald’s. Tila nilalangaw naman ang French Baker, Pizza Hut, at Max’s dahil mabibilang lamang ang mga kumakain doon nang mapadaan ako. Hindi nga ba sapat sa badyet ng nakararami ang presyo ng mga pagkain doon? O baka hindi akma sa panlasang Pinoy ang kanilang mga inihahain? Maaaring ganun na nga o kaya naman may iba pa ring dahilan. Hindi ko alam. Muli, nagpatuloy ako sa paglalakad. Maya-maya ay may isang babaeng naka-pormal na kasuotan ang lumapit sa akin at nag-abot ng isang uri ng papel na may produktong marahil ay kanyang ini-endorso. Hindi sa pagiging bastos pero hindi ko tinanggap ang kapirasong papel. Alam kong parte lamang iyon ng kanilang trabaho ngunit nasanay lang talaga ko na hindi tumatanggap ng kahit na ano mula sa mga taong hindi ko kakilala. Isang kumpol ng mga maliliit na tindahan o tianggian ang namataan ko sa gitnang bahagi ng unang palapag. Dahil mahilig ako sa mga makukulay na burloloy ay naakit akong tumingin sa mga ito. Nakatutuwa pagmasdan at pakinggan ang ilang mga mamimili dito habang nakikipagtawaran ng presyo sa mga tindera. Ang ilan ay bumibili ngunit ang iba naman ay hanggang tingin na lamang at umaalis na kapag hindi nakatawad sa ustong presyo. Aba syempre hindi ako nagpahuli kaya nakipagtawaran at bumili din ako ng isang bracelet sa halagang Php 75.00 na noon ay Php 100.00. Sa aking palagay ay napamura na rin ako dahil kung sa mga stall na may pwesto talaga sa mall ko iyon bibilhin ay mahina na ang Php 250.00. Hilig ko talaga ang pamimili ng mga damit at bag. Una kong pinasok ang Freeway. Tumingin-tingin ako ng ilang mga damit at sinukat ang ilan sa mga ito. Medyo napatagal din ang aking pagsusukat dahil paulit-ulit ko sinusukat ang mga damit dahil hindi ko alam kung ano ang bibilhin. Lumabas ako ng naturang stall nang walang nabili. Naisip ko kasi na bakit hindi ko muna tingnan yung mga damit sa iba pang mga stall bago bumili ng gusto ko talaga. Sumunod kong pinasok ay ang Kamiseta, Bayo, Unica Hija, Shapes, Guess, at Bench na kapwa nasa unang palapag pa rin. Hindi ako gaanong nakatagal sa Bench dahil hindi ko nagustuhan ang pakikitungo ng saleslady nila na dapat ay maayos na nag-aasikaso sa kanilang customer. Umakyat na ako ng ikalawang palapag at doon tumingin-tingin ng mga sapatos at sandals na maaari kong magustuhan. Halos wala akong nagustuhan at kung mayroon man ay wala namang available na size sa akin. Sa aking pagpapatuloy ng lakad ay naisip ko bigla na ilang araw na lamang ay kaarawan na ng aking daddy. Mas minabuti ko ng bumili ng regalo upang hindi na rin masayang ang oras na aking ginugugol doon. Dahil mahilig siya sa polo shirts ay sinubukan kong pumili sa Giordano ng babagay sa kanya. Nang mapadaan naman ako sa Memo at Arrow ay may nakita naman akong sinturon na siguradong magugustuhan din niya. May pagkakataong nagulhan na ako sa kung ano ang aking ireregalo. Regalo sana namin ito ng aking boyfriend sa daddy ko ngunit hindi ko siya matanong dahil alam kong sasabihin nitong ako na ang bahala. Bumalik ako ng Giordano upang pumili at salamat na lamang at mababait ang mga empleyado doon kaya kahit alam kong napapagod na sila sa pababago-bago kong isip ay nakangiti pa rin nila kong inaasikaso. Sa wakas ay nakabili na din ako ng regalo. Umakyat ako ng ikatlong palapag sa pamamagitan ng escalator. Iyon na ang huling palapag. Nandoon ang sinehan na tila pribado ang pakiramdam kapag nandoon ka. Gusto ko sanang manood ng sine ngunit ang pansamantalang kasiyahan ay bumalik na sa katotohanan na kaya ako nag-iisa ay dahil nalulungkot ako sa mga nangyayari sa akin noong mga panahong iyon. Mas minabuti ko ng huwag manood sa halip ay tumingin na lamang ako ng mga bagong cellphones na tinitindi sa mga kalapit sa stall. Napagisip-isip ko na halos wala na akong kaalam-alam sa mga nagsusulputang cellphone marahil dahil na rin sa walang katapusang pabago-bago ng mga ito. Nakakatawang isipin pero load lamang ang binili ko doon. Gamit muli ang escalator ay bumaba ako sa ikalawang palapag ngunit sa pagkakataong ito ay tinungo ko ang department store. Tulad sa mga naunang stall ay namili din ako ng mga damit dito. Makakakita din dito ng mga sapatos, bag, gamit sa bahay, sabon, shampoo, tsokolate, at marami pang iba na maayos na ihiniwalay mula sa isa’t isa. Sa hindi kalayuan ay matatanaw naman ang grocery store ng naturang mall. Hindi na ako pumasok doon ngunit makikita namang napakadami pa ring namimili sa bahaging iyon. Nang makaramdam na ako ng pagod ay naisipan ko ng balikan upang bilhin iyong damit sa Freeway at jacket sa Dickies na nauna ko ng isukat. Hindi ko na namalayan ang oras at muli ko na lamang ito napansin nang naramdaman ko ang pagtawag ng mommy ko sa aking cellphone. Tinatanong niya kung nasaan ako at nang sinabi kong nasa SM ay pinasasabay na niya ko umuwi. Nagkataong nandun din ang mommy ko at katatapos lamang mag-grocery. Hinintay ko na lamang siya sa ibaba ng walkalator na nagdudugtong sa grocery store at basement parking ng SM Sucat.

Nang pauwi na kami ay napagisip-isip ko kung naghihirap nga ba talaga ang mga Pilipino. Sa aking napuna ay napakarami pa rin ng mga taong dumadagsa sa mga mall. Maaaring ang iba ay nagpapalamig lang ngunit malaking porsyento pa rin ang naglalabas ng maliit at malaking halaga upang makabili at makapaglibang sa ganitong klaseng lugar. Ang iba ay nagwi-withdraw pa talaga gamit ang kanilang mga ATM. Tuwing Linggo naman ng umaga ay may mga nagsisimba dito kasabay ng pagbubukas ng mall. Marahil ay nakakatulong ang pagpunta dito upang makalimot sa ilang mga problema ngunit lahat ng ito ay hindi libre at laging may katumbas na halaga. Ito rin ay paniguradong pansamantala lamang dahil kapag naramdaman mo na ang pagod at pagtatapos ng araw ay babalik at babalik ka rin sa realidad na iyong sinusubukang takasan.

Erika Rivera

FILCULM
Erika T. Rivera
Blog entry


Madalas ay pumupunta kami sa mall tuwing lingo pagkatapos ng makinig ng misa kami ay kumakain, namamasyal, nagshoshopping o di kaya’y nanonood ng sine.sa totoo lang iba ibang mall ang pinupuntahan naming tulad ng greenhills, Rockwell at trinoma. At sa tuwing pupunta ako ng mall ay may iba’t-ibang karanasan ako doon. Ang mga maganda at mabuting karanasan na ipinapahiwatig ko ay kapag lahat ng gusto ko ay nabibili ng walang angal ang aking daddy. Masaya rin at gusting gusto ang mga mallwide sale dahil panigurado ay mas maraming mabibili yun nga lang hassle kasi madaming tao at mahirap maghanap ng magandang sale item. Dapat kapag amy mga sale ay mababait at pasensyosa ang mga sales lady sapagkat maraming tao talaga sa mga ganitong panahon. At kung mapansin mo pa ang mga mall ngayon sa Pilipinas ay asensado na sapagkat maganda na at makabago na ang mga mall talaga naming kaaya-ayang pumunta hindi ba?
At talaga naman na lahat na ng pagkakaitaan sa mall ay nagawa na nila tulad nalang ng pagpapcarwash sa loob ng parking lot ng mall habang ikaw ay namamasyal. Ano pa nga ba ang meron sa mall o binago nila sa mga mall, ngayon ay malalki na ang mga sinehan, malalambot pa ang mga upuan meron pang lazy boy kung gusto mas mahal nga lang ang bayad at meron pang mga bottomless popcorn at iced tea. At meron pa, ang makabagong i-max theater o diba high-tech na atlaga ngayon. San ka pa? pwede ka apng bumili ng mga tickets gamit ang internet hay grabe iba na talaga ang panahon ngayon.


Maiba naman ako, ang masayang karanasan ko sa mall noong bata pa ako ay nung nandito pa ang mommy ko 3 kami na magmamall parati ako, ang daddy ko at mommy ko tapos ay magshopping kami, kakain sa panghuli naman ay manonod ng sine at naalala ko pa dati bago ko puntahan ang mommy at daddy ko ay kasama ko muna ang aking mga akaibigan umiikot ikot kami, naglalaro sa timezone at nagpapapicture pa kami parati sa mga Kodak pastudio pic at mga neoprint na nauso noon. Tapos ay bibibli kami ng mga damit na parepareho at sabay din naming isusuot ang mga yun hay kapag binalikan mo talaga namang nakaktuwaJ ang mga kaibigan ko pa noon ay mahilig kumain ng ice cream kaya’t lahat kami ay talagang kakain ng parehas ng plavor ng ice cream, grabe diba? Sa banding mga 4 or 5 na ng hapon ay kailangan ko na iwan ang mga kaibigan ko upang kitain ang mga magulang ko. Heto na! shopping time ko na kasama ang mga amgulang ko una naming pinuntahan ang kamiseta para bumili ng mga pantalon at blusa ko nakakainis pa kasi lahat ng magustuhan kin a damit ay ayaw ng mom and dad ko gusto nila yung pangbata talaga literal eh ilan taon nako noon maga 13 na ata hello dalaga nako noon. Sa bagay nay an hindi kami magkasundo ng magulang ko parati sa pagpili at pagbili ng damit nakakainis talaga sobra seryoso. Matapos nito ay pumunta naman kami sa Benetton para bumili pa ng ibang mga damit, gusto kasi ng mommy ko ang tatak na united colors of Benetton para sa akin hindi ko malaman kung bakit pero uso nga naman iyon noon. Ang sumunod naming pinuntahan ay ang Birkenstock naman na pinagawayan parin naming ng mommy ko kasi ang gusto ko na kulay ay puti pero ayaw raw niya iyon dahil dumihin raw pero ako parin ang nanalo dahil umiyak ako kaya’t ang putting Birkenstock ang nabili naming hahaJ ayan patapos na ang araw kaya’t kakain na kami sa kimpura pero sa di sinasadyang pagkakataon ay nadaan kami sa isang toy store sa glorietta 2 na malaopit sa kimpura nakalimutan ko na nga ang pangalan eh o basta yun tapos umikot kami sandali sa mga Barbie dahil mahilig ako sa mga manika. At bigla kong nakita ang tamagotchi na laruan nagustuhan ko kagad ito at ninais na ipabili sa momy ko at day ko pero hindi sila pumayag sa dahilan na hindi raw ito makakbuti sa pagaaral ko parang madistract raw ako edi ito na umiyak nanaman ang bata dahil hindi niya makuha ang gusto niya grabe talagang hindi sila pumayag hanga’t umalis kami para kumain. Sa pagdating naming sa kimpura hindi talaga ako uimiimik dahil sa pagkalungkot at pagkaasar ko sa kanila, hindi talaga ako kumain ng inorder nila para sa akin at muli oa kong umiyak. Ang mommy ko anman ay biglang nagalit sakin at sinabing kumain ka wag mo akong galitin, sabay singit ng daddy ko sige na eat your food we will buy your tamagotchi after. Edi syempre sabay ngiti ako at madaling kumain, sa totoo lang gutom na gutom na ako nagpipigil lang sa pagkain pati hello favorite ko kaya ang Japanese food. Kamusta naman yun kapag di ako kumain. Matapo kumain ay bumalik kami s atoy store para bilhin ang laruan ko ang bait talaga ng dady ko hay nagaway pa si mommy ko and si daddy ko kasi raw bakit daw ako pinagbibigayan parati hehe. Ngayon naman ay bibili na kami ng ticket para sa palabas, sumunod ay bumili ng popcorn at inumin. Manonood na kami ng sine pero kahit gaano ko pa kagusto ang palabas ay naglaro nalang ako ng tamagotchi buong oras heheheJ ay teka nakalimutan ko abangitin sa glorietta ang mall na nangyari ang araw na ito.

Mall-a Noon Hanggang Ngayon

ni Joanna Marie P. Becong

Entri#1

Bawat isa sa atin ay may iba’t ibang klaseng karanasan sa loob ng isang mall. May mga panahon na tayo ay pumupunta dito para kumain, bumili ng damit o kaya sapatos, bumili ng kung anu-anong kagamitan o di kaya naman ay basta lamang magpalipas oras at masabi sa sarili na, “May nagawa ako sa araw na ito. Aaminin ko masaya ang pumunta at magpalipas oras sa mall, para sa akin, kaya nga ito naimbento para pagsilbihan at pasayahin ang mga tao. Nandito ang mall para bigyan naman ng libangan ang mga tao at hindi lang basta tumambay sa kani-kanilang mga bahay at magtitig sa kisame. Oo, may iba rin naman puwedeng puntahan na mga institusyon katulad ng mga museo, parke at kung saan pa man. Pero kung titingnan natin ang mundo ngayon napakamoderno na at mas madali ang buhay kung tayo ay pupunta na lang sa mall kasi nandoon na ang lahat na posible nating kailanganin sa isang araw.

Marami na akong naging karanasan sa mall. Bata pa lamang ako ay nagpupunta na ako sa mga malls. Sinasama ako ng aking mga magulang, pinapasyal at kung anu-ano pa. Ang ibabahagi ko ngayong karanasan ay ang mga naging karanasan ko sa mall na SM Megamall. Ang mall na ito ang aking napili sapagkat bata pa lamang ako ay madalas na kami ng aking pamilya na pumunta dito. Isa rin ito sa aking napili sapagkat simula nung ako ay nagsimulang magkolehiyo ito na ang mall na halos araw-araw kong pinupuntahan pagkatapos ng aking klase. Sa aking pagkaka-alam ito na ata ang mall na may pinakamarami akong naging karanasan.

Una sa lahat, sisimulan ko ang kwento kong ito nung ako ay bata o maliit pa. Sa aking pagkakaalam, sa supermarket ng SM Megamall kami madalas mamili ng groceries. Nangyayari ito kapag Linggo o kaya naman ay Sabado. Hindi ko alam kung ano ang dahilan noong panahong iyon sapagkat ang alam ko lang noon ay basta kapag kami ay pupuntang Megamall ay ayan na naman at mamimili sina mama at tita ng groceries. Baka iniisip mo ngayon kung bakit gusto kong alamin ang dahilan, ito ay dahil lamang naman ang bahay naming ay malayo sa Megamall. Ngunit ngayong ako ay malaki na, aaminin ko na hindi ko pa rin alam talaga ang totoong rason, ngunit naisip ko ngayon na, dahil siguro ito sa kalakihan at maraming mabibili sa loob ng supermarket at isa rin ay dahil ang tita ko ay nagtatrabaho malapit sa Megamall at mas pamilyar siya sa lugar doon kaya mas gusto niyang mamili doon. Nang tumagal ay hindi ko na pinoproblema pa kung ano man talaga ang dahilan sapagkat nasanay na ako at isa pa palagi naman akong nakakalibre ng merienda kapag sinasamahan ko sila sa kanilang pamimili ng groceries; kasi sa totoo lang ay noong naabot ko na ang edad na 15 pataas, hindi ko na sila sinasamahan sa loob ng supermarket. Ako ay pinaghihintay na lamang nila sa Dunkin Donuts o kaya naman sa Jollibee. Kami ng aking mga kapatid ang ginagawa nilang tagapagbantay ng mga iba pa nilang gamit o pinamili. Minsan sinasabi nila ito para daw makapagmerienda muna kami ngunit minsan naisip ko na siguro ito ay para hindi na kami magpabili pa ng kung anu-anong pagkain sa loob ng supermarket.

Isa pang ginagawa namin sa loob ng SM Megamall noon ay basta makalabas pagkatapos ng pagsimba. Minsan dito rin kami kumakain ng tanghalian o kaya naman hapunan. Ginagawa namin ito sapagkat minsan lamang kami makakain na kaming lahat sa labas at syempre dahil kami ay nasa mall na at lahat, syempre hindi mo maiiwasan talaga ang pagkain. Minsan naman ay nakikipagkita kami sa iba naming kamag-anak katulad ng iba naming pinsan, tito at tita, kaibigan ng aking mga magulang at doon kami kakain para makapagkwentuhan.

Syempre, isa sa mga hindi mo nakakalimutang gawin kapag pumupunta sa mall ay ang pamimili ng damit, sapatos, borloloy at kung anu-ano pang kagamitan na kailangan mo sa katawan. Kami ay madalas magshopping sa SM na ito sapagkat madalas ay dito gusto makipagkita ang aming tita para pagkatapos naming mamili ay sabay-sabay na kami sa pag-uwi. Dito kami namimili ng damit kapag may mga Christmas party o kung anu-ano pa mang espesyal na okasyon katulad ng debut, labas ng barkada at iba pa. Namimili rin kami dito ng damit kapag gusto lamang naming bumili. Natutuwa ako kapag namimili kami ng damit sa SM na ito sapagkat maraming pamimilian at maraming kang makikita na kung anu-ano na kahit hindi mo naman kailangan ay binibili mo pa rin. Dito rin kami bumibili ng sapatos kapag malapit ng magpasukan. Gustong-gusto kong mamili sa mall kapag Sale. Syempre makakatipid ka at minsan mas marami ka pang nabibili.

Isang karanasan na hindi ko malilimutan sa mall na ito ay ang unang beses kong nakapag “ice skating”. Nangyari ito noong ako ay nasa unang taon ng hayskul. Kami ng aking barkada ay pumunta ng Megamall para gamitin ang binigay na mga kupon ng isa pa naming kaibigan para makapag “ice skating”. Sobrang saya ng araw na iyon sapagkat sobrang bago sa akin ang maranasan iyon at makapagsuot ng “ice skates”. Sobrang halo ang naramdaman ko noon dahil sa tuwa na maranasan iyon at sa takot na baka maaksidente ako sa mga pinaggagagawa ko noon. Hindi kasi ako sanay at hinding hindi talaga marunong.

Isa pang karanasan ko sa mall na ito ay ang panunuod ng sine. Ilang beses na akong nakapanood ng sine dito sa mall na ito. Gustong-gusto kong nanunuod ng sine dito sapagkat malaki ang sinehan. Naalala ko nung kaarawan ko noong ika-5 ng Mayo 2004, wala kasi ang mga magulang ko noon sa bansa kaya ang nangyari ay nanood na lamang kami ng sine sa Megamall kasami ng aking mga pinsan at ate. Ang pinanood pa nga namin noon ay Van Helsing. Ang panunood ng sine ang isa sa talagang karanasan sa mall na pinakagusto ko. Ito ay dahil isa sa aking mga adiksyon ang panunuod ng mga bagong labas na sine at makapanood sa isang sinehan. Isa pa sa aking naalala ay madalas naming panunood ng aking mga kapatid, ang ilan dito ay Tristan and Isolde, Zathura, Hairspray at napakarami pang iba.

Nang nagsimula akong magkolehiyo itong mall na ito ang naging tamabayan ko. Bakit? Simpleng sagot lamang, para ako ay makalibre sa pag-uwi sa aming bahay at para makakain ako ng libre at masarap na hapunan. Paano? Simpleng sagot lamang uli, ang tita ko ay ang kasabay pauwi. Ngayon nga lamang ay hindi na ito nangyayari. Ito ay sa kadahilanang lumipat na kami ng bahay, at hindi ko na sasabihin pa ang ibang detalye. Nang panahong nga na iyan ay lagi akong naghihintay sa tita ko para makauwi. Kaya sa paghihintay ko madalas ako gumagala-gala at nagwiwindow shopping sa Megamall. Ang pinakagusto kong ginagawa kapag naghihintay ay ang pagtambay sa loob ng Powerbooks. Alam ko ang ibang tao ay ayaw sa lugar na ito kasi wala namang ginagawa pero ako, gustong-gusto ko dito. Mahilig kasi akong magbasa at dahil puwede magbasa sa loob ng Powerbooks, iyon ang madalas kong gawin doon. Minsan inaabot ako ng 2 oras na tumitingin tingin lang ng mga libro at binabasa ang mga nakasulat sa likod. Halos araw-araw nga ay iyon lang ang aking ginagawa kapag naghihintay kahit alam kong nabasa at nakita ko na ang mga iyon kahapon o nung isang araw. Oo, maari mong sabihin na ang labo ko at may sira siguro ang ulo ngunit natutuwa lang talaga ako kapag ganoon, para bang kontento lang talaga ako sa ginagawa ko. Marami na rin akong nabili sa Powerbooks sa mall na ito at natutuwa ako pag-nakikita ko ang mga iyon dahil pinambili ko ang sarili kong pera para sa mga ito.

Sa paghihintay rin minsan ay pumupunta ako sa cyberzone. Minsan nandoon ako para tumingin ng cellphones, laptops, at kung anu-ano pang gadgets. Minsan din akong nagpaayos dito ng aking cellphone. Nakailang beses ako bumalik dito sapagkat napakakomplikadong intindihin ng sira ng cellphone ko. Nasugatan pa nga daw yung nag-aayos ng cellphone ko dati.
Madalas din naman akong naghihintay sa Starbucks sa kadahilanang isa rin sa adiksyon ko noon ang pag-inom ng frap ng Starbucks at ang pagkain ng cinnamon roll doon. Syempre doon din kasi madalas gusto makipagkita ng mga tao kaya doon ang hintayan.
Ilan sa mga kakaiba at nakakainis na karanasan ko sa mall na ito habang naghihintay ay ang una ay noong ako ay nakasuot ng backpack at ng pagtingin ko sa loob ay wala na ang pitaka ko. Sobrang naiinis ako dahil nandoon ang credit card ko, DLSU ID ko, timezone card ko at ang mga LRT at MRT kards ko. Buti na lamang at nasa bulsa ko lagi ang mga pera ko. Ang sobrang kinaiinisan ko lang talaga ay ang pagkawala ng stored value cards ko sa MRT at LRT sapagkat P100 ang isa at mahal iyon! Isa rin ay ang DLSU ID ko! Ito naman ay dahil sagabal para sa akin ang dumaan pa sa South Gate kasi sa Andrew ang lahat ng klase ko noon. Syempre mahal ang magpagawa ulet ng ID! P500 ang pagpapagawa! Nakakainis talaga! Iyong isa namang karanasan ay ang paghihinala ko doon sa babae na gustong nakawin yung cellphone ko. Wala naman talaga akong pruweba pero iba lang talaga siguro takbo ng utak ko. Ang nangyari kasi ay nakaupo ako sa mga upuan sa tapat ng National Bookstore at nagababasa ako ng New Moon. Tumabi sa akin ang isang babae at nagtanong ng oras, pagkatapos noon ay nagtanong siya kung pwede daw niyang hiramin ang cellphone ko kasi wala na daw siyang baterya, syempre tumanggi ako at sumunod ay nagtanong ulit kung puwede daw makitext at syempre sabi ko hindi. Naiinis ako sa babaeng iyon kasi ang kulit niya! Puwede naman kasi sa iba siya magtanong paulit-ulit pa siya kahit tinangihan ko na nga.

Isang karanasan na sobrang nanghihinayang ako ay ang hindi pag-abot sa ‘red carpet entrance’ ni John Lloyd Cruz, iyong araw kasing iyon ang ‘movie premiere’ at dumating ako ng mga 9 ng gabi galing DLSU. Syempre, hindi ko naabutan kasi 8pm nagsimula ang pagpasok nila. Sayang talaga nung araw na iyon, ang gwapo kasi ni John Lloyd kaya ako nanghihinayang ngayon.

Sa lahat ng mga nabangit kong karanasan sa iyo, sana ay napangiti kita kasi kapag naaalala ko ang mga ito natatawa ako kasi kung anu-ano ang mga pinaggagagawa at pinag-iiisip ko sa loob ng mall.

Pagmamasid hanggang dumilim

ni Charles Ryan Neil T. Perez

Filculm Entri # 1

Ang malakas na busina ng mga sasakyan, ang lamig na mararamdaman galing sa loob ng mall at ang napakaraming tao sa paligid ay ilan lamang sa karaniwang bagay na aking naramdaman at napagmasdan noong gabing iyon. Naisip ko ng pumasok sa loob ng mall dahil matagal-tagal na rin akong hindi nakapasyal sa mall na ito. Masasabi kong ako’y isang napaka-masunuring bata dahil kapag tsinetsek ng mga guwardiya ang aking bag, binbuksan ko naman ito ngunit minsan ay na-didismaya lang ako. Paano ba naman, may nag-tsetsek ba na ipapasok lang ang kanilang istik sa bag mo at yun na ang tinatawag nilang tsek? Nakakainis din na ang ibang mamimili ay hindi binubuksan ang kanilang bag na alam naman nilang kailangan gawin ito para narin sa kanilang kaligtasan. Kaya siguro may mga nakakalusot na mga bomba sa iba’t – ibang establishmiyento dahil sa mga guwardiyang hindi naman ginagawa ng maayos ang kanilang tungkulin at sa mga pasaway na mamimili na nagagalit pa kapag pinapabuksan ang kanilang mga bag. Tumuloy ako sa loob. Naamoy ko ang popcorn pagpasok ko sa pintuan. Mga palabas na nakalagay at nakapaskel sa pader, ang bagong pelikula ni Jolina Magdangal at Dennis Trillo na “Italy” at marami pang ibang palabas ngunit puro hindi na Pinoy ang gumawa, ang sumalubong at naka-akit sa aking mata. Hindi na rin ako nakakapanuod ng sine, ang huli ko yatang napanuod ay ang pelikulang “Indiana Jones” kaya siguro yun ang aking unang napansin pagpasok.

Umakyat ako sa ikalawang palapag ng mall. Dinaan ko ang sinehan na may mga taong naglalabasan na. Ang iba’y mukhang inaantok at ang iba naman ay walang reaksyon. Dumaan ako sa bahaging mayroong mga restoran. Kapansin-pansin ang dami at ang ingay ng mga tao roon na kumakain at naghihintay ng kakainin. Napadaan ako sa Mann Yann, isang restoran, at nanunumbalik sa aking isipan ang mga oras na kumakain kami roon ng aking mga pinsan bago manuod ng pelikula o pagkatapos manuod ng pelikula. Palagi kaming kumakain doon dahil masarap ang spicy spareribs at yang chao rice nila. Tinuloy ko ang aking paglalakad, kumanan at hinanap ang aking palatandaan na Jollibee dahil nagsisilbi itong palatandaan ko papunta sa gadgets center. Gumamit ako ng elevator at naghintay ng sandali dahil maraming tao ang nais umakyat at gamitin ang elevator na iyon. Patuloy ang aking paglalakad at napadaan ako sa kompyuter shop mangilan-ngilan lang ang tao roon at may mga foreigner rin ang nasa loob maliban sa mga Pilipino. Pumasok na ako sa loob ng tindahan ng Motorola sapagkat bibili ako ng stylus para sa aking cell phone. Tinanong ko ang sales lady kung mayroon ba silang available na stylus. Pinaghintay niya ako at naghintay naman ako. Ang tagal at ako;y nabagot. Nang bumalik siya ay dala na niya ang stylus. Nakaramdam ako ng lubos na kasiyahan dahil pagtapos ng apat na buwan ay may stylus na ulit ako. Mahirap kasing makahanap at matagal magkaroon ng ganoong stylus ang Morotola. Nagbayad na ako at buti naman ay pinahintay sa akin ang resibo dahil ang ibang mga tindahan ay hindi nagbibigay ng resibo kapag hindi mo ito sinasabi sa kanila.

Naglakad akong muli at nagtungo sa Zagu dahil wala naman akong gagawin sa gabing iyon kung hindi ang magmasid ng magmasid lamang para sa aking takdang aralain sa Filculm. Sa malayo ay kapansin-pansing marami ang taong bumibili roon. Lagi-lagi nalang kapag gabi ay maraming bumibili sa Zagu at hindi ko matanto kung bakit. Ang alam ko lang ay masarap ang pearl nila at napakaraming pagpipilian. Nang makarating na ako sa Zagu at ako’y pumila at hinintay ang aking paboritong Choco Caramel na may extra pearl. Naghintay ako sa tabi. Kapansin-pansin ang dalawang lalaki na malapit sa akin na magkahawak kamay. Hindi sila mukhang magkapatid. Hindi rin naman sila mukhang mag-ama. Ah! Alam ko na! Sila ay mag-nobyo. Tama! Mag-nobyo. Hindi naman sila mukhang baklang bakla tulad ng mga iniisip ng karamihan na bakla. Nakakatuwang isipin na hindi sila nahihiya sa kung ano sila dahil naghahawak-kamay sila sa publiko at walang pakialam sa sasabhin ng ibang tao. Tinawag na ang aking paboritong Choco Caramel at ako’y umalis.

Hindi ko na alam kung saan naman ako pupunta dahil wala naman ako magawa sa mall kahit na kung iisipin mo na marami ang magagawa rito. Nariyan na ang maglaro sa arcade centers tulad ng timezone, manuod ng sine ngunit mag-isa lang ako, mag-shopping pero ayaw ko naman gumastos dahil nag-iipon ako para sa nalalapit kong kaarawan dahil may nais akong bilhin na kagamitan. Naisip kong umupo nalang sa food court na nasa ikatlong palapag dahil nakaramdam ako ng kaunting pagkangalay dahil wala naman akong ginawa kung hindi maglakad ng maglakad. Umakyat na ako at doon nalang tumamabay ng panandalian dahil malapit na magsara ang mall.

Pinagmasdan ko ang mga tao. Tila walang tigil sa kakadaldal, walang tigil ang pagnguya at parang ang iba ay walang problema sa lakas nilang tumawa. Ganoon nga siguro ang mga Pinoy, laging masaya at hindi nauubusan ng kwento kahit nasaan pa man sila, kahit sa mall pa. Bakit kaya laging maraming tao sa mall kahit sinasabi nila na naghihirap na ang Pilipinas? Hindi ko rin alam ang sagot. Iniisip ko kung ano ba ang mayroon sa mall at nais kaming magsulat ng aming karanasan dito. Ang alam ko lang ay halos lahat ay makikita mo na sa mall. Halos lahat ng klase rin ng tao ay makikita mo sa mall lalo na ang mga nabibilang sa grupong intelektwal.

Naglakad nalang ako muli sa ibang bahagi ng mall at nagmasid pa rin. Tila puro mga naka-tsinelas na ang mga taong nakaksalubong ko. Karamihan pa sa mga ito ay may suot na Havaianas na uso sa panahon ngayon. Dati rati, kailangan sobrang bihis ka kapag pupunta sa mall, ngayon tsinelas o yung tinatawag nilang flip flops nalang ay pwede mo na suotin sa loob ng mall at kahit saan. Kahit saang bahagi yata ako magpunta ng mall ay may naka-tsinelas.

Naisipan ko na lumabas ng mall dahil magsasara na ito. Habang ako’y papalabas ay kapansin-pansin ang pagkonti ng mga tao at ang pagsara ng ibang mga restoran sa foodcourt at sa iba pang lugar ay nagsasara na at nagliligpit, gayundin naman sa mga tindahan ng damit at ng kung anu-ano pang mga bagay-bagay. Unti-unti na rin namang nagsisipatayan ang mga makukulay at maraming mga ilaw sa mall. Bukas pa naman ang ilan pang restoran sa labas ng mall at may mga kumakain pa sa loob nito. Ang ibang mga empleyado ay naghihintay na lamang sa pag-alis ng kanilang customer.

Habang ako’y naglalakad sa labas ng mall na iyon ay natakot ako bigla dahil madilim sa ilang parte nito sa labas dahil maling bahagi ang aking nalabasan. Sa mabuting palad ay bukas pa ang pinto sa mall na iyon at sinubukan kong pumasok sa loob upang makapunta sa bahagi na mas malapit ang sakayan. Sinita ako ng gwardiya at sinabi sa akin na bawal na raw pumasok sa loob dahil sarado na sila. Sabi ko naman sa kanya na dadaan lang ako papunta sa kabilang labasan. Noong una ay ayaw pa niyang pumayag ngunit nung kinalaunan ay pumayag na rin siya. Nang pumasok ako sa loob ay mas madilim na ito, hindi naman sa sobrang dilim ngunit mas maraming ilaw na ang nakapatay at mas marami na ang mga tindahan na talagang sarado na. May mga iilang tao pa rin naman sa loob ngunit naiiba ito sa mall na kapag maraming tao at bukas ang lahat ng ilaw. Isa na itong mukhang malaking lugar na blanko at mukhang inabandona. Ang napaka-ingay, napakasaya at napakaraming tao ay biglang naglaho. Nakakalungkot tignan at ikutin ang lugar na iyon. Biglang pumasok sa aking isipan ang trahedya na nangyari lamang noong nakaraang taon sa mall na iyon. Marami ang namatay, marami rin sigurong nagmumulto. Nakaka-kilabot at nakakatakot kung kaya’t dali-dali akong naglakad papunta sa pintuang aking lalabasan. Nang malapit na ako sa labasan na aking pupuntahan, bukas pa rin ang sinehan dito dahil may last full show pa yata. Buti nalang at hindi ako nakaramdam ng kung ano mang katakot-takot ng gabing iyon.

Sa aking palagay ay hindi sapat ang aking naging oras sa pagmamasid sa isang mall. Wala rin naman akong kakaibang mga karanasan sa loob ng Glorietta mall na siyang aking napiling mall dahil malapit lang ako roon. Pareho lang ang lahat. Maraming mga tao na may kanya-kanyang layunin kung bakit sila naroroon sa mall na iyon. Ang ilan siguro sa kanila ay para mag-aliw, ang ilan ay para manuod ng sine, maaari ring maglaro ng bowling, maki-hang out sa kani-kanilang barkada o di kaya naman ang pinaka-sikat sa lahat ay ang pag-wiwindow shopping ng karamihan at pagpapalamig sa mall lalo na kapag mainit ang panahon.

Ang mall na nga yata ang sentro ng lahat dahil makikita mo ang kahit ano man ang iyong naisin sa loob nito. Nariyan ang iba’t ibang fasilidad at mapaglilibangan upang makalimot sa mabibigat na problema. Iba-iba rin ang mga klase ng tao na nagpupunta rito. Tunay ngang bahagi na rin ito ng ating buhay at ng ating kultura. Mahirap na itong alisin sa ating sistema dahil nakadepende na tayo sa ganitong pamamaraan. Kung nangangailangan ka ng damit, pagkain at mga gamit sa eskwelahan, nasa iisang lugar na ang mga ito. Kung nais mo rin namang mag-simba, mayroon na rin sa tabi ng mall o minsan ay sa loob na rin ng mall.

Lahat ng aking nabanggit ay ang aking mga naranasan noong isang araw lamang sa mall. Kung totoosin ay kahit saang mall ako magpunta ay tila mararanasan ko ang halos lahat ng aking nabanggit sa itaas. Katulad nga ng aking nasabi, bahagi na talaga ng ating buhay ang pagkakaroon ng mall at ang pagpunta rito paminsan-minsan o kahit araw-araw man.

ang MALL


Nikki Cruz

Filculm

Blog #1 “ang MALL”

Hindi pa ata tayo ipinapanganak ay mayroon nang mga MALL. Lumaki tayo nang walang lumipas na lingo o buwan man lang na hindi namasyal sa mall. Lahat na ata ng bagay magagawa natin sa mall. Mamasyal, mamalengke, maglakad, mag-exercise, kumain, mag-date, makipagkita, makipag-date, makipag-harutan, makipag-landian, maginuman, mag-basketbol, mag-ice skating, magsimba, maglibang, mag-aral at kung anu-anu pa at napakadami pang iba. Walang imposible sa mall.

San nga ba nagsimula ang kultura natin ng pag ma-mall? Mula pa noong unang panahon mayroon nang mga lugar sa mga bayan na kung saan nagkikita ang mga tao upang makipagpalitan ng gamit o “trade” at nagpatuloy ito sa pag-gamit ng pera upang maipambili sa mga gamit-gamit. Ayon sa aking nabasa ang pagkakaroon ng “Shopping Mall o Shopping Centre” ay nagsimula pa noong 10 A.D. sa Istanbul hindi ko na papahabain itong history nito J basta noong unang panahon ay mayroon nang lugar ng pamimili. Sa ating bansa ang ali mall ay ang sinasabing pinaka unang mall o pinakaunang modernong mall. Modern dahil ito ay isang building hindi katulad nang mga naunang “palengke style” mall. J

Ngayon wala na atang Pilipino ang hindi pa nakakapunta ng mall except yung mga ethnic group ah malamang hindi pa nakakapunta ng mall yun pero in fairness yung mga aeta sa subic nakapasok na sa mall ah at wag ka duty free haha J pero sa panahon ngayon wlang tao ang hindi alam ang SM (Shoe Mart) nakakainspire nga ang kwento ng SM eh mula lang sa maliit na tindihan ng mga sapatos nakarating na sila sa ganitong higanteng negosyo at ang yaman yaman super yaman na ng pamilyang SY grabe! Minsan nga naisip ko sana apo ako ni Henry Sy tapos lapit lang ako sa kanya tapos “ LO may gas-gas na shoes ko eg can I get a new pair in the store” hahaha J anu pa bang mall meron ditto sa atin? Syempre para sa mga sosyal at medyo rich andyan ang Rustan’s meron ding Powerplant kung saan ang karamihan sa mga showbiz people dun namimili dun ko nga nakita si John Lloyd eh grabe! Ahaha meron syempre mawawala ba ang Ayala malls ang Greenbelt ang Glorietta ang Trinoma ang Market! Market! At ang mga mall ng ayala sa aking palagay ay para sa iba’t ibang antas ng buhay kunwari pag greenbelt ka nagpunta ah mayaman ka lalu na pag Greenbelt 4 o kaya 5 na barya lang saiyo ang bumili ng LV (Louis Vuitton). Pag Glorietta ka naman nag punta ano ka may kaya ka kumbaga “office girl o office boy” ka kasi asa gitna ng Makati yun eh pag market! Market ka nagpunta anu ka? Medyo masa ka na kc medyo masa na ang mga tao sa market! Market! Kckahit asa loob siya nang fort un lang ata ang mall sa may taguig area so yung pipol na nagpupunta dun medyo halo-halo na pero ibang usapan na pag asa bonifacio high street ka kahit magkatabi lng yun medyo nagkakaiba pa din ang mga tao sa mga mall na ito at pero di ko malilimutang ang napakasarap na BBQ sa labas ng Market! Market! Ang Ineng’s BBQ Malaki! Masarap! Malaman! At mura pa! (hahaha nagpromote!) mabalik tayo sa ayala malls isa pang mall ay ang bagong bagong trinoma sa may QC masasabi ko rin na medyo masa din ang mall na ito dahil siguro again sa area ng mall. At sa trinoma napakadaming churva! Ahahaha at wag naman natin kalimutang bangitin ang mga SM Malls baka magtampo ang favorite ko J syempre madaming SM SM Makati, SM manila, SM san lazaro, Sm cebu, Sm Iloilo, sm Pampanga at kung anu-anu pang SM at siyempre makakalimutan ko ba ang aking napakapaboritong SM Mall of ASIA!! Lahat andito na eh inuman, shopingan, sinehan, national bookstore haha! Hindi ata lumilipas ang lingo hindi ako nakakatapak ng SM mall of asia at memorize ko na ang SM mall of asia noh! Haha nagyabang! Kasama ng aking mga kapatid at magulang (siyempre momi ko lang kc hindi naman ma-mall ang daddy ko) parepareho kaming adik sa Sm mall of asia haha lahat ata ng okasyon bday, valentines, Halloween, mahal na araw (siyempre sarado ang mall pag mahal na araw haha pero andun pa din kame sa tabi ng mall dahil dun sa church sa tabi haha) at kung anu-anu pang okasyon ay nasa mall of asia kame except pa din ang super holidays like Christmas kasi super dami ng tao dun pero na try ko na pumunta dun ng super holiday nung last new year nagpunta ako dun para magasta ko ang aking mga natangap na blessings nung pasko hehe ayy grabe ang daming tao pero keri ng Mall of asia ang madaming tao ah kc napakaluwag, madaming parking kaya kering keri ng mall of asia ang napakadaming tao during super holidays. Pag hindi nga sa mall of asia ako nag mall parang iba ang feeling hindi na ako sanay sa ibang mall except greenhills ah ibang usapan yun, yung lahat ng nasa greenhills di ko ata makikita sa Mall of Asia. Pero still Mall of asia pa din ang favorite ko kc ang lapit lang samin ang dami pang stores! At mahangin pa! haha Di ko rin kakalimutan ang mga robinson’s malls noh kasi masasabi ko naging parte ng aking High School life ang isang Robinson’s mall ang Robinson’s Galleria hangang ngayon pag nagkikita kami nang aking mga kaibigan ay sa Robinson’s Galeria kame pupunta at sa Gale din pinapalabas ang mga magagandang Gay indie Films kaya Masaya! Haha J nagsimula ako mag Robinson’s Galeria nung akoy grade 5 pa lang kc ang lapit lang nun sa Lsgh so after exam dun kami pupunta nung mga classmates ko nung bata pa kami dreamscape kami pupunta mag aarcade tpos sasakay rides haha pero nung high school ayan na pa sine sine na tpos medyo nung 3rd yr o 4th yr yun na iba na may yosi na na kasama, sa Galeria nga ako natuto mag yosi eh J ngayon pag magkikita kame ng mga kaibigan parang naka ugaliaan na dun magkikita bago pumunta kung saan man. J pumunta naman tayo sa tiangian na tinatawag natin GREENHILLS! Sa gh naman Masaya kc sa 1k meron na ko mga dalawa hangang 3 tshirt na maganda pero pag keri keri lng na tshrt mga 4 yung 1k mo pero pag mas gusto mo maganda yung medyo totoo na tshrt isa lang yung 1k mo o kulang pa. at kung gusto mo nang bago o 2nd hand na cellphone o magbebenta ka ng phone syempre sa Greenhills ka pupunta o kaya nman papagawa mo cellphone sa gh pa din o kaya naman pag may dumating ka kamag anak galling states siyemre hindi pede na hindi mo sila ipapasyal sa GH kc bibili sila lng LV para ipagyabang sa states! Haha at hindi lang mga balikbayan ah ang dami ng foreigner sa GH parang “tourist spot” nga ang gh eh at hindi rin mawawala ang gimikan sa paligid ng GH ah. At sa Gh pag pasko o magpapasko mag night market na pareho din ang tinda galling din sa loon nung mall pero mas mura kasi asa labas (hahaha labo!) at meron din show sa labas pag may night market saya saya! At meron na din pala kapatid ang GH and tiendisitas parehong tiangian pero hindi ko type sa tiendisitas kc mainit at malayo sa aking tirahan. Mga once every six months lang ata ako napapadpad dun.

Ang Mall nga parang may kanya-kanyang specialty pag kaylangan mo ay cellphone sa greenhills ka pupunta, pag medyo pang-mayaman na gamit sa ano ka pupunta sa greenbelt o kaya sa iba pang pang mayaman na mall like power plant, pag kailangan mo naman medyo keri lng pede na sa Glorietta or trinoma or market market, pag kailangan mo nman gamit sa bahay or appliance sa SM syempre yung mga normal na SM pero pag lahat kaylangan mo sa SM mall of asia ang mall ng bayan! Haha

Asa kultura na nating mga Pilipino ang pagpunta sa mall, hindi lamang pamimili ang ginagawa sa mall kahit nga wala ka pera pede ka punta mall palamig ka lang upo sa tabi pagmasdan ang mga tao, hanap ng love life o ano pa. isa klaseng paglilibang o entertainment ang pagpunta pa lamang sa mall hindi pa kasama yung entertainment na makukuha mo sa mga gagawin mo sa loob ng mall. At sa paglipas ng panahon kung anu-anu innovation ang naiimbento sa mga mall gaya nga ng mall of asia halos lahat andun na tulad ng simbahan, convention center, gimikan sinehan, ice skating rink, at kung anu-anu pa kulang nalang ata sa mall of asia ay hotel eh tulad ng mga mall sa ibang bansa ang mall ay may kasamang hotel sa itaas. Hindi mawawala sa atin mga Pilipino ang pag ma-mall anu na lang mangyayari sa atin kung wlang mga mall noh.


Mini-Clock

Thermo Converter

Disturbia CBox!

Maukie - the virtual cat

New Movies On DVD This Week

The Simpsomaker