Mga Miyembro

WALANG KUPAS NA PAGNINGNING

Joyce Anne Ramos

Isang napakagandang biyaya para sa mga Pilipino ang mabiyayaan ng iba’t ibang kaalaman, karunungan, at samu’t saring talento na tunay nga namang maipagmamalaki. Marami ang nagsusumikap linangin ang mga talentong ipinagkaloob sa kanila ng May Kapal. Isa sa mga taong walang sinayang na oras upang pagyamanin ang sarili ay si Maria Ligaya Carmen Imutan Salonga. Ipinanganak noong February 22, 1971, si Lea Salonga ay napabilang sa isang kilala at maimpluwensiyang angkan. Panganay na anak siya nina Feliciano Genuino Salonga and Ligaya Alcantara Imutan. Isa siya sa mga apo ng dating senador na si Jovito Salonga. Dati siya naging estudyante sa O.B. Montessori Center, Ateneo de Manila University, University of the Philippines, at sa Fordham University sa New York. Masasabi kong si Lea Salonga ang pinaka hinahangaan ko sa lahat ng mga napabilang na aktres sa Philippine Showbiz. Maliban sa pareho kaming may interes sa pag-arte sa larangan ng teatro, humahanga ako sa sipag, tiyaga, dedikasyon, at matinding pananampalataya na ginawa niyang puhunan upang magtagumpay. Nagsimula siya magtrabaho sa edad na pito bilang isang child star sa Philippine TV. Dahil sa angking galing at karisma ay nagpatuloy ang kanyang karera bilang isang artista. Nagsimula siyang mag-recording sa edad na 10. Agad namang umusbong sa larangan ng musika ang kauna-unahan niyang album na pinamagatang A Small Voice, na magpasahanggang ngayon ay paboritong kinakanta pa rin ng mga batang sumasali sa mga patimpalak. Likas na dumadaloy sa kanyang dugo ang pagkahilig sa musika. Sa katunayan, nakababata niyang kapatid si Gerald Salonga. Si Gerald ay isa sa mga pinagpipitagang musical director sa Pilipinas. Sa paglipas ng panahon ay mas namayagpag pa limelight si Lea Salonga lalo na nang makasali siya sa iba’t ibang mga dula hindi lamang dito sa Pilipinas kundi maging sa mga internasyonal na produksyon. Ilan lamang sa mga ito ay ang The King and I, Les Miserables, Fiddler on the Roof, Cinderella, at ang pinaka naging sikat sa lahat, ang Miss Saigon kung saan ginampanan niya ang karakter ni Kim. Dahil sa natamong kasikatan ay nagkaroon pa siya ng pagkakataon na mapiling kumanta ng “A Whole New World”, ang theme song ng sikat na sikat na pelikulang pambata, ang Disney’s Aladdin. Naging nominado na din siya sa iba;t ibang mga award-giving body tulad ng Ovation Awards, FAMAS, Astaire Awards, Grammy Awards, Tony Awards, at marami pang iba. Mula sa isang pagiging That’s Entertainment baby, masasabi kong talaga namang malayo na ang narating ng isang Lea Salonga. Sa kasalukuyan ay patuloy pa rin niyang inaabot ang kanyang mga pangarap at kasama sa mga pangarap na ito ang kanyang asawa na si Robert Charles Chien at anak na si Nicole Beverly Chien.(1971-02-22)

Si Bossing

ni Charles Ryan Neil T. Perez

Filculm Entri # 3

Ang init na pumapaso sa aking balat, ang pawis na tumutulo sa aking leeg at ang nakakaantok na init na dala ng mataas na araw ay ilan lamang sa aking nagugunita kapag iniisip ko ang aking buhay noong nasa pre-school pa lamang ako. Pagkagaling sa eskuwelahan, kakain sa bahay, manunuod ng Eat Bulaga kasama ang aking tita at mga kasambahay at matutulog pagtapos na ito. Ganyan lang naman ang aking naging buhay noong maliit pa ako. Paulit-ulit na lang araw-araw. Walang sawang umuuwi ng tanghaling-tapat, pinipilit na pakainin ng aking yaya o minsan ng tita, at natutuwa kapag manunuod na ng Eat Bulaga.

Noong mga panahong iyon ay masasabi kong fan yata ako ng Eat Bulaga dahil nahawa na ako sa mga tao sa aming bahay na lagi-laging nanunuod nito. Ang alam ko lang noon ay may dalawang bida sa afternoon show na ito, si Tito Vic at si Joey. Naguguluhan ako minsan dahil sino ba ang isa pa nilang kasama, hindi ko naman kilala, iyon pala ay Tito ang pangalan nito at mali pala ang Tito Vic.

Isa si Vic Sotto sa mga taong masasabi kong napatawa ako noong bata pa ako dahil sa ngayon ay hindi na ako masyadong nanunuod ng kanyang mga palabas. Masasabi kong hindi lang siya basta artista kung hindi ay isang sikat na sikat at iniidolo ng masa pagdating sa pagpapatawa. Bukod kay Dolphy, si Vic Sotto ang isa pang taong patok sa masa pagdating sa pagpapatawa. Isa na nga rito ang kanyang sitcom na “Okay Ka, Fairy Ko!” na siya si Enteng na mayroong normal na buhay. Sa aking naaalala, si Enteng ay isang payatot na natural kang matatawa sa kanya. Isa pa ang aking naabutan na kanyang palabas ay ang 1 For 3 na ang naalala ko ay kasama niya rito si Rosanna Roces. Ganoon pa rin si Vic Sotto, patawa at nakakatawa parin. Nasundan din ito ng palabas na Daddy di do du kung saan siya ay gumanap ng tatay ng kanyang tatlong anak na ang isa ay si Danica Sotto at laging kasama sa mga palabas niya ang ilan sa kanyang mga Eat Bulaga family. Ngayon naman ay ang pinakabago niyang sitcom na Fulhaus, kung saan ganoon pa rin ang kanyang role na patawa pa rin at natural kung umarte.

Makikita nating si Vic Sotto ay isang icon pagdating sa pagpapatawa dahil hindi na niya kailangan pa ng kahit anong burloloy o palamuti upang maging katawa-tawa dahil iba ang kanyang dating. Malakas ang kanyang appeal sa masa, marahil isang factor ang kanyang pagiging mabait at mapagbigay sa mga contestants sa Eat Bulaga. Marunog siyang makibagay sa mga tao sa kanyang paligid at kahit alam nating siya ay mayaman, makikita mo at mararamdaman mo ang kanyang puso para sa mga nangangailangan. Sikat na sikat ang Laban O Bawi sa noon time show na Eat Bulaga. Kapag ako’y nga ay nanunuod noon at mayroong mga natatalo, minsan ay binibigyan ito ng sapat na halaga ni Vic Sotto kaysa sa wala o zero, ganoon siya kabait at may puso talaga. Si Vic Sotto ay mayroon ding appeal sa mga kababaihan kahit pa siya’y medyo payat. Ma-chicks at lapitin daw siya sa chicks sabi ng iilan. Kaya siguro naghiwalay din sila ng kanyang may bahay na si Dina. Bagama’t hiwalay si Vic Sotto sa kanyang asawa ay inaalagaan naman niya ang kanilang mga anak at hindi kailanman ito nagkaroon ng malaking epekto sa pagtakbo ng kanyang kareer sa telebisyon.

Sino rin ba ang makakalimot sa karera ng pagkanta ni Vic Sotto? Siyempre ay kabilang din siya sa VST & Company at nagpasikat ng mga kantang Ipagpatawad mo at Rock Baby Rock. Sa tuwing nanunuod ang mga tao sa amin noon ay napapahiyaw sila kapag kakanta si Vic Sotto ng kanilang mga paboritong kanta, lalong lalo na ang aming kasambahay. Iba nga naman talaga si Bossing, magaling na nga magpatawa, magaling pang kumanta. Higit pa rito ay isa rin siyang magaling na artista dahil nagkaroon na siya ng mga palabas na kinakailangan niyang umarte ng seryoso. Itong mga palabas na ito ay ang special episodes ng Eat Bulaga tuwing Mahal na Araw. Isa na nga rito ang palabas na “Perfect” na napanuod ko at namangha sa kanyang pag-ganap.

Sa kasalukuyan ay patok na patok pa rin si Vic Sotto, lalong-lalo na ang Enteng Kabisote movies niya. Napakagandang isipin na kahit siya ay matanda na, hindi pa rin siya nagsasawang magpasaya ng tao at ibahagi ang kanyang talento sa kapwa niya Pilipino. Siya na nga ay isang icon sa bansang ito. Mataas man siya sa tingin ng karamihan ngunit maabot pa rin siya sa oras ng pangangailangan.

wowowillie

Willie Revillame
blog #3 ni CHINO SOLIMAN

Sa pagka sikat ng mga noontime shows at variety shows ay madami nang dumaan na artista at mga komediyante na nakilala sa mga palabas na ganito. Ilan na lang ditto ay sina Tito, Vic, at Joey na sumikat na rin sa palabas na Eat Bulaga. Katapat naman ng Eat Bulaga sa channel 2 ay ang iba’t ibang klaseng noon time shows na pinapangtapat sa Eat Bulaga. Ilan na lang dito ay ang Sang Linggo nAPO sila, Magandang Tanghali Bayan at ngayon ay Wowowee na kung saan nandito ang noontime show king ng ABS CBN na si Willie Revillame.
Sa ikli ng oras nang mag simula ng pag hohost ni Willie Revillame ay sa tingin ko ay nakha na niya halos lahat ng respeto na meron ang tao kanila Tito, Vic at Joey na pinagsama sama na. Tinapatan ng ABS CBN ang trio nila Tito, Vic at Joey nang trio nila Willie Revillame, John Estrada at ni Randy Santiago. Ang pagsasama sama nilang tatlo sa noontime show na Magandang Tanghali Bayan o MTB ay ang tumulong kay Willie para masimulan ang kanyang karir na pagiging host sa isang noontime show.
Ang pagsama sama din nila sa MTB ay nag simula ng iba’t ibang kontrobersiya sa telebisyon partikular na sa noontime shows. Nagsimula ang mga pag susupinde sa kanila ng Movie and Television Review and Classification Board o MTRCB dahil sa mga nasasabi nilang malalaswa at masasamang komento sa mga kontestant nila at mga tao sa noon time show na nakikita ng publiko ng live sa telebisyon sa buong Pilipinas at dahil meron silang The Filipino Channel o TFC ay nakikita narin sa buong mundo. Sa pagsuspinde nang trio nila Willie ay nagpakita sila sa telebisyon ng umiiyak nang makita sa madlang tao para humingi ng paumanhin. Ang huli niyang pagkasuspinde ay ang akala ng maraming tao na huli nang makikita sa noontime show si Willie dahil sa pagkakataon na yoon ay natanggal narin siya sa noontime show niya na MTB. Kung saan-saan naring palabas lumabas si Willie gaya ng Willingly Yours kung saan siya tumutulong sa mga nangangailangang tao. Ang show na ito ay parang ginaya ang Wish ko Lang na katapat na show nito sa GMA 7.
Ang pagbabalik ni Willie sa noontime show ay nagbigay ng pagtataka sa madaming tao kasama na ako kung papatok o magugustuhan ba ng mga tao ang bagong noontime show na Wowowee. Madaming tao ang nagtaka kung magugustuhan ito ng tao dahil narin sa naging hindi magandang reputasyon na nabuo ni Willie sa kanyang pagiging host na nagtatapon ng mga bulgar na salita sa kanyang mga palabas na bumuo ng iba’t ibang kontrobersiya tungkol sa kanya. Ang Wowowee ang nagpakilala din sa husto kay Willie at dito pinakita ang matinong bahagi ni Willie. Kahit nahahaluan niya ng mga bulgar na salita na nabibitawan niya sa kanyang palabas ay nakokontrol parin niya ang kanyang sarili para magawang katawa tawa ang kanyang palabas ng hindi nasususpinde. Pero meron din pagkakataon na napagsasabihan siya ng MTRCB dahil insane ay sumusobra parin ang mga binibitawan niyang mga salita.
Habang tumatagal ay nadadagdagan parin ng kontrobersiya na nauugnay kay Willie kahit mag-isa na lang siya sa kanyang palabas ay napapansin parin ng mga tao ang buhay at ang ibang tao ay nasusubaybayan na niya ang buhay ni Willie Revillame dahil dito ay naging icon narin siya ng kontrobersiya gaya na lamang ng ibang mga artista. Nandiyan ang naging kontrobersiya niya sa kanyang dating kasintahan na si Liz Almoro at ang paglabas ng kanyang annulment case na kung saan ay napagbintangan siya na inaabuso niya ang dating kasintahan. Meron din ang kontrobersiya na nabuntis daw niya ang kanyang dating co-host sa Wowowee na si Janelle Jamer na noon ay nagpapangit sa kanyang pangalan dahil sa imaheng mambababae si Willie. Ang pinakamabigat na sa tingin ko na kontrobersiya na dinaanan ni Willie ay ang ULTRA stampede na kung saan madaming fans ang namatay dahil sa nangyari. Meron din ang tuloy-tuloy na siraan ng kanyang kalaban sa Eat Bulaga na si Joey de Leon at Vic Sotto na pinagbintangan siyang mandaraya sa kanyang mga palaro sa Wowowee. Tuloy tuloy lang ang mga kontrobersiya na binabato sa kanya at ang mga daan daang luha ang bumuhos sa kanyang mga mata sa harap ng kamera para malabas ang mga masasakit na pangyayari na pinagdaanan niya. Buti na lang ngayon ay sa tingin ko ay unti unting umaayos at lumilinis ang pangalan niya dahil sa pagkakabati nila ng kanyang karibal sa noontime show na si Joey de Leon, at dahan dahan ding umaangat ang karir niya at patuloy lang siyang sinosoportahan ng kanyang mga fans dahil na lamang sa pagiging una sa ratings ng kanyang palabas na Wowowee ngayon.

Kris Aquino



Nikki Cruz
Blog # 3

Kris Aquino
Ang pagiging sikat o popular ay makikita sa pagkakilala na mga tao, kung ikaw ay kilala o kinikilala ng madaming tao ikaw ay popular. Hindi natin masasabi na sikat ang isang tao kung walang nakakakilala sa kanya. Gayunpaman, hindi lahat ng mga tao na sumisikat ay tumatagal ang kasikatan sa ano mang industriya sa showbiz, sa pulitika, sa negosyo at kung saan saan pa. Masasabi natin na ang taong sikat sa matagal na panahon ay parte na ng kulturang popular.
Isa si Madonna sa mga taong hindi kumupas ang kasikatan. Hangang ngayon siya ay tinatangkilik ng mga tao. Sa bawat pagbago ng panahon si madonna ay nagbabago din ng imahe at sumusunod at bumabagay sa bagong panahon, hangang ngayon siya ay “in”. kaya naman siya ay tumatak na sa isipan ng mga tao at bahagi na ng kulturang popular.
Deal or no deal, the buzz, Boy and Kris, Wheel of Fortune ito ang ilan sa kanyang mga kasalukuyang palabas at mga naging palabas sa telebisyon na tinatangkilik ng napakaraming mga tao. Feng Shui at Sukob, eto ang mga pinakuhulin mga pelikulang pumatok sa takilya at kumita ng malaki. Goldilocks, Pantene, San Miguel, Bench at Pampers ay ilan lang sa malalaking kompanyang kanyang ineendurso. Kilalananin natin si Kristina Bernadette Cojuanco Aquino-Yap o mas kilala natin na si Kris Aquino isang TV host, aktres at isang Pop icon na kinikilala ng maraming pilipino.
Si Kris Aquino ay bunsong anak nina Ninoy Aquino, dating senador noong regimen ng Pangulong Marcos, at Cory Aquino, dating Presidente ng Pilipinas na pumalit kay Pangulong Marcos. Mula pagkabata si Kris Aquino ay kinalala ng maraming Pilipino dahil na rin sa kanyang kilalang pamilya, mula pagkabata ni Kris Aquino ito ay nakikita mula sa entamblado hangang sa telebisyon. Dahil dito sinubaybayan ng mga tao ang buhay ni Kris Aquino.
Nagsimula ang paglabas ni Kris Aquino sa telebisyon pagkatapos ng rebulosyon noong 1986. Nagsimula siya bilang panauhin sa mga telanobela, talk show at mga sitcom. At hindi nagtagal lumabas din siya sa kanyang unang pelikula kasama ni Rene Requiestas, na naging patok sa takilya at nagbigay sa kanya ng titulong “box-office queen”. Pagkatapos nagkasunod sunod na ang kanyang mga proyekto sa paggawa ng pelikula tulad ng The Fatima Buen Story at The Vizconde Massacre at di naglaan siya ay naging isang tanyag na aktres. Hindi lamang sa telebisyon at pelikula lumabas si Kris Aquino pati na din sa mga samu’t saring patalastas o advertisments sa telebisyon man o sa print. Hindi naman napabayaan ni Kris Aquino ang kanyang edukasyon at siya ay nagtapos ng Kolehiyo sa Ateneo de Manila.
Ang isang pop icon ay isang kilalang tao o sikat na tao sa kanyang panahon at mga sumunod na panahon. Ano ang meron kaya kay Kris Aquino para siya ay tawagin na isang pop icon, sa aking palagay may kinalaman ang kanyang pinaggalingan o ang kanyang “family background” at maagang paglabas o maagang pagpapakilala sa mga tao sa kanyang pagsikat na hindi kumupas hangang ngayon. Bawat galaw ni Kris Aquino ay inaalam at sinusubaybayan ng bawat pilipino. Maraming kontrobersiya ang pinagdaanan ni Kris Aquino isa na dito ang pagkakaroon niya ng anak sa kanyang dating nobyo na si Phillip Salvador. Pangalawa, ang pagkakaroon niya ng STD mula sa kanyang nobyo na si Joey Marquez; isa ito sa pinaka kontrobersyal na kontrobersiya sa kanyang buhay, pangatlo, ang pagkakaroon niya ng relasyon kay Alvin Patrimonio isang basketbolista na may asawa noong panahon noong silay ay magroon ng relasyon at ang pinakuhuling kontrobersiya ay ang pagbabae ng kanyang asawa na si James Yap. Ano mang issue ang pagdaan ni Kris Aquino nanatiling sikat at iniidolo ng marami si Kris.
Ang mga Pilipino ay mahilig sa chismis at mga kontrobersiya tungkol sa mga taong sikat. dahil dito patuloy na tinatangkilik ng mga tao ang mga artista tulad nalang ni Kris Aquino. Bilang isang babae si Kris Aquino ay isang representasyon ng isang babaeng Filipino; masilamuot ang buhay pag-ibig. Kaya naman ang mga pilipino ay patuloy na nagsusubaybay sa buhay ni kris Aquino dahil sa kanyang masamang karansan sa pag-ibig na atin na ring nakikita sa mga tela-nobela at mga pelikula. Nag silbing inspirasyon din siya sa mga single-parent na magisang nagtataguyod ng kanilang mga anak. Ano man ang katauhan ng isang artista mabait man o hindi, may itsura man o wala, patuloy na tatangkilikin ng mga pilipino ang mga artista.

Erika T. Rivera

Erika T. Rivera

Ang napili kong artista na paguusapan ay si Rodolfo Vera Quizon o "Dolphy" ang hari ng komedya. Siya unang nagsimula sa pagiging extra lamang ng mga sikat na artista. Ngunit ng siya ay makitaan ng talento ay lalo pa siyang hinasa ng direktor at siya namang nagawa. Nang aking mapanuod ang kanyang mga lumang palabas ay kung titingnan mo hindi naman ganoon na may itsura si Dolphy ngunit hangang ngaun ay nakakapagtaka kung bakit marami ding babae dumaan sa buhay niya at nagbunga rin ng maraming anak. Noong kanyang kabataan sumikat siya sa pagganap bilang isang bading na tumulong naman sa kanya para lumago ang kanyang karir.Simula noon ay nagustuhan siya ng tao at maraming bumilib sa kanya. Doon nagsimula ang mga iba't ibang palabas niya na naging katambalan pa niya sila tiya pusit, panchito, babalu, at marami pang iba. Habang lumilipas ang panahon at ang pabago-bago ng mga artista sa industriya, may mga nalalaos,meron din nananatiling sikat at meron ding laos na sisikat uli. Ngunit kapag pinagusapan ay komedya laging buhay sa isipan ng mga tao na kahit mayroon mga mas bata at mas mahusay sa pagpapatawa ay hindi parin natin maalis sa isipan natin ang hari ng komedya na si Dolphy. Naabutan ko lang at napapanood si Dolphy noong ako' bandang 12 na taon pataas dito naabutan ko ang kanyang palabas na home along da riles na lagi kong inaabangan dahil sa mga pagpapatawa nila at isa pa sa gustong-gusto ko sa palabas ay nakakapulot ka ng aral hindi lang puro patawa at lokohan. Makakapulot ka din ng mga aral kung paano maging isang mabuting anak at kung paano itrato ang kapwa mo at ang pakikisama mo sa kapwa. Sumunod ay gumawa pa siya ng napakaraming pelikula na komedya pero puro aral ang matutunan. Madalas din siya gumawa ng pelikula na pambata at sinisugurado niyang may mga mapupulot na aral ang mga batang makakapanood nito. Katulad nalang ng isang palabas na napanuod ko na kasama niya si serena delrymple na inampon niya at tinuring niyang isang anak. Di katulad ng ibang mga artista na sikat na kapag sa telebisyon lang mabait kung baga pakitang tao lang pero sa likod ay iba ang ugali pero itong si Dolphy ay isang tunay na tao kasi maharap man sa kamera o hindi kung sino talaga si Dolphy siyang makikita mo. Siya rin ay matulungin sa kapwa kaya't maraming nagiidolo sa kanya at humahanga. Siguro sa pagiging mabuting tao niya kaya siya ay pinagpapala ng Diyos, nabigyan ng mga anak na mababait ang mga tipong propesyonal na at hangang ngayon na siya 80 taon na ay tuloy tuloy parin dumadating ang kanyag mga proyekto at marami paring umiidolo sa kanya. Nakikita ko rin na ang mga anak niya ang magiging paraan upangkahit mawala na siya ay mananatili parin ito sa indutriya at mananatili parin ang mga magagandang ginagawa niya sa atin. At sa aking nakikita ay ang mga anak niya ang susunod sa yakap ng isang pagiging dakilang komidyante. Si Dolphy rin ay maituturing isang tunay na kaibigan walang pinipiling oras basta't kailngan mo siya nandyan siya lagiupang tumulong. Sa kamakailan lang ay ginanap angkanyang ika 80 taon at doon nagkaroon ng palabas ipinakita din doon ang mga magagandang alaala ni Dolphy. Dumalo din ang lahat ng mga artistang kaibigan niya at mga ka industriya. Nandoon din ang mga anak niya at asawa. Dumalo din ang head ng abs na xi Charo Santos Consio at si Mr. Lopez. Si Dolphy ay itinuring isang dakilang artista na kahit kailan ay hinding- hindi natin makakalimutan.

Si Juday ng Pilipinas

ni Joanna Marie P. Becong

Entri # 3

Noong ako ay bata pa isinalang sa aking utak at ipinakilala sa akin ang artistang si Judy Anne Santos. Ang dahilan nito ay ang pinsan na nag-aalaga sa akin noong ako ay bata pa. Siya ay “fan-na-fan” ni Juday, na halos lahat na yata ng kanyang palabas ay pinapanood niya. Gabi-gabi ay naaalala ko ang panonood ng Mara Clara. Palagi niya kaming sinasama ng ate ko sa kanyang panonood ng sine at may isang araw pa nga na bumili kami ng mga posters ni Juday at isinabit sa pintuan namin sa bahay. Nang lumaon ay nakita ko ang aking sarili na isa na rin yata akong fan ni Juday. Katulad ng aking pinsan, nanood na rin ako ng Esperanza, mga guestings niya sa telebisyon, pakikinig sa mga tsismis tungkol sa kanyang buhay at ang pag-aabang na rin ng mga susunod pa niyang pelikula. Kung tutuusin naramdaman ko na isa na rin akong Juday fan.

Hindi ko rin naman masisisi ang pinsan ko kasi nagustuhan ko rin naman ang mga palabas ni Juday at ang katangiang kanyang ipinapakita bilang artista. Hinahangaan ko siya sa kanya pag-iyak at mabilis na pagtulo ng kanyang luha. Noon nga ay iniisip namin saan kaya niya nakukuha ang mga luhang iyon ng ganoon kabilis?; baka sibuyas o tubig lang iyon. Inaamin ko na noong una ay ayoko sa kanya kasi kapag pinapanood ko siya palagi na lang siyang inaapi at pinapaiyak sa mga palabas niya. Naiinis ako kasi lagi siyang umiiyak, lagi siyang mahirap at nagdudusa at kung anu-ano pang kalupitan mayroong handog sa kanya ang kapalaran. Sa matagal na panonood sa kanya na ganoon siya sa harap ng mga manonood naisip ko bakit kaya hindi ko pa siyang napanood na siya ay isang mayaman o siya ang nang-aapi sa mga tao? Bakit kailangan siya lagi ang inaapi sa harap ng kanyang manonood at siya dapat lagi ang kinakaawaan.

Ang imahe ni Juday sa madla ay isang instrumento para siya ay magustuhan. Ang imahe na siya ang mabait at kawawa ang naging daan para siya ay kaawaan din ng mga tao; at bilang resulta ng kanilang awa sa kanya, tinatangkilik lalo ng mga tao ang mga produkto ng kanyang pag-arte. Si Juday ang nagrerepresenta sa mga taong mahihirap at nakakaranas ng mga mabibigat na problema na kinakarap nila sa kanilang pamumuhay. Halos lahat ng kanyang mga palabas ay lumalabas siyang mahirap na nilalang, nawalan ng magulang, namatayan, iniwan ng minamahal, magmamahal ng mayaman o kaibigan, sasaktan, maghihiganti sa mga nang-aapi sa kanya, yayaman, mamumuhay ng masaya sa dulo ng palabas at sa huli ang simpatsa ng mga tao ay nasa sa kanya. Ang imahe na ito ang laging nagugustuhan ng mga tao sa palabas sapagkat karamihan sa atin ay naniniwala na katulad ng babaeng mahirap sa telebisyon o pelikula, kaya rin natin malagpasan ang mga kalupitan mayroon ang ating buhay at mamumuhay rin tayo ng masagana at maaliwalas sa huli ng lahat. Ang mga ganitong palabas ni Juday ang nagbubukas ng isipan ng mga manonood na magiging ganoon din ang buhay nila katulad ng kay Juday sa mga palabas. Sa tingin nila ay nararamdaman din nila ang hirap at pagdudusa ni Juday kaya’t pinipili nilang tangkilikin si Juday. Marami siyang naging fans sapagkat mabait at positibo ang imahe na ipinapakita niya sa mga tao. Walang baho na inilalabas sa kanya sapagkat napanatili niya ang kagandahan ng imahe na kanyang sinimulan sa pag-arte.

Ang imahe na ito ay hindi lamang nakatulong sa kanyang pag-unlad bilang aktres, ngunit nakatulong din ito sa pagbibigay ng respeto sa kanya ng mga tao. Ang kanyang kasikatan ang naging repleksyon ng paniniwala at pagrespeto sa kanya ng mga tao. Nagustuhan nila si Juday hindi lamang sa galing niya sa pag-arte, ngunit pati rin sa ugaling ipinapakita at ipanapaniwala niya sa atin na mayroon siya. Hindi nga naman natin siya masisi na gumagawa ng masama, sapagkat wala nga namang nagsusulat ng kanyang baho o mga skandalo tungkol sa kanya. Kung mayroon man, ito ay tungkol lamang sa pang-iintriga tungkol sa kanyang buhay pag-ibig.

Masasabi kong naging malaking tulong sa relasyon nila ni Ryan Agoncillo ang imaheng mayroon si Juday sa mga tao. Sa kanyang kasikatan ay nakilala pa lalo si Ryan Agoncillo sa kanyang talento sa pag-arte. Sinama ni Juday si Ryan sa kanyang kasikatan at iyon ay nakatulong din ng malaki sa kasikatan mayroon si Ryan ngayon. Naging patok ang kanilang tamabalan pati ang kanilang totoong relasyon sa mga tao dahil sa mata ng mga tao ay, “Ang babaeng aming sinubaybayan ay naging matagumpay hindi lamang sa kanyang trabaho, nakuha pa niya ang kaligayahang para sa kanya.”

24/7 AT PAGLIKHA NG SOMNAMBULISTANG NILALANG

RAMOS, JOYCE ANNE F.
10613374/ AB-PHM

Noong una ay inakala ko na iyong artikulo na naibigay sa akin upang bigyan ng reaksyon ay tungkol sa mga serbisyong alok ng Sun 24/7. Inakala ko din na tatalakayin ng artikulo iyong mga implikasyon dulot ng nasabing linya ng telepono. Maling akala pala ang lahat ng iyon bagamat maaaring namang iugnay ang nilalaman ng artikulo sa aking mga naisip.

Ang nasabing artikulo ay tungkol sa iba’t ibang mga bagay na may kaugnayan sa walang tigil na siklo sa buhay ng maraming Pilipino. Tinatalakay nito kung paanong parang kabute nagsulputan at patuloy na nagsusulputan ang napakaraming establisimiyento sa Pilipinas, partikular na sa Metro Manila. Ilan sa mga nabanggit ay ang Jollibee, McDonald’s, Chowking, Mercury Drugstore, Mini Stop, Starbucks, mga ospital, call centers, at marami pang iba. Masasabi ko na ang lahat ng mga ito ay napuntahan at napasukan ko na. Sa unang tingin ay mukhang ordinaryo nga ang mga establisimiyentong ito at hindi gaanong naiiba sa iba pang mga gusaling katabi. Ang lahat ng ito ay totoo maliban na lamang sa pagsapit ng gabi. Ang sunud-sunod na pagbukas ng mga ilaw sa gabi ang magpapatunay na may pinagkaiba nga ang mga ito. Makikitang halos sarado na lahat ng uri ng negosyo pagsapit ng gabi maliban na lamang sa mga ito. Bakit nga ba? Ito ay dahil sa lumalaganap na phenomenon ng 24/7 o iyong walang sawang pagbibigay serbisyo ng mga kumpanya sa kanilang mga patron o mamimili.

Sa aking palagay, hindi pa man lumalaganap ang konsepto ng 24/7 ay marapat lamang na bukas 24 oras ang mga ospital at botika katulad ng Mercury Drugstore. Hindi dapat hinahayaang masaalang-ala ang kalusugan, kaligtasan, at kalagayan ng mga pasyente sa isang partikular na ospital at maging ng nakararaming mga mamamayan. Sa kasalukuyan ay lalong mas hinihikayat na hindi magsasara ang mga ito. Lalo pa ngayon na halos hindi na maiwas-iwasan ang mga aksidenteng nagaganap sa paligid. Ito ay dahil na rin sa hindi maubos-ubos na bilang ng tao sa kaliwa’t kanang bahagi ng mga kalsada. Gaya ng dati ay nandyan pa rin ang mga tindero at tindera ng balot, penoy, isaw, IUD, at marami pang inihaw na laman loob ng baboy at manok. Mas lalo pa nga silang dumami at ngayon ay may nadagdag pa sa kanilang mga paninda. Nauuso na nga din ang mga de kariton na lakuan ng mami at goto sa gilid-gilid ng mga kalsada. Noon ay maaaring mga may kaugnayan sa prostitusyon lamang ang pangunahing parokyano ng ganitong klase ng mga maliliit na negosyo. Ngunit ngayon pati ang mga drayber ng dyip, traysikel, pulis, at maging mga propesyunal ay tumatangkilik na rin sa mga pagkaing inihahain ng ganitong mga kainan.

Ang pagiging in-demand ng mga call centers sa buong mundo ay hindi nakaiwas sa Pilipinas. Napakabilis ng pagkakatatag ng mga naglalakihan at mangilan-ngilang mga malilit na gusali sa Makati, Ortigas, Quezon City, at sa iba pang mga industriyalisadong lugar sa bansa. Ang penomenong likha nito ay tila isang sibat na pinana sa isipan ng napakaraming mamamayan lalong lalo na iyong mga magtatapos pa lamang sa pag-aaral at nagbabalak na makapagtrabaho agad. Magmula ng magsimula ang industriya ng mga call center sa bansa ay halos ninais na rin ng lahat ang makapagtrabaho sa mga kumpanyang ito na pagmamay-ari naman ng mga banyaga. Sino nga ba naman ang magdadalawang isip pa sa pag-aaplay sa isang call center? Ang pangarap na malaking sweldo ay madaling maiipon mula sa pagsagot lamang sa tawag ng iba. Ganun na nga lang nga ba kadali ang pagiging isang call center agent? Naaalala ko noong nagkwentuhan kami ng aking kapatid tungkol sa trabaho. Napag-usapan kasi namin kung ano ang maaari kong maging trabaho pagkatapos kong mag-aral sa kolehiyo. Abogado na siya ngayon ngunit noong mga panahong iyon ay nagtatrabaho pa lamang siya sa isang call center. Inamin niya sa akin na sa kabila ng napakadaming bilang na nagnanais kumita sa isang call center, ay hindi niya iyon ginusto. Kaya lamang siya nagtrabaho doon ay dahil iyon ang pinakamadaling pasukan na trabaho dahil kahit high school graduate ka pa lamang ay posible ka ng matanggap sa kumpanya. Gusto lamang niya kumita habang naghihintay sa resulta ng kanilang bar exam. Kung sweldo lang daw ang pag-uusapan ay wala siyang naging reklamo mula sa pagtatrabaho doon ngunit ang epekto ng ganitong klaseng trabaho ang pinaka-kinaaayawan niya. Nakakabagot daw ang ganoong uri ng trabaho. Maaaring sa umpisa ay mawiwili ka sa pagsagot at pakikipag-usap sa mga tumatawag ngunit hindi maglalaon at paulit-ulit na lamang ang iyong ginagawa. Masama pa dito ay sa pagtapos ng iyong trabaho sa isang gabi ay masasabi mong halos walang gaanong katuturan ang iyong nagawa. Pinaka natatandaan kong sinabi niya ay “…kung ayaw mong ma-bobo, wag kang pumasok sa call center.” Ito ang isa sa pinaka inayawan ng kuya ko mula sa pagtatrabaho sa isang call center. Sabi pa niya na kung hindi ako marunong makipaglaban sa antok at kung maikli ang aking pasensya ay hindi ako nababagay sa ganitong uri ng trabaho. Antok at nakakabwisit na pangungulit at pangungutya daw ng mga banyaga ang pinakamatinding kalaban ng isang agent. Hindi maiiwasang mapasailalim ka sa pagdidiskrimina ng mga banyaga lalo na kung malalaman nilang hindi na nila kalahi o kauri.

Maaaring ang mga call center na ito ang isa sa mga naging dahilan kung bakit nagsilipana ang napakadaming kainan, convenience store, at kapihan sa paligid. Minsan ay napapaisip ako kung talaga nga bang nakakapagpagising ng inaantok na mga mata ang kape sa mga kilalang coffee shop o dahil kagising-gising nga naman ang presyo ng kanilang mga produkto tulad na lamang ng sa Starbucks at Seattle’s Best. Ang mga kapihang ito ang karaniwang bukas nang 24/7 malapit sa mga call center.

Nakalulungkot isipin na sa kabila ng inaakalang ginhawa na mararanasan mula sa mga serbisyong dulot ng mga 24/7 na establisimiyento ay tila negatibong epekto ang mas tumatalab sa pamumuhay nating mga Pilipino. Sa mga 24/7 drive-thru ng mga fastfood chain ay mas nahihikayat tayo na kumain ng mga produktong punung-puno ng trans fat at preservative. Ang pagkasanay sa ganito, kahit kalian man ay hindi makakabuti sa ating kalusugan. Nakalulungkot din na sa call center pinapangarap ng nakararami na makapagtrabaho. Hindi sa taliwas ako sa pamamalakad ng mga call center ngunit tila hindi na tayo makakabangon sa ating pamumuhay nang hindi nagsisilbi sa mga mapagsamantalang banyaga.

Tara! biyahe tayo!



Nikki Cruz

Blog #2

Tara! Biyahe tayo!

Roadtrip at biyaheng kawalan-hangan

“Mahalaga ang biyahe, hindi ang destinasyon” ito ang sinabi ng awtor sa artikulong aking nabasa tungkol sa kaniyang ib’t ibang biyahe sa iba’t ibang destinasyon sa pilipinas. Sinabi niya na sa bawat binabyahe ng tao, ang kahirapan ng bansa ang nakikita nito. Sa aking palagay totoo naman na ang kahirapan an gating nakikita pag tayo ay bumabiyahe. Pag ikaw nga ay isang turista mula sa ibang bansa ang unang tanawin na iyong makikita ay ang “Squatter’s Area” na sa hipapawid pa lamang ay makikita mo na at sa paglabas mo ng terminal ng paliparan sa daan matatanaw mo ang mga mahihirap sa iyong dadaanan mula sa paliparan. Noong dumating nga ang Presidente na si George Bush ay ginastusan ng ating gobyerno ang pagtatakip o paglalagay ng magagandang pader sa paligid ng “Squatter’s Area” upang hindi daw masagwang tingnan. Na sa aking palagay ay tama naman kasi nakakahiya sa ating mga bisita mula sa ibang bansa hindi lamang ang Presidente ng Amerika pati na din ang mga normal na turista hindi lamang mula sa Amerika, Europa pati na din ang mga kapitbahay nating bansa sa asya. Parang ginagawa natin sa ating mga bahay pag tayo ay may dadating na bisita, di tayo mapapakali ayusin at linisin an gating bahay upang maging presentable ito sa ating mga bisita, pati mga kubyertos, plato at anu pa ilalabas natin ito sa mga maalikabok na mga aparador na na-mana natin sa ating mga lola at ito ay papagamit ito sa ating mga bisita.

Mabalik tayo sa pagbabiyahe, mula bata pa lang ako sabik ako sa mga biyahe-biyahe sino man ang kasama ko. Pamilya, kaibigan, kamaganak o sino pa pero lalu na pag kasama mo ang iyong mga kaibigan nakakasabik talaga. Isa nga sa aking mga pangarap ang makasama ang aking buong barkada sa ano mang bansa kahit hongkong man lang at magkakalat kami ng lagim sa bansang iyon, saya! At ang Masaya dito ay ang mismong biyahe at syempre ang mga outing-outing kung saan saan, kung anu man ang papatutugtugin ninyo habang sa biyahe, mga tawanan, sigawan, tiliian at kung anu-anu pa! ibang kasiyahan ang binibigay sa atin nang pagbabiyahe at ang kasiyahan sa destinasyon na ating pupuntahan. Ang ating pagiging turista sa ating bansa ay sinasabi nilang nakakabuti para sa pagunlad ng ating bansa, na kahit ang ating gobyerno ay hinihikayat ang ating pagiging turista sa ating bansa na kaya naman pag may holiday sa isang linggo ay inililipat ito ng lunes upang mapahaba ang weekend at magkaroon an gating mga kababayan ng mahabang araw ng pahpapahinga at upang madagdagan ang oras upang ating malibut ang anumang tourist spot sa ating bansa. Pero hindi lahat ng tao tuwing may ganitong holiday ay nagkakaroon ng pagkakataon magbakasyon, pero hindi naman sa kaylangan mapadpad ka sa malalayong lugar upang ikaw ay makapag “tour” sa sariling bayan. Mayroon naming mga parke at kung anu-anu pang lugar na mapapasyalan sa ating mga syudad sa Metro Manila. Andyan ang luneta, baywalk at kung anu-anu park sa maynila kasama narin diyan ang Manila Zoo. Ang Quezon City circle sa lungsod ng Quezon. Ang malabon Zoo sa malabon. At kung anu-anu pa.

Pero gaya nga nang sabi ng awtor ng artikulo na aking nabasa di kaylangan umalis ng bahay upang maging isang turista. Pwedeng i-enjoy ang magagandang tourist spot sa ating mga sopa sa bahay sa panonood ng mga travel and destination shows. Pero hindi lamang sa mga ganitong palabas tayo pwede mag enjoy andyan na rin ang mga pelikulang Pilipino na may temang “buhay OFW” sa pamamasyal sa ating mga telebisyon. Ang mga pelikulang gaya ng Milan, Dubai at kung anu-anu pa ay ating mararamdaman ang pagiging turista maging sa ibang bansa. Ayon nga kay Alvin Yapan mayroong siyang tinatawag na “Matang Turista” na dahil sa ating mga pinapanood na mga ganitong palabas tayo ay parang pumapasok sa kakaibang pamamasyal o nararamdaman natin ang ating pagiging Turista. Pero paano kung wala kang telebisyon o pambayad sa sinehan? Eh di wala, hindi mo mararanasan ang pagiging turista sa pamamagitan ng telebisyon. Kahirapan pa din ang makikita natin sa eksang ito, na pati sa murang pagbabiyahe ay mayroon pa din mga tao na hindi kaya ito.

Ang ating pagbabiyahe ay isang pagtakas sa ating normal na ginagawa sa pang araw-araw, isang bakasyon sa nakakapagod na pagaaral o pagtatrabaho. Pero mayroon din naming pagbabiyahe na upang takasan o magbakasyon sa pagaaral o pagtatrabaho. Pwede rin naman na ikaw ay babiyahe dahil sa iyong trabaho o dahil sa isang requirement sa eskwela. Gaya na rin ng trabaho ng isang Flight attendant, trabaho niya ang bumiyahe at trabaho niya siguraduhin ang pagiging ligtas at maayos na pagbabiyahe ng mga pasahero. Kaya naman ang trabaong ito ang aking pinapangarap dahil sa aking hilig sa pagbabiyahe.

May iba’t ibang pagbabiyahe may biyaheng bakasyon, biyaheng trabaho, biyaheng pangkabuhayan at kung anu anu pang biyahe. Pero patuloy ang ating biyahe laban sa kahirapan patuloy na ating tinatahak ang pagbabiyahe sa lubak-lubak na daan ng buhay hangat marating natin ang maluwag, patag at magandang pagbibiyahe sa magandang highway ng ating buhay. :)

Pagluluksa

Erika T. Rivera

Ang napili kong artikulo ay medyo nakakalito nung una sapagkat ang akala ko ay tungkol ito sa pagluluksa para sa mga yumaong mahal sa buhay ng isang tao, ngunit iba pala. Pero medyo may kinalaman din ito sa pagkamatay ng mga taong may kinalaman o relasyon sa iyo. Maaring naging kaibigan mo, nakausap mo lang, o nakasama mo sa isang lugar, o isang taong nakapekto sa buhay sa isang paraan o maraming paraan. Marami palang aspeto ang pagluluksa ng isang tao. Kung iisipin mo and dapat na matagal ipagluksa ay ang mga mahal mo lng sa buhay o mga kamaganak mo. Sa kabilang banda may mga tao palang mataagl maapektohan sa pagkamatay ng isang taong hindi mo naman kamaganak.

Sa totoo lang, talaga palang makabuluhan ang artikulong napili ko dahil ang pinaguusapan ditto ay ang panahon ng dikdadoryang Marcos kung saan ang dalawang sikat na guro, manunulat at intelektuwal na sina Rene Villanueva at Monico Atienza na talagang sikat at tanyag nung kapanahunan nila dahil sa tapang at lakas ng loob nila. Sila ung mga tipo na tao na walang kinakatakutan, walang kinikilingan basta lamang maisulat at maipahayag ang mga katotohanan para sa akin ang ganitong klase ng mga tao ay dapat hangaan, sapagkat may sarili silang paninindigan. Ang dalawang taong ito ay namatay sa panahon ni Marcos dahil sa pagiging tapat nila sa serbisyo sa taong bayan, sa kanilang mga istudyante. At marahil hindi sila sangayon sa pamamamalakad ng administrasyon kaya tinitira nila ang kabulukan ng administrasyong Marcos. Hay grabe naman talaga ang panahong iyon talagang napakaraming namatay, pinaslang at napinsala noon lalong-lalo na ang mga mamahayag, journalist na naguulat at nagsasabi ng katotohanan. Ang gusto kasi ni Marcos ang lahat ay manahimik at sumangayon sa pamamahala niya o kung hindi naman ay dapat ang balitang ilalabas noon ay ang mga makakabuti o papanig sa kanyang administrasyon. Buti nalang talaga hindi pa ako buhay noong panahong ito kasi baka hindi kayanin ng powers ko ang mga ganitong sitwasyon. Hahahaha…. Ay teka naalala ko tuloy bigla na noong kinikuha ko ang kursong Filjorn nabasa ko ang librong “ STAYING ALIVE” ang nilalaman nito ay ang mga tips kung papaano makakapaguingat ang isang reporter o journalist. At nakalahad din ditto ang isang table na nakasulat ang mga pangalan ng mga reporters na bigla nalang nawawala noong panahon ni Marcos. Ito ay isang magandang libro at napakaraming matututunan ditto at masarap basahin.

Mabalik nga naman tayo sa artikulo, sina Monico at Rene ay mga kilalalang gur din noon sa UP, na nakapagiwan ng matinding marka at bakas sa mga taong nakahalubilo at nakasama nila na talagang nagluluksa at naapektohan. Ang pagluluksa ng mga taong ito ay tumatagal sapagkat naihahambing nila ang sariling buhay sa buhay ng mga yumao. Tulad nalang ng mga bagay na nagawa at hindi nagawa ng yumao sa di maiiwasan naihahambing ng tao ang sarili nilang buhay at karanasan sa pagluluksa. Sa kabilang banda ang yumaong tao na tulad nila Rene ay nakakatulong makapagparealize sa mga naiwan na ilang bagay na hindi pa nila lubusang naiisip dati. At talaga naming hindi mo maiiwasan ang pagiisip sa mga nagawa ng mga taong ito para sa iyo, sa kapwa mo, at sa bayan, kaya’t minsan maikokompera mo ang sarili mo sa kanila.

Gloria Disease o Wala Lang Ibang Masisi?

ni Joanna Marie P. Becong

Blog Entri #2

Sa mga panahon ngayon patuloy ang pagdami ng mga iba’t ibang artikulo tungkol sa ating pangulong si Gloria Macapagal-Arroyo. Patuloy ang mga walang tigil na pag-aakusa sa kanya at paninisi na siya ang dahilan ngayon ng kahirapan ng ating bansa. Maraming dyaryo ang naglalabas ng kanyang napakagintong pangalan; sa seksyon ng editoryal, hedlayn, dyoks at kung ano pa mang bahagi ng dyaryo mayroon.

Hindi naman natin masisi rin ang mga manunulat na ito sapagkat sila naman ay naglalabas lamang ng kanilang mga saloobin tungkol sa pangulo at dala na rin ng mga hindi kanais-nais na mga pangyayaring dumadaloy sa ating bansa. Kung hindi sila nagpapamulat ng mga mata ng tao tungkol sa baho ng ating pangulo(kung mayroon man o wala), sila ay malakas lang talaga ang loob na tumayo at sabihin ang kanilang ninanais sa mga nakikita nilang hindi akma para sa ating mga mamayan.

Aaminin ko na hindi ko gusto ang ating pangulong si GMA. Noong una ay hindi ko alam kung bakit at paano ako nagkaroon ng pagka-ayaw sa ating pangulo. Kung tutuusin ay nahawa lang ako noon sa mga nakikita at nababalitaan ko sa mga balita. Ayaw ko sa kanya kasi siya ay isang “corrupt” na politiko ng ating bansa. Sabi kasi nila kaya ganoon na rin ang pananaw ko. Pero nang tanungin ko ang aking sarili, dahil nga lang ba sa narinig ko na “corupt” siya kaya ayaw ko sa kanya? Kasi kung iyon lang ang dahilan ko at wala namang ibang basehan, napaka walang kwenta naman ng dahilan ko kasi wala namang kalaliman ang dahilan na sinabi ko. Ngunit nang tumagal at mas marami na akong natutunan sa ating pangulo at mas lalo rin ako nakarinig ng iba’t ibang klaseng akusasyon sa kanyang pangalan, nagkaroon ako ng pagkakataong patunayan ang pagka-ayaw ko sa kanya.

Kung ating tiitingnan at babalikan, marami nang naging skandalo at akusasyon na ibinato sa mukha ng ating pangulo. Ang ilan sa mga naalala ko ay ang kanyang pandaraya sa eleksyon noon ng pagkapresidente niya. Ang skandalong napakapatok noon sa mga ringtones ng cellphone natin na “Hello Garci”. Naging napakalaking usapin ang isyung ito noon sapagkat biruin mo naman ang pangulo natin ay nandaya sa eleksyon at iyon ay hindi makatarungan. Nandaya na nga siya hindi pa niya nagawang ligpitin o itago man lang ang maaring maging ebidensya. Ang usaping ZTE deal na kaangkop pa si Jun Lozada na naging malaking pasabog sa pagkadumi pa lalo ng pangalan ng ating pangulo. Ang pagsasalita ni Jun Lozada bilang isang testigo ang nagpaalog ng katayuan o posisyon mayroon ang pangulo at nagkaroon pa lalo ng pagsigaw at pagtapon ng masasamang salita ng taong bayan sa kanya. Naaalala niyo ba ang mga ilang naganap na pagbobomba sa Makati at ang pagsabog ng Glorietta mall? Sabi nila hindi daw iyon bomba at gas lamang ang dahilan ngunit ang iba naman ay nagsususpetsa talaga na iyon ay isang planadong pagbobomba. May narinig nga akong mga akusasyon na baka daw si GMA na naman ang may kagagawan noon, sapagkat mga ilang araw ata ang lumipas ay siya ay pumunta sa Glorietta para lamang ipamukha sa atin na wala ng dapat ipangamba pa. Naaalala niyo rin siguro ang ibang mga rallies at protesta na “inialay” ng mga tao para lamang bumaba na sa posisyon itong si GMA.

Kung atin ngang papansinin paulit-ulit na lamang ang mga nangyayari ngayon. Oo nga, may mga skandalo at akusasyon, papasabugin ang balitang ng ilang lingo o buwan, tapos ano na? Bigla na lamang ding makakalimutan at para bang walang nangyari. Ang mga ilan sa isyung nabangit ko kanina ay halos wala rin namang napatunguhan. Oo may nangyari kahit papaano pero anong ginagawa ni GMA at nasa Malacañang pa rin siya?

Sige sabihin na natin kaya niyang lagpasan ang mga skandalong pilit nating ipinapahid sa balat niya, sa ayaw at sa gusto natin siya pa rin naman ang nagwawagi at ang masa pa rin ang nagdurusa. Alam ko na sobra naman siguro kung puro siya na lang ang sisihin natin kasi malay natin inosente naman pala talaga si GMA. Pero ayoko ng maging plastik pa, kasi siya lang naman talaga ang gusto kong sisihin at wala ng iba. Bakit? Kasi hindi pa ba sapat ang nangyayari ngayon sa ating bansa? Sige, alam kong matagal ng pabagsak ng pabagsak ang ekonomiya ng ating bansa, pero syempre kahit naman siguro papaano ay mareresolbahan niya ang ilan sa mga ito at hindi siya magdadagdag sa problema.

Sabi sa artikulo na aking nabasa ay wala nga daw kwenta ang ating pangulo. Wala siyang alam gawin kundi magtago sa loob ng Malacañang at sabihing “I’m sorry”. Kung titingnan daw natin ngayon ay walang pag-asensong niyayakap ang ating bansa. Katulad na lamang ng krisis sa bigas at kahit nagkaroon nga ng libreng bigas mababa naman ang kalidad. Ang isyu sa meralco na tayo daw pala ang nagbabayad ng mga ninakaw na kuryente. Ang paglubog ng MV Princess na kaya daw baka ito lumubog ay para lamang makita ng tao kung paano niya pakikinabangan ang insidenteng ito para makita ng tao ang kanyang simpatsya.

Sabi rin sa artikulo ay pinapamukha at pinapapaniwala lang nga daw niya tayo na maunlad at nasa mabuting mga kamay ang ating bansa. Ngunit ang totoo naman daw ay hindi. Noong una ay nag-isip ako kung tama ba ito. Sa aking palagay ay oo, kasi oo nga naman mukha bang maunlad ang ating bansa sa pag-upo ni GMA? Hindi kaya! Simula nang umupo siya at namahala puro na lang reklamo ang mga tao. Sa mga SONA na ibinigay niya, para namang walang nangyari. Sige aaminin ko kahit siguro papaano nagkaroon ng epekto ang mga isinagawa niyang mga programa at mga pangako niya sa mga SONA niya. Pero bakit ganito pa rin tayo?

Patuloy nga ang papoprotesta, patuloy rin naman ang mga balak ni GMA na masama man o hindi, hindi naman nakakatulong sa pagtigil na pagdagsa ng problemang nakaangkop sa bansang Pilipinas. May kinalaman man ang tao sa ilang pagbagsak ng bansa, hindi pa rin mapapantayan ang ilang mga pangyayari at problemang kagagawan ng ating pangulo.

Hubad

Pornograpiya sa Pilipinas at Japan
Chino Soliman

Pornograpiya sa Pilipinas at Japan

Ang pornograpiya sa ating bansa kumpara sa pornograpiya ng bansang Japan ay malayong-malayo kung iyong papansinin ayon sa artikulo. Malawak ang pornograpiya ng Japan sa market at sa sinasabing tradisyon. Sa tingin ko ay dahil na rin sa pagiging isang mahigpit na katoliko at isang religious na bansa ang Pilipinas kaya nagkakaroon ng sinasabing magkaibang tradisyon. Dahil nga raw ang bansang Japan ay may hard-core na porn katumbas ng sa ating bansa na ang porn ay masyadong konserbatibo na halos ayaw magpakita ng ari pati ang dibdib na parte ng babae sa palabas.

Sa ating bansa kahit hindi lumalabas sa mga sinehan ang mga pornograpiya ay lumalabas din ito at medaling makita ng mga tao sa paraan ng mga DVDs at ang pagdownload lang ng mga porno sa internet. Isang halimbawa na lang ang lumalabas sa internet na mga scandals ng iba’t ibang tao na kadalasan ay nanggagaling sa mga estudyante ng kolehiyo. Tulad na lang ng La Salle scandal na naging kilala sa madaming tao.

Kadalasang nakikita ang mga DVD sa bangketa lang at madali lang mabili dahil sa mga nagkokomyut na tao ay kadalasang nadadaanan lang sa kalye. Madali rin itong mabili dahil sa mura lang ito. Sikat na sikat sa mga tao ang mga porno sa DVD na sinabi nga sa artikulo na pinapanood pa ng mga tao ito ng mahina ang volume o tunog sa telebisyon para hindi marinig ng ibang tao na madalas ginagawa ng mga tao. Gaya din ng sabi sa artikulo, iba-ibang klase din ang porno na nakikita gaya ng rape, gang rape, incest, bondage, molestasyon, sexual harassment at iba pa. Kadalasang pinapakita ito sa ibang bansa at para sa akin kahit papaano ay mabuti na lang na walang ganitong mga klase ng pornograpiya na umiiral sa ating bansa (sa aking pagkakaalam) dahil kakaiba na talaga at hindi tama para sa ating isipan ang may ganitong klaseng porno na pinapakita sa mga tao.

Hindi lang mga ganitong klaseng kakaibang mga klase ng porno ang meron tayo. Masaya man ako na kahit papaano ay wala dito sa Pilipinas ang mga rape, gang rape, incest, bondage, molestasyon, sexual harassment na klase ng porno ay meron namang isang mas nakakalungkot na klase ng porno na sa tingin ko ay meron ang halos lahat ng bansa na merong porno na ang child pornography.

Nabalita na ang Pilipinas ay isang bansa na mataas ang child molestation rate kaya nakakalungkot isipin na hindi nating maiiwasan na meron talagang magkakaroon na ganito. Sa balita ay kadalasang ang nahuhuling child molester ay mga foreigner na pinapatulan ang mga bata maging lalake man ito o babae. Nakakalungkot isipin din na kahit nakikita na ito ng mga tao ay parang walang nagagawa ang mga tao para mapigilan ito dahil saa kakulangan ng batas sa pagbawal ng ganitong pangyayari.

Gaya ng sabi sa artikulo, nakikita man na ang paglaganap ng porno sa ating lipunan ay halos wala parin nagagawa ang mga tao sa pagbawal at pagbawas ng mga pangyayaring ganito na para sa akin ay nakakalungkot isipin na umiiral ito sa ating lipunan. Gaya na rin ng sinabi na hindi nahuhuli ang mga nagbebenta ng porno dahil nagbebenta sila ng porno kundi hinuhuli ang mga ito dahil nagbebenta sila ng napiratang DVD. Para sa akin ay mali ito at dapat gawan na ng batas nang pagbawal sa mga tao ng pagbenta o pag endorso sa mga tao manood ng pornograpiya. Mapang sarili man isipin, nanonood ako ng porno na gawang ibang bansa pero ayoko ng nakakakita ng porno ng mga Pilipino at ayoko meron ng porno ng mga Pilipino dahil para sakin ang pagtingin pa lang satin ng mga Amerikano bilang mababang klaseng tao, nadadagdagan pa ang pagkababa ng tingin nila sa atin at nakakalungkot lang talaga isipin na parnag nakakawawa din ang mga Pilipino.

Sa pagkumpara ng dalawang pornograpiya ng dalawang bansa, ang dating ng pornograpiya natin kumpara sa pornograpiya sa Japan ay parang kissing scene lang sa isang pelikula ang pornograpiya natin na para sa akin ay mabuti narin na nakikita dito na kahit papaano ay hindi talaga laganap ang pornograpiya sa ating bansa. Sa atin ay hindi raw pinapakita ang mga ari ng babae sa Japan naman ay pinapakita naman pero pinepixelate lang para malabo dahil sinasabi na pinagbabawal ang makita ang bulbol sa kanila pero ang mga gingawa naman ng mga tao ay hard-core sex. Sa Pilipinas ay pinapakita ang pagtatalik at ang malaswang pag galaw lang ng mga tao pero hindi ang pagpapakita ng aktwal na sex na may lumalabas at pumapasok.

Di gaya ng pornograpiya sa ating bansa, sa Japan ay nagkakaroon din ng tinatawag na AV stars o idols o ang mga JAV na mga tinuturing na porn stars ng Japanese o ang Japanese porn. Ilan sa mga kilala na Japanese porn stars ay sina Maria Ozawa, Sora Aoi at marami pang iba. Di gaya ng sa kanila, ang mga “porn stars” natin ay mga di kilala na tao na nasasama lang sa mga scandals o sa mga bomba films natin na hindi kilala gaya ng sa Japanese. Hindi man madami o sikat ang mga bomba films ay bumabawi naman ang Pilipinas sa mga prostitusyon kung saan na parang nakikipag karera ang ating bansa sa ibang bansa sa padamihan ng prostitute sa iba pang bansa. Isang rason din ito kaya nasasabihan tayo na nageexport ng tao sa ibang bansa na isang nakakalungkot din na nangyayari sa atin.

Ang bomba naman na lumalabas sa mga sinehan na sinabi ng artikulo na penekula dahil sa penetrasyon at pelikula ay wala na ngayon. Gaya nga ng sabi sa artikulo na nang naganap ang martial law ay nawala ang ganitong klaseng sine. Ngayon ay napapanood na lang ng mga tao ay iba na at ito ang pagpapakita ng suso ng babae at kadalasan ang pwet ng mga artista at malaswang halikan at ang malaswang pag galaw ng mga tao na nakikipag sex. Sa “underground” na lang napapakita ito o ang mga nakikitang hard core sex na nakikita sa mga DVD o internet.


Jologs sa panahon ni Arroyo

ni Charles Ryan Neil t. Perez

Filculm Entri # 2

Sa panahong ito, subukan mong maglakad sa mall. Sinasabing ang mall ay bukas para sa lahat. Kahit sino ay maaaring makatapak at pumasok sa loob nito. May maayos na buhok, malinis na damit, tsinelas man o sapatapos ang suot, ayos na dahil makakapasok ka na. Ngunit ganoon lang ba talaga ang kailangan upang makapasok sa mall? Oo, kailangan nga ang mga iyon subalit sa panahon ngayon ay hindi sapat na may maayos kang damit o polo, pantalon o shorts, tsinelas o sapatos.

Simula’t sapul, ninanais na ng mga mamamayang Pilipino na makisabay sa uso na kitang-kita pa rin naman hanggang sa panahon ngayon. Ang pagbili ng damit galing sa Bench at Human, ang pagkakaroon ng isang pares ng tsinelas tulad nalang ng Havaianas at Banana Peel, ang pagsuot ng Nike o Adidas na sapatos ay ilan lamang sa mga ginagawa nating mga Pilipino upang magkaroon tayo ng kaibahan sa mga taong iniisip natin na hindi natin ka-uri. Takot tayong mapabilang sa mababang uri kung kaya’t gumagamit tayo ng mga may brand na mga damit upang masabi na nakahihigit tayo sa iba pang tao. Nagiging pamantayan na ang pagkakaroon ng mga ganitong mga gamit upang mapabilang ang isang tao sa gitnang uri.

Malaking usapin ang pera sa pagbili ng mga ganitong kagamitan. Kinakailangan nga naman na mayroong pera ang isang taong nagnanais bumili at magkaroon ng mga bagay na iyon. Nariyan na ang pagtratrabaho ng karamihan sa call center kahit na sila ay nagtapos ng kursong Psychology o Philosophy. Alam naman kasi natin lahat na malaki ang kita rito kung kaya’t marami ang naeenganyo at nagnanais na magtrabo sa ganitong klaseng kumpanya kahit na isugal pa nila ang kanilang kalusugan. Para sa ibang nasa mababang uri talaga sa ating lipunan, ang nakikitang paraan ng mga taong ito ay ang pagnanakaw sa iba’t ibang lugar, paggamit at pagbebenta ng drugs at marami pang karumal dumal na gawain upang magkaroon lamang ng salapi at matustusan nito ang kanyang kailangan at ang mga bagay na hindi naman kinakailangan ngunit ninananais parin bilihin upang mapasama lang sa gitnang uri at tuluyan ng hindi mapabilang sa mababang uri. Ang tao nga naman, gagawin ang lahat, huwag lang magmukhang mahirap.

Mayaman yata tayong mga Pinoy, paano ba naman, nakakabili pa tayo ng mga bagay na ating gusto sa kabila ng paghihikahos at paghihirap ng ating bansa. Nagkakaroon pa tayo ng pera pambili ng mga bagay na maaaring magpakita n gating estado at kalagayan sa buhay. Tingin dito, tingin doon. Sa kaliwa, kanan o gitna. Walang nais magpalamang sa kanyang kapwa gaya nalang ng sabi ni Rolando Tolentino sa kanyang artikulong Jologifikasyon. Sa pamamagitan nito, makikita natin ang pagiging creatibo ng mga Pilipino, na kahit ano ay gagawin masabi lang na sila ay may kaya sa buhay at naka-aangat sa iba. Subalit itong ganitong klaseng pag-iisip ay hindi kasalanan ng mga Pilipino dahil sinasabing kasalanan ito ng rehimeng Arroyo.

Sa panahong ito, lahat daw ay nakabatay na sa cost-benefit-analysis. Ito ang pinakamaliit o pinakamurang halaga ng gastos ng gobyerno para sa pinakamalaking balik na kita. Na ayon na rin kay Rolando Tolentino, ang epekto o ang mangyayari sa huli ay nakasalalay ang pag-unlad ng sarili sa pagsisikap at pagpupursigi sa kanyang gawain. Na bahagyang ayos lang naman sa akin dahil tinuturuan tayo na maging masipag at paghirapan ang anumang bagay na ating ginagawa o gagawin pa lamang. Ngunit sa tingin ko ay hindi rin ito maganda dahil maaring ang makitang solusyon ng iba, lalo na ang mga taong nasa mababang uri, ay ang pagnanakaw, pagdrudrugs at pagbebenta nito at pagpatay na hindi naman talaga mabuti at walang maidudulot na kaayusan kahit kailan. Minsan nga ay napapaisip ako kung isa bang solusyon ang pag-rarally o nagiging problema lang ba lalo at minsa’y wala naman yatang nagagawa ito sa mga mamamayan at hindi natitinag ang ating gobyerno, lalo na sa panahon ni Arroyo. Lahat na rin yata sa panahong ito ay nagmistulang serbisyo publiko ng mga kapwa nating mamamayan na nasa gitnang uri at minsan pa ay ang mga tumutulong sa mga mahihirap ay kapwa mahihirap rin o kapareho ang estado sa buhay o mas nakaka-angat lang ng kaunti.

Sinasabi ko ang mga ganitong bagay-bagay dahil sa ang nangyayari sa ating mga Pilipino ay nagpopokus tayo kung paano tayo aangat sa ibang pa, sa halip na tulungan ang mga nasa ibaba na pumantay sa atin upang mas maging maunlad ang bayan. Para kasi sa akin ay hindi rin mabisa ang pagrarally at politikal na pagkilos at kung anu-ano pang pag-alsa dahil kaunti nga lamang ang lalahok sa mga ganitong paggawa. Hindi ko na rin alam kung ano ang gagawin para lang mai-ayos at maiwasto ang mga kamalian sa bayang ito. Nagkakaroon ng dibisyon ang lahat ng mga bagay-bagay, gaya nalang ng uri at estado sa buhay, na noong unang panahon ay pantay-pantay naman ang lahat. Ginawa tayo ng Diyos na magkakapantay at hindi ko lubusang maisip na lagi nalang may naka-aangat sa iba kahit saan. Hindi naman ito masama ngunit kung ang tao ay nagpapayabangan at kung anu-ano ang ginagawa para lang makalamang sa iba, tulad nalang sa rehimeng Arroyo na kung saan ginagawa ang lahat para lamang masabi na maunlad at umuusad ang bayan, ay tila wala talagang patutunguhan.

Maganda at maayos ang konsepto na magkaroon tayo ng maraming foundations, tulad nalang ng GMA Kapuso Foundation na nagbibigay ng canned goods and iba pang pagkain sa mga nasalanta ng bagyo at iba pang organisasyon na tutugon at tutulong sa pangangailangan ng ating mamamayan at bayan. Katulad nalang ng sabi sa artikulo, maaaring ito ang maging dahilan upang mapatalsik ang ating Pangulo sa kanyang pwesto ngayon dahil parang wala na siyang masyadong naitutulong sa bayan. Sa huli ay maiiwasan na rin natin kahit papaano ang pagkokompara sa bawat isa, ang pagpipili kung saan tayong uri nararapat dahil hindi naman ito maganda. Makaka-pokus tayo sa pag-papaunlad ng ating bansa kaysa sa pagpapaunlad sa ating mga sarili lamang. Mas makakatulong tayo sa iba kaysa sa ating sarili lang ang ating tinutulungan. At dahil sa mga ito, maari na rin natin maiwasan ang paglingon sa ating kaliwa’t kanan at ang pag-iisip na makalamang sa ating kapwa at maiiwasan na rin nating maging Jologs.

Mini-Clock

Thermo Converter

Disturbia CBox!

Maukie - the virtual cat

New Movies On DVD This Week

The Simpsomaker